chapter 6

51 4 0
                                    

CHAPTER 6

Still Luna’s POv

20 minutes late na ako ng dumating sa klase. Whew! Akala ko kasi talaga late na late na ako kaso pagdating ko nag-iingay pa ang mga kakalase ko. So, hindi pa rin  dumadating ang professor namin kaya pala ganito kagugulo ang mga kaklase ko. Tumingin ako sa upuan kong bakante at katabi nito si Cyndie na nakikipagdaldalan sa kaklase naming nasa unahan. Lumapit ako at umupo sa tabi niya habang tinitingnan ng palihim ang prinsesa.

Mukhang mabuti naman ang lagay niya at hindi na mababakasan ng galos sa katawan.

“ Luna! Dumating kana sa wakas!”  Hi-nug ako ni Cyndie. Awkward ng babaing ito.

“huh? Para saan ang yakap na ‘yon? Ano ka ba hindi naman ako mamamatay ah. “

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. “ Atleast nabuhay ka. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Iniligtas mo ang buhay ko pati narin ang prinsesa. Napakaswerte ko talaga at naging kaibigan kita.”

Kahit na medyo corny ang sinabi niya napangiti narin ako. Ramdam ko kasing tagos sa puso ang pagpapasalamat niya. At masaya rin ako na nakilala ko siya –yun nga lang mukhang laging masusuong din ito sa panganib dahil sa akin. Pero kahit na ganoon ay hindi parin ako magsasawang iligtas siya.

“ Uhhm, may balak ba kayong bumii mamaya ng regalo. Sama ako. Hindi parin kasi ako nakakaisip kung anong bagay ang gusto ni Prince Maoui” Si Sean . She was Cyndie’s friend also and one whom she is chitchatting a while ago.

“ Sige, mabuti nga yun. Tatlo na tayong mamimili mamaya. Masaya yun!”  Teka. Is she excited? And what the heck is about the gift that gonna give to the Prince. Na o-o-p na ako sa dalawang ito.

“ Anong regalo ang sinasabi mo? Mayaman ang Prinsipe at hindi niya kailangan ng kahit anong rega-regalo pa kahit kanino”

Sean looked at me puzzled

“ Lahat ng babae rito sa academy Luna pinangarap na maging muse ng prinsepe sa darating na School Festival. Bale ang maswerteng babaeng mapipili ng prinsipe ang makakasama niya sa loob ng tatlong araw sa pagtanggap ng mga bisita mula sa iba’t-ibang kaharian”

“ At ang pagpipili ay ginaganap isang linggo bago ang mismong selebrasyon. Simple lang naman ang gagawin ng mga babae. Magbibigay lang naman siya ng pinakamagandang bagay sa Prinsepe at kapag iyon ang napili ay tiyak na magbubuhay prinsesa siya ng tatlong araw .hayyy”   kinikilig pa ata si Cyndie habang nagpapaliwanag sa akin.

Buhay Prinsesa ng tatlong araw? Sa panaginip ko lang pwedeng mangyari yun.

Tumingin sa akin ng masakit si Cyndie. “ Don’t tell me Luna na wala kang balak makilahok? Hindi ka ba naniniwala sa Fairytales . Ito na yung pagkakataon na maging prinsesa ang isang ordinaryong babae!”

 I am an avid fan of fairytales. But  I don’t like the thought of hoping to something that you’ve got only 1% out of 100 and you’d gonna end in despair.  It’s hopeless afterall.

“ Im sorry kayo nalang ang mamili. Sa room ko nalang ako magpapalipas. Ayoko dagdagan pa ang koleksyon na basura ng Prinsepe. Isa pa hindi ako marunong pumili ng mabuting regalo. “ Tumawa ako ng pagak. “ Sorry talaga”

Nalukot ang mukha ni Cyndie sa sinabi ko. Pero di rin nagtagal ay napilitan na ring tanggapin ang rason ko. “ Sige na nga . kame nalang.” She pouted.

Nang ibaling ko ang atensyon sa unahan ay nakita ko si Maoui. Masyado lang akong nadala sa kadaldalan ng dalawa kong kasama kaya hindi ko alam na dumaan pala ito sa tabi ko. Buti nalang, ayokong dagdagan ang mga fans niya.

The next phantom HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon