chapter 3

49 4 0
                                    

Chapter 3

(Luna’s POV )

“urghhh!!!” kanina pa ako bumabalikwas ng kama. Pano ba’t di ako makatulog sa kaiisip sa mga pinaggagawa ng Maoui na ‘yon.

“May topak siguro yun kaya basta nalang nanghahalik sa pisngi.”

“ Para kang timang sa kasasalita dyan. “ Anakngtokwa. Nandito na pala si Cyndie sa tabi ko. Kung hindi ko  lang alam na invisible girl ito baka nakatikim na ito sa akin. Pasulpot-sulpot pa naman.

“Halika sa canteen tayo. Libre kita” Agad uminit ang tenga ko pagkarinig ng libre at awtomatikong napabangon bigla. Ang bilis ko sa libre noh? Kasi nga hindi ako sanay ilibre. Poor girl lang kaya kame. Nagpali lang ako ng damit at lumarga narin kame.

Katulad rin naman sa mga ordinaryong canteen ‘tong pinuntahan namin. Pera rin naman ang ginagamit nila pambayad  ngunit ang nakakabilib ay ang mga mesang lumulutang sa ibabaw. Papaano kaya sila makakaakyat doon?

“ Imaginary steps ang tawag para makaakyat ka sa taas. Ilusyon ang gagamitin mo para makaupo sa mga upuan nayan.” Ayos ah. Nabasa niya ang isip ko. Pero infairness astig! Kaya patakbo akong umakyat at kumuha ng mesa para sa aming dalawa. 

Papaakyat na sana si Cyndie kaso may namataan akong  di kananais nais na view sa harap ko mismo. Headquarter  ng mga babae at ang pinakaleader na nakaupo mismo sa gitna ay walang iba kundi ang Prince Maoui  nila. Awtomatikong akong bumaba at sa sobrang bilis ay nahulog ako. Badtrip! Pero wala naman atang nakapansin.

Hinila ko agad si Cyndie  at umalis na lamang.

Tama naman siguro ang desisyon kong iwasan nalang si Prince Maoui. Puro kaba lang naman ang dulot nito kase sa akin. Iiwasan ko nalang siya hanggang sa makakaya ko.

Vacant ko ngayon at siguradong hinahanap na ako ng mokong. Every vacant hours kasi ang eschedule ko sa pagtratraining. Pero liliban muna ako ngyon. I don’t wanna see him. And I don’t effin’ care kung tustahin niya ako ulit. Yun naman palagi ang pangblackmail niya.

Pakatapos ng walang kwentang vacant hour ko, sa kwarto ko lang naman ako nagpalipas oras wala akong mapuntahan eh. Si Cyndie kung saan -saan naman pumupunta ang babaeng yun, kaya sinadya kong magpalate. At tama nga pagpasok ko sa klasroom ay nag-uumpisa na sila  ng topic .Dahan-dahan akong pumasok at  si Cyndie lang naman  ang   nakapansin sa akin. Busy kase sila sa pagsusulat.

Pero mali ata ako ng hinala meron pa palang isa na nakaramdam ng pagiging late ko.

“Proffesor mendiliv. Mayroon po yatang napakabait na estudyante ang late ng pumasok ngayon”  Pakshet. I-nanounce niya pa sa klase. Sino pa ba ang magsasabi ‘non kundi ang iniiwasan kong tao.

Humarap tuloy sa akin ang matanda. Ewan ko nga  lang kung galit ito kasi pareho lang naman kami na poker face ang mukha palagi .

“ Miss Roman, After class you need to clean this room. Serve as your punishment” Hindi na ako umangal at umupo nalang. Tiningnan ko nalang ng masama ang sombongero kong kaklase. Yung abnormal, tumawa lang.

“ May araw ka rin sa akin”  bulong ko pero nakaabot rin pala iyon sa pandinig ni Cyndie.

“I think  the prince is interested on you.” I pouted.

“Alam mo  pinagtritripan lang ako ng kumag na yan. Wala atang magawang mabuti eh.”

“Know what, wala ngang pinapansin ‘yan maliban sa kapwa niya guardian.isnabero ‘yan sa mga babae. Pero sa tingin ko may something sila ng kasandra nayun.” Kita mo tong kaibigan ko, sasabihing interesado daw ang prinsipe sa akin tapus may something daw sila ni kasandra.Ano ba talaga tong babae na ‘to.

The next phantom HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon