May FOREVER nga ba?
May forever ba? 'Yan ang palaging tanong ng mga estudyante at kabataan ngayon. Para sakin, OO, meron, kay Lord pero sa minamahal mo, wala. Kasi magsasawa rin yun at mawawala. Basta yun ang para sa'kin.
Ako si Bianca Intal, 14. Studying in Skylar University.
Palakad-lakad lang ako papasok sa klase namin. 3rd grading na at sobrang pagod na kami kasi ang daming ginagawa. Hell week. -_-
At dahil 3rd grading, may seating arrangement na naman. 'Yan ang pinakahinihintay ng mga kaklase ko. Parang ngayon lang nakapag-seating arrangement. Maka-react wagas. Pangatlo na nga 'to e. Pero, inaamin ko, excited na rin ako dyan sa seating arrangement kasiiiii....
*FLASHBACK*
Pasukan noon. Secong year high school na ko. 1st grading. And kakagaling lang sa pagmomove on. Kasi ang mahal ng mahal ko ay ang bestfriend ko. Pero okay na yun. No issues na. And as always, pasukan na pasukan, seating arrangement.
"Mr. Caballero, seat here." sabi ng teacher namin.
At ayun na nga. Si Kenneth Caballero. Matangkad, Gwapo, pinagkakaguluhan, hearthrob, matalino, at may KILLER SMILE! At siya na rin yung taong mahal ko na minahal ang bestfriend ko. Ang saya 'no? Pero may konti pa kong nararamdaman sa kanya. Konti na lang. HAHAHA
"Ms. Intal!" sabi ng teacher ko.
Nagulat naman ako kasi ang diin-diin ng pagkakasabi niya ng INTAL!
"Seat beside Mr. Caballero" dagdag pa ni ma'am.
"OMG! OMG! OMG!" sabi ng heart ko. HAHA. Kinikilig ako pero dapat hindi kasi ang alam ko, nagmove-on na ko.
"Yieeeee! *Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig*" pang-aasar naman ng mga kaklase ko.
Wala namang dapat ibalik ha. Hindi naman niya ko nagustuhan. -_-
*KASALUKUYAN*
Haaaaay.. Tapos nung 2nd grading, hindi ko na siya katabi, yung bestfriend ko yung katabi ko na si Hannah Garcia. Pero okay na kami. As in bestfriend na ulit kami.
At eto na nga, parang mga baliw na galing sa mental yung mga kaklase ko para makapag-seating arrangement.
Hinanda na ni Hannah yung bag niya at niyakap. HAHA
"1st and 2nd row, punta muna sa likod." sabi ni ma'am. 3rd row kami ni Hannah. Atsa kabilang side naman si Kenneth. Magkatapat pa talaga 'no.
Niyakap ko na rin yung bag ko. Para tatayo at lalakad na lang sa upuan ko.
Hanggang sa napuno na yung 1st at 2nd row. Pero hindi pa rin kami pinapatayo.
"Mr. Caballero, seat here in the middle." sabi ni ma'am.
Eh yung feeling na ang inupuan niya ay yung katabi ng katabi ko. E wala nang nakaupo sa tabi ko bale yung upuan na lang yung nag-aagwat samin.
"Sayang oh! Isa na lang. Malapit na. Yieeeee!" sabi na naman ng mga kaklase ko na walang tigil sa pang-aasar.
At ako naman ay nakahalukipkip sa bag ko na nakangiti na tumatawa na baliw sa kanya. Lumalim na ng lumalim. Kasi naman ang daming nagsasabi na may gusto daw sakin si Kenneth simula pa 1st grading ngayong 2nd year high school. Pero di ko naman nararamdaman kasi hindi niya pinaparamdam. Napaka TORPE.
E narinig ni ma'am yung mga sinasabi ng mga kaklase ko. Tapos nakatayo si ma'am sa gitna namin ni Kenneth.
"Ms. Intal, dito ka." sabi ni ma'am na nakaturo sa tabi ni Kenneth.
Haaaaaay..
"Yieeeeee! Merry Christmas Bianca! Regalo ko na 'yan sa'yo! Yieeeee!" pang-aalaska ng mga kaklase ko. As in lahat sila. At may nagsabi pa ng, "Okay lang 'yan Hannah!". Pero okay lang kay Hannah.
Si Hannah Garcia ay sobrang baet, masipag, matalino. Kaya nagustuhan ni Kenneth nung 1st year high school.
At hanggang sa natapos na yung pagsi-seating arrangement. Nagklase ng isang oras, hindi niya ko kinausap. Sa susunod na subject kaya?
ABANGAN...
Thank you for reading. Support, Vote, Read, Comment. :)
Godbless. ;)
BINABASA MO ANG
May FOREVER nga ba?
RomanceLove story. May taong nagmamahal sa kaniyang minamahal. Mamahalin kaya ni guy si girl? Patuloy bang mamahalin ni girl si guy FOREVER?