We were in Elementary when I first met him. Wala talaga akong kahit na anong interest sa kaniya. As in wala talaga.
But, the election for School Governing Officer came.
I was elected as the years muse and he was the escort.
I had this chance to get to know him. Pakilala sa lahat ganun.
Hindi ko naman alam na magiging close kami ng ganun ganun nalang.
Hanggang sa yung mga kaibigan namin na nakapalibot sa amin, parati kaming tinutukso sa isa't-isa.
"Alam niyo bagay kayo. Maganda ka, tapos gwapo naman siya. Ayieeee. Sana maging kayo pag laki natin."
Tukso sa akin ng kaibigan kong si Joy.
Napa-isip ako.
Ang bata pa namin sa ganito, tsaka mukhang hindi niya naman ako magugustohan.
Lumipas yung mga araw, na kapag hindi ko siya makita, hinahanap hanap ko siya. I told my best friend what I feel about him.
Actually, umaasa ako na kahit kunti ay magustohan niya ako. Kasi yung mga pinapakita niya sobrang nakaka hulog ng loob talaga.
"Ayieeee, may gusto ka na sa kaniya nu?" natatawang tanong niya sa akin.
"Siguro?" hindi siguradong sagot ko sa best friend ko.
"Anong siguro? Sigurado yan." sagot niya pa.
Nagkibit balikat nalang ako sa mga pinag-sasabi niya.
Hanggang sa isang araw.
"Uiy Shay, yung crush mo. Crush pala si Joy." parang sumikip yung dibdib ko sa sinabi ng kaibigan kong si Tin.
Si Joy na parating nanunukso sa amin. Siya palang crush ng crush ko. Bakit parang ang sakit?
Sa murang edad, pakiramdam ko na durog ako ng pinung-pino.
Alam niyo kung anong mas masakit?
Iniwasan ako ni Joy, dahil crush niya din yung crush ko.
Akala ko ba susuportahan niya kami kapag lumaki na kami. Yun pala gusto niya din yung crush ko.
I didn't get the chance to tell him how I feel. Hanggang tingin nalang ako sa kanila, pa selos selos nalang sa isang tabi.
Eh panu? Ang bata pa kaya namin.
We're just 10 that time.
Pero mapag-laro ang tadhana.
And then the next school year came.
Nasa 6th Grade na kami.
KAKLASE ko siya. Seatmate ko pa!
Walang imik akong nakaupo sa silya konng maramdaman ko ang pag upo niya sa katabing silya ko.
"Hi, shay! Musta ang bakasyon?" Tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako makasagot, yung tingin niya kasi. Hala, crush ko parin pala siya.
"Oiy! Shay! Ok ka lang?" natatawang tanong niya ulit sakin.
"Ha? Okay lang naman. Ikaw?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.
"Okay na okay." Sagot niya, may pa-thumbs up pa.
Ang gwapo niya talaga.
Nagsimula yung school year na masaya ako. Hindi ko alam kung bakit, basta pakiramdam ko lang masaya ako.
"Uiy nakangiti." bigla sabi ng best friend ko habang sinusundot-sundot ako sa tagiliran.
"Uiy hindi ahh. Bakit nama a ko ngingiti?" painosenteng ranong ko sa kaniya. Siya pa ba paglilihiman ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Di Tinadhana (Short Stories)
General FictionSabi nila, wala namang masama kung iisipin natin na yung taong nasa tabi natin na siya na hanggang sa huli. Wala naman talagang masama. Ang problema lang kung kailan sobrang attached na tayo sa kanila, saka nila ma rerealize na hindi pala tayo yung...