⭐️Chapter29: The Wedding Planner.⭐️

1.4K 28 0
                                    

🐎
9:30 PM

"Vice! Bili mo ko ng TAHO! Sige na."

🐎

5:14 AM

"Viicee! Gusto ko ng hipon na walang ulo na may maasim na sabaw!"

🐎

8:02 PM

"Wag ka dito matulog! Dun ka sa sofa, ang baho mo!"

🐎

4:20 PM

"Gusto ko ng ice cream na hindi masyadong malamig!"

VICE'S POV

Nakakaloka na, araw araw, gabi gabi na akong inuutusan ni Karylle. Ganito pala mga buntis noh? Maghahanap ng bagay o pagkain na hindi mabibili tuwing gabi, tapos mga pagkain hindi mabinili sa umaga pero pinapabili sa umaga. Gulo no? Ganyan narin ang utak ko eh. Magulo.

Kahit na ganito, mahirap. Pinipilit ko paring magtiis kasi masasanay rin naman ako pag nagka -anak pa uli kami ni Karylle. Ginagawa ko ang lahat ng inuutos niya kasi mahal ko siya, mahal ko si baby. Dapat maging ready na akong mag-alaga ng isang batang sanggol kagaya ng hindi ko nagawa kay Kylie noon.

Gusto ko narin sanang pakasalan si Karylle, nagpa-plano na nga ako kung kailan o pano. Sinabi ko narin yun kay Karylle pero hindi ko pa siya makausap ng maayos kasi lagi akong tinutulugan. Galing ano po? Sasabihin ko narin kay Karylle para magkasundo kami ng preparations at hindi yung magkasalungat kami ng desisyon sa ganyan ganyan.

"Hiii mommy buntiss!!!" Bati ni Kylie nang makapasok kami sa condo ni Karylle at niyakap ito.

Kakasundo ko lang kasi sa anak ko galing school matapos kong ihatid si Kurba dito nung galing kaming showtime. Hindi ko na siya sinama since 4 months na naman yung tiyan ni Karylle. Hindi pa naman gaano kalaki ang tiyan niya pero may baby bump na talaga at halata na. Kahit na pwede pa naman siyang mag-gala gala, pinagbawalan ko na siya. Minsan minsanan nalang siyang gumagala sa mall unless kung kasama ako.

"Hi, Kaykay.. Hmmm, you smell like cookies and I love it." Ayan nanaman si K, ang weird weird. Mga tisbun talaga eh.

"Mom, it's just because we bought you some cookies, look." She lifted the paper bag at pinakita kay K.

Napapasmile ako sa tuwing nakikita ko yung dalawang anghel ng buhay ko na nakangiti. Nililigpit ko lang yung kalat ni Karylle sa sahig na puro balat ng kung ano anong kinakain niya. Karylle talaga o..

"Wow, thank you, sweetie!.. But mommy's craving for milk too." K pouted.

"Sige sige, ako na ang gagawa, mahal ko." I winked bago itapon ang mga basura ni K sa trashcan.

💍
💍
💍
💍
💍
💍
💍
💍
💍
💍
💍

"Vicey, I'm done.." Nakangiting sabi sakin ni Karylle at iniabot ang baso ng gatas na pinagawa niya. Ang cute naman ng fiancé ko, may gatas pang lumampas sa labi. Hihi.

"Aaww, you're so cute mahal." I said at pinahiran yung labi niya then I licked my thumb I used. "Yummy, hahaha!" Tumawa ako saka ako naupo sa tabi niya sa may kama.

We're actually on her condo's room. Sabi kasi ni K inaantok na siya kaya hinatid ko na siya sa kwarto niya. Naiwan naman si Kylie doon sa harap ng tv at nanunuod ng Bet on Your Baby na paborito niyang panuorin dahil naaliw raw siya sa mga batang sumasali.

Tumabi ako kay Karylle at niyakap siya habang nakahiga. Siguro chance ko na to para mapag-usapan namin ang tungkol sa kasalan. Tutal 4 months na naman kaming engage. Kering keri na ng powers kong paghandaan yang ganyan ganap noh. Mayaman ata to si Bakla.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now