Lumipas ang weekend na gano'n pa rin
Naghihintay pa rin ako na lumipas ang misteryong ito.
Labag man pero pinipilit ko na lang kumilos na parang normal lang ang lahat ng nangyayari.
Na kunwari ito talaga ang kasalukuyan ko.
Yet, nahihirapan akong mag-adjust at hindi talaga nakakatuwa.
Kung ano man ang nasa likod ng nangyayaring ito I can't wait to see that. I'm just a clueless-ridiculous-stupid woman right now.
Ang alam ko lang at the end of the day, biktima ako.
Pinaglaruan ako ng kung anumang misteryo 'to.
Buong weekend ako nakakulong sa kwarto. Lumalabas lang ako pag nakakaramdam ng gutom. Hinahayaan lang ako nina Mama and that's the good thing.
Si Elijah halos oras-oras kung tumawag para kamustahin ako pero deadma lang ako. May oras na dumadaan s'ya sa bahay pero hindi ko siya nilalabas sa kwarto. He doesn't need to act or portray his character in this game. Wala namang camera di'ba so what for? Naiinis lang ako. Ayoko ng kinukulit ako or may nagpapakita ng malasakit sa'kin na akala mo totoo, na akala mo talaga may pake sa'yo but at the end of the day mare-realize mo na ikaw lang talaga ang nagmamalasakit sa sarili mo.
Maaga akong pumasok sa office to check kung hindi rin ba normal ang kaganapan ngayon or kung kasama rin 'to sa kung ano man ang nangyayari sa'kin ngayon. So far, normal naman ang lahat pati ang kinikilos ng mga officemates ko at pakikitungo nila sa'kin. Nothing's changed. As is lang ang lahat dito sa office.
Nakatulala lang ako sa PC ko at parang walang gana actually wala talagang gana, kahit maraming kailangang gawin I'm just staring blankly at my computer.
Maya-maya may nareceive akong email galing sa director namin.
It was a greeting email. I opened it at sumimbulat sa'kin ang malaking Awardee of the month at sa baba no'n ay ang pangalan at picture ko. 'Yun ang laman ng email
What the heck?
May mga commendations sa baba from our Director, Supervisor and Manager and TL at ang nakakagulat pa ay ang nakalagay na pang-3rd time ko ng award 'to.
What? Chineck ko ulit ang recipient pangalan ko nga ang nakalagay hindi kaya spam email to or phishing?
The last time I checked never akong nagkaro'n ng award or kahit anong commendation buhat nang magtrabaho ako sa company na'to.
Kung sa performance naman average lang ang rating sa'kin so ano ito?
Napa-face palm ako. I knew it.
"Urghhhh" the thought of things went normal here gradually vanished.
Maya-maya dumating si Mia - office mate ko
"Demileen girl tawag ka ni Ma'am Angie sa office n'ya" Si Ma'am Angie ang Manager ng department namin.
"Bakit daw?" I asked bluntly.
She just shrugged and made her way to Ma'am Angie's office
I closed the email and locked my PC.
Tumayo ako without composing myself.
Lalo akong nawalan ng gana.
Umalis ako sa cubicle ko at zombie mode na nagpunta sa office ni Ma'am Angie.
Kumatok ako at kumatok ulit pero kahit ilang katok ang gawin ko parang walang tao.
Nandito ba si Ma'am Angie? Patay naman ang ilaw sa loob. Ginu-good time ba'ko ni Mia?
BINABASA MO ANG
ABOUT TIME
General FictionWhat if may mangyari na hindi mo inaasahan Pangyayaring babago sa takbo ng buong buhay mo, Nagsabwatan ang realidad at ilusyon para linlangin ka. Are you willing to go with the flow or go against it?