2-15 || Small but horrible

1.2K 37 0
                                    

"A-aah.. Aray.." Ungol ng isang dalaga habang hindi namamalayang may luha na palang tumutulo sa nakapikit niyang mata. Dahan dahan siyang dumilat, natagpuan ang sarili sa isang abandunang lugar, nakagapos ang sarili, at pawisan ang iba't ibang parte ng katawan niya.

"A-ano ba 'to?!" Sigaw niya muli at pilit na tinatanggal ang kamay sa tali na karugtong ding nakatali sa isang poste. Hindi niya kinayang matanggal ito bagkus ay mas nasasaktan pa siya sa pagpapatuloy ng pagbaklas sa taling nakapulupot sa kanyang kamay.

"Uurrgh! S-sino bang nandito!? T-Tulong!!" Nagmamakaawa niyang sigaw at napasandal nalang sa pader dahil sa sobrang pagod.

"O? Well, well, well, gising na pala ang ka-isa isang anak ni Viceral...sa labas. Kamusta naman ang tulog mo? Masarap ba?" Nakangising sinabi ng isang lalaking may nakasuksok na baril sa kanyang pantalon. Hawak hawak niya ng madiin ang buhok ng dalaga habang bahagya siyang naka-upo para mapantayan ito na nakaupo rin sa sahig.

"Ano ba, YAEL?! B-bakit mo ba ako ginaganto?! The first time I saw you is muntikan mo na akong gahasain! Fvck! Pakawalan mo na ako, please..." Nanghihinang sigaw ni Kylie kaya mas lalong hinigpitan ni Yael ang paghawak sa buhok ng dalaga.

"Aba, niya-Yael mo nalang ako ha. Wala kang respeto! Pareho lang kayo ng bakla mong ama!" Sabi nito at sinipa ang binti ng dalaga bago makatayo.

"Respeto?! Big word! Bakit ikaw may respeto ka ba?! Wala naman di'ba?! Wala kang ginawa kundi maghiganti! Ang saya saya na namin nila Mommy K ngayon pero nung dumating ka nagka-problema nanaman kami! Ano bang akala mo?! Matatakot ako sayo? Ha-ha, HINDI! Lalaki ka lang, pero mas matangka-- araay!" Kaagad na hinablot ni Yael ng pagkalakas lakas ang braso ni Kylie kaya nasaktan ito ng maigi.

"Magtigil tigil ka sa kakasagot sakin kung ayaw mong dito nalang magtapos ang buhay mo. Tandaan mo, bata ka lang. Subukan mo pang sumagot kundi huhugutin ko na talaga 'tong baril na 'to sa pantalon ko." Pagbabanta ng maliit na mama at pabagsak na binitawan ang braso ng dalaga.

"Eh ano naman?! Hindi nga ako natatakot sa kahit anong banta mo kasi alam kong hindi mo magagawa 'yan! Ni-manggahasa nga hindi mo natuloy! Pagpatay pa kaya?" Pamimilosopo ng dalaga at inirapan si Yael kahit na ang sakit sakit na sa kalooban niya.

"Aba, mukhang gusto mo talaga ituloy 'yon ano? Hinahamon mo ba ako?" Pananakot ni Yael at akmang hahalikan sa leeg ang dalaga habang hila hila ang buhok nito. Umiwas kaagad si Kylie at napangisi si Yael. "See? Hanggang salita ka lang, kaya ikaw, ha.." Sabi ni Yael at hinawakan ng mahigpit gamit ang isang kamay ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Manahimik ka nalang, kundi papatayin talaga kita." Muli nitong panakot.

"Then kill me! Mas okay nga 'yun eh! Makakasama ko na ang lolo't mama ko!" Pagmamatigas nito pero sinampal agad siya ni Yael at dinukot ang baril sa pantalon at tinutok kay Kylie.

"Putangina ka naririndi na ko sayo! Pwede ba manahimik ka na? Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko, kapag nakuha ko na, may posibilidad na palayain kita, o kaya patayin kita... Well, just be ready.." Sabi nito pagkatapos sipain muli ang binti ng dalaga at umalis ng abandunadong gusali.

Pagka-alis na pagka-alis ni Yael saka tuluyang inilabas ni Kylie ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak. Pinipilit niyang magpakatapang sa harap ni Yael para hindi masabing madali siyang sumuko.

Hindi niya namalayan na nadala na pala siya ni Yael sa gusali nung gabing 'yon pero ngayong umaga lamang siya nagising. Duon na nga at nakagapos na ang kanyang kamay at gulo gulo ang buhok. Sinakay siya ni Yael sa isang roro pabalik ng maynila ng hindi niya alam.

Maya maya pa ay bumalik narin si Yael na may dala dalang tubig at pagkain saka hinagis sa direksyon ni Kylie kasabay ng pag hithit niya ng sigarilyo. Tinignan siya ng masama ng dalaga dahil para na siyang ginawang baboy na basta basta nalang papakainin.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum