chapter 4

60 3 0
                                    


chapter 4

Tumambad sa harapan ko mismo ang sira-sirang pader at wala sa ayos na mga kagamitan. Mapagpaminsala rin pala ang mga dragon nayon bukod sa pumapatay.Dumeretso ako sa labas ng kastilyo. Mukhang wala naman akong maaninag na gorgons. Masyadong tahimik ditto sa labas at yun na nga ang pinakamaling opinion na masasabi ko. Sa may di kalayuan isang dragon ang namataan ko at lumping-lumpo ang katawan nito.maraming sugat.

Ito ang tamang timing para patayin ito. Pero papaano?? Wala man lang akong dalang sandata.

Ako na talaga ang pinakatanga sa mundong ito.

Mukhang napansin naman ako nito at kahit hirap parin ay nagpupumilit na bumangon.

Kumuha ako ng kahit anong sanga na matulis sabay takbo papunta sa lugar na kinaroroonan nito pero bago pa man ako makalapit inunahan na ako ng dalawa pang gorgon.Pero ang aim nito ay yung isang lumpo.

Kawawa naman. Maraming sugat na nga pinagtutulungan pa ng dalawa. Away magkakapatid.

Tumingin sa dereksyon ko ang kawawang nilalang. Parang nagsusumamong tulungan ko. At dahil nga diyan nabaling sa akin ang atensyon ng dalawa. Ito na ata ang katapusan ko! Hinihintay ko nalang na mawala na ako sa ere. Unti-unti na kasing hinihigop ng dalawa ang enerhiya mula sa katawan ko. At papalapit sila sa akin mismo!!!

Please help me. Patay na ko neto!

Biglang tumayo ang sugatang isa At nilagpasan  ang dalawa . Tumigil ito mismo sa harapan ko at hinarapang dalawa pa. Animo’y aawayin nito ang dalawa kahit pa sa sitwasyon nitong sugatan.

Walang kahiraphirap naman na hinawi ng isa yung nasa harapan ko kaya tumilapon ito. At ngayon face to face na kami ni kamatayan Este! Ng dalawang dragon.

Nang biglang napalibutan ng apoy ang dalawa. Umatungal ang mga ito sa init. Nagtaka naman ako kung bakit takot ito sa apoy gayong immune dapat rito ang mga dragon.

Nasa di kalayuan ang prinsepe nanamang epal. Hayun tinutulungan ako.Tumakbo na ako sa lugar kung saan tumilapon ang isang dragon at lumapit habang pinapanood na nakikipaglaban si Maoui sa dalawa pang natitira.

The 3 struggle at each other.Two versus one. At walang kalabanlaban ang prisepe sa dalawa. Akmang dadakmalin ng isang dragon si Maoui ng may lalaking pumagitna at inilabas ang nagliliwanag na kahon .Maliit lang naman ito pero sobrang liwanag kaya siguro umatras ang dalawang kalaban at tumakbo.

Ang lalaking tumulong kay Maoui ay yung lalaki na sinusundan ko. Buti nalang pala at nagpakita ito ngayon at tumulong. Nakahinga na talaga ako ng maluwag kaso naalala ko na katabi ko pa pala ang isang dragon. Pero nga lang mahina na ito at naghihingalo na. Lumapit sa amin Si maoui ng nakabusangot  at ang di ko pa kilalang lalaki. At dahil hawak parin nito ang maliwanag na bagay ay umatungal  naman ang katabi ko.

“Back off!”  sumigaw na ako sa may hawak ng kahon

Tumigil ang dalawa at akmang palalabasin naman ni Maoui ang kanyang apoy ng pigilan ko.

“ Hindi siya kakampi ng dalawa.Iniligtas niya ako kanina kaya wag mo yang ilalabas” kahit na nagpaliwanag na ako ay mukhang diskumpyansado parin ang dalawa.  Kaya lumapit na talaga ako sa dragon at hinawakan ang mga sugat niya sa leeg. Kawawa naman talaga ang hayop na ito. Kung may magagawa lang sana ako para pagalingin siya ay ginawa ko na.

“You don’t know what your doing.Get away from that monster!” si Maoui. At galit na galit na talaga siya.yumakap pa ako ng mahigpit sa leeg ng hayop .Hindi ko alintana ang galit sa mukha niya.

The next phantom HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon