⭐️Chapter24: Win Me Back ⭐️

1.7K 30 0
                                    

GENERAL POV

"Sorry talaga Direk, last absent ko na 'to.. May importante lang kasi akong lakad.. Sorry direk, sige po." Paumanhin ni Vice sa kausap niyang si Direk bobet sa kabilang linya. "Urrrgg, init!" Daing nito.

Kasalukuyan kasing naglalakad sa ilalim ng tirik na araw si Vice papunta sa bahay nina Ms. Z. Nasiraan kasi ng biglaan ang gamit niyang van kaya iniwan na muna niha sa driver niya kaya eto siya ngayon, jetlag.

Plano sanang tanungin ni Vice ng personal ang ina ni Karylle upang mag-sorry narin at tanungin kung nasaan nga ba ang kasintahan niya. Umaasa kasi siyang alam nito kung nasaan si Karylle dahil hindi pa naman siya nakapagtatanong rito.

Hindi naman siya nabigo at nakarating narin sa bahay nito. Nagdoorbell siya sa may gate kaya lumabas ang kasambahay ng mga Padilla. Pinapasok naman siya at pinaghintay muna sa may sala ng kasambahay bago tinawag ng tuluyan si Ms. Zsa zsa mula sa kanyang kwarto.

"Oh, Vice! It's so nice to see you." Bati ni Ms. Zsa Zsa kaya medyo naalis ang kaba ni Vice nang makitang hindi ito galit sa nagawa niyang pananakit sa dalaga.

"G-good afternoon po, Ma?" Alanganing bati ni Vice.

"Hay, ikaw talaga. Of course you can still call me mom.. But what brought you here?" Masuring tanong ng ina ni K habang humihigop ng tsaa na itinimpla ng isang kasambahay nilang malabo ang mata na minsan ay nakalalagay ng food powder sa kape.

"S-salamat po.. A-andito po ko kasi ano po.. Tatanungin ko lang po sana kayo kung a-alam niyo ho ba kung nasaan si Karylle? Mag-iisang linggo na po akong hindi siya nakikita. Hindi naman po sa nangingialam pero boyfriend ho ako ng anak niyo, gusto ko rin hong malaman kung nasaan siya at kung kamusta na siya." Litanya ni bakla at hawak ang dalawang kamay sa sobrang kaba.

"Alam mo, Vice. Kahit kami ni Zia, even a single information about her. Wala talaga. Sobrang nag-aalala na nga ako but I know hindi naman mapapahamak si Ana Karylle kasi alam kong hindi niya hahayaang mapahamak ang sarili niya. Look, Vice." Sabi ni Ms. Z kasabay ng paglapit kay Vice at hinawakan ito sa kamay. "We'll help you. Kami ni Zia. I know mahal mo ang anak ko kaya mo to ginagawa and I'm here to support you no matter what happens. We're all in this together."

Nabuhayan ng loob si Vice sa mga narinig. Akala niya ay kamumuhian na siya ng Padilla's , Quizon's at Tatlonghari's dahil sa nagawa niya. Alam niyang sinsero nakan ang ina ni Karylle sa mga sinasabi nito at lalong lalo na ay may tiwala siya dito.

"Ngayon po sana kung pwede na nating hanap-hanapin si K, mama." Suhestiyon ni Vice.

"Sige, I'll go. Isasama ko narin si Zia para may taga-tulong tayo. Just wait me here." Sabi ng ina at umakyat na sa kuwarto para tawagin si Zia.
.
.
.
.

Kung saang saang lupalop ng maynila naghanap ang tatlo, de bali apat kasama ang driver. Kahit anong tawag at text nina Vice kay Karylle ay walang sumasagot o di kaya'y cannot be reached.

((A/n: inip na ba kayo? Ako ren.))

"MEME!" Sigaw ni Buern sa phone kaya medyo nilayo ni Vice ito mula sa tengga niya.

"Ano? Hindi mo nga ako aayusan ngayon kasi hindi ako papasok. Got it? Hinahanap ko pa nga si Ka--"

"KAYA NGA AKO NAPATAWAG EEH, Hoy bakla. Buti nalang at chinika pa sakin ng kaibigan kong bakla bago mag-end off the world, nakita niya raw si merlat mo sa Laguna last week. Ngayon lang chinika ng gaga. Nasa may orphanage daw nakikipaglaro sa mga bata nung napadaan siya ng nakasasakyan kaya medyo nakilala niya raw." Litanya nito.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora