Hindi ako makatulog kasi palagi kong iniisip si Kenneth. Yung tungkol sa mga pinagusapan namin. Yung mga times na nagkakausap kami. Huli na kaya yun?
Sana hindi kasi gusto ko pang makausap, makasama, makalambingan at makipagharutan.
Lord, patulugin niyo na po ako para paggising ko bukas, papasok na lang ako para makita si Kenneth.
ZZzzzzz....
.
.
*KRIIIIIIIING!" ang maingay na alarm ko. 5 minutes pa...
"AAAHHH!" sabay tayo ko sa kama kasi naalala ko si Kenneth.
Kumain at naligo na ko.
Excited na ko pumasok..
~LA~LA~LA~LA~LA
Ayaaaaan naaaa. Nasa school na ko!
Pagpasok ko, wala pa si Kenneth. Pero sabi ko mamaya pa yun. Palagi namang matagal yun e. Pero hindi late.
Nagring na yung bell, wala pa siya. Ang tagal niya. PApasok kaya yun?
"Mukhang wala pa si Kenneth ha." sabi ni Albert.
"Ou nga e. Pero papasok yun. Hindi naman yun umaabsent e. Baka nalate lang." sabi ko.
Pero sa loob-loob ko, hindi ko talaga alam kung makakapasok siya kasi kahit kelan hindi siya umabsent, at kahit kelan hindi siya nalate. Sana makapasok na siya.
Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ko. Huhu. Di na ba talaga siya papasok. Friday pa naman. 3 days ko siyang hindi makikita. :(
Hindi pa rin ako mapakali kung anong nangyari sa kanya. Baka may sakit. O kaya umalis sila ng pamilya niya. O baka naman tinatamad siyang pumasok.
Sinubukan kong tanungin si Robi kung bakit siya absent.
"Robi, alam mo ba kung bakit wala si Kenneth?" sabi ko sa kanya.
"Aaahh. Si Kenneth??? Hindi eeeee." sabi niya. Pero parang hindi siya makasalita.
"Sigurado ka? Sagutin mo ko please?" sabi ko nang ilang pilit.
"Ou, hindi ko talaga alam kung bakit siya absent." sabi niya sakin.
.
.
.
Huminga na lang ako ng malalim. Sana okay siya. Sana.
*Robi's POV*
Bigla akong tinanong ni Bianca kung absent ba si Kenneth.
OO, alam ko kung bakit wala si Kenneth.
Pero ayokong sabihin kay Bianca. Kasi masasaktan lang siya.
.
.
.
Inatake si Kenneth kaya hindi siya makapasok. Sinugod siya sa ospital kagabi kasi hindi siya makahinga. Ngayon, nandun na lang siya sa ospital naka-admit. Nagpapagaling. Sinabi rin sakin ni Kenneth na wag kong sabihin kay Bianca yung nangyari sa kanya. Si Kenneth na lang daw magsasabi pag gumaling na siya.
ABANGAN..
Thanks for Reading. Read, Vote, Comment, and Support. Thanks. :)
BINABASA MO ANG
May FOREVER nga ba?
RomanceLove story. May taong nagmamahal sa kaniyang minamahal. Mamahalin kaya ni guy si girl? Patuloy bang mamahalin ni girl si guy FOREVER?