Katahimikan ang bumabalot kung nasan kami.
Nakatingin lang sila sa'kin pagkabigkas ko ng mga salitang 'yun.
'Yung tingin nila hindi lang basta tingin na nagtataka or naguguluhan, kundi tingin na may pag-aalala.
Pero ako, hindi ko na alam ang nararamdaman ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak.
I burst out crying.
Pakiramdam ko sumabog na'ko.
Nailabas ko 'yung kanina ko pa dapat inilabas.
Halu-halong emotion na ang nararamdaman ko.
Halos mapaupo na'ko at sila parang hindi na rin alam kung paano ako iko-console.
"I-I'm dead, I---m a-already dead" bigkas ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
Nilapitan ako ni Mama at sinubukan akong yakapin pero umiwas ako.
"'N-nak."
"Don't touch me!" Sabi ko nung hinawakan n'ya ang balikat ko.
Kita ko sa itsura n'ya na nagulat s'ya sa inasal ko.
"It's okay Tita ako muna po bahala sa kanya." Si Elijah
"H-hey babe, c'mon." Pilit n'ya kong tinatayo at parang namamanipula n'ya.
"Ako po muna bahala sa kanya. Magiging okay din po s'ya"
Akay-akay n'ya kong inilabas sa bahay.
Isinakay n'ya ko sa kotseng nakaparada sa tapat ng bahay.
Ako, patuloy lang na umiiyak habang s'ya pinanunuod ako.Binuksan n'ya ang makina at nilakasan ang aircon.
"T-tell me. P-patay na'ko?"
Ikinulong n'ya ang mukha ko sa mga palad n'ya at pilit na hinarap sa kanya "Demi look at me, look at me"
Tumingin pa rin ako sa mga mata n'ya pero patuloy pa rin sa pag-iyak.
"I need you to calm down please."
Tuloy-tuloy pa rin ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Okay breath in, breath out"
Hindi ko alam kung may kapangyarihan ba s'yang i-hypnotized ako at napapasunod n'ya ko sa mga pinapagawa n'ya.
Sinabayan n'ya ang pag inhale exhale ko at ngumiti s'ya nang makita n'yang unti-unti akong tumitigil sa pag-iyak.
Unconsciously, napayakap ako sa kanya. Something pushed me to do so and there's a part of me agreed that this is what I need right now. A hug. A tight hug.
He hugged me back "Everything will be alright babe" bulong n'ya.
Bakit gano'n? Parang nakakaramdam ako ng calmess and peace sa mga yakap n'ya?
Though hindi ko s'ya kilala at hindi ko alam kung bakit bigla s'ya nag-exist pero ang comfortable ng mga yakap n'ya.
Hindi ako bumibitaw sa pagkakayakap lalo na't nararamdaman kong nagiging okay ako.
Sino ba talaga s'ya? What does he have to do with me?
Is he a mastermind behind of this whole thing?
Kumawala ako sa pagkakayakap at pinunasan ang mga natirang luha sa mga mata ko.
"Hindi ko na alam kung anong dapat na maramdaman ko" I said in melancholic tone.

BINABASA MO ANG
ABOUT TIME
General FictionWhat if may mangyari na hindi mo inaasahan Pangyayaring babago sa takbo ng buong buhay mo, Nagsabwatan ang realidad at ilusyon para linlangin ka. Are you willing to go with the flow or go against it?