II- Trainee

38 1 0
                                    

This is a collab with my bestfriend chiechai06. Thank you thank you. muaaaaah

ENJOY!!

Trainee

They said that "everything happens for a reason" but for me why do we need a reason for something to happen?

Some also said that there is a purpose why we meet new people but what is their purpose?

Others said that "people will just come and go in your life" then why did they came in the first place and they will just go in the end?

Why do we have to be in the right person at the wrong time? Haaaaaay! Ang daming tanong pero wala namang sagot.

Sa tingin ko SIYA at SIYA lang ang makakasagot sa mga tanong ko.

I am the typical maingay and funny kind of person. Ako yung marupok at madaling mahulog when it comes to love. Sabi ng ng mga kaibigan ko, huwag daw akong masyadong marupok kasi sasamantalahin ng iba ang kahinaan ko. I am currently one of the trainees of TESDa sa kursong Bartending.

Ilang linggo na rin ang nakakalipas nung mag simula ako sa training na ito. Nakilala ko siya sa school kung saan ginaganap ang skills training namin.

Natatawanan kami ng mga new found friends ko bago makapasok sa room na ginagamit namin ng may pumukaw sa atensiyon ko.

He was sitting there confidently. Pagpasok ko pa lang siya na agad yung napansin ko. Yeah right, marupok alert. Alam mo yung feeling na parang nag slow motion yung buong paligid mo kasi iba talaga eh. Angat na angat siya at agaw pansin talaga kasi maputi, matangkad, malinis tingnan, in short GWAPO!

Kinalabit ko yung friend ko….

“Uiy girl, mukhang baguhan. Di kaya naligaw lang yan ng room na pinasukan?” bulong na sabi ko sa kaniya.

“Sino teh?” tanong niya sa akin.

Ako lang pala talaga ang naka tingin sa kaniya.

“Yung gwapong naka-upo dun sa gilid.” Sabi ko sa kaniya sabay simpleng pag nguso sa direksiyon niya.

“Ahh, yun ba? Yan siguro yung sinasabi ni ma’am na baguhang trainee na papasok ngayon. Oo nga pala, wala ka nga pala kahapon nung sinabi ni ma’am yun.” Mahabang paliwanag niya.

“Ganun ba? Ano kayang name niya.”

“Uiy, crush mo nu?” panunukso niya sakin.

“Hindi ahh. Crush agad?” natatawang tanong ko sa kaniya.

Hindi ko naman kasi talaga crush.

This is love at first sight. Hahahahaha.

Nung dumating ang instructor namin agad niyang binuklat yung hawak niyang folder.

“Nandito na ba si Luis Madrigal?” tanong niya sa aming lahat.

Bigla siyang tumayo at nahihiyang tumingin sa aming lahat.

OMG! My heart. Sasabog ata ang puso ko sa kilig.

“Good morning everyone I’m Luis Madrigal. I hope we’ll get along all throughout this training.” Simpleng pakilala niya sa aming lahat bago ngumiti.

Kinikilig ako.

As I secretly observed him during the training, napakatahimik niya at mukhang mahiyain talaga. Yung kasama niya lang kasi ang lagi niyang kinakausap pero kahit ganun parang gustong gusto ko siyang lapitan at magpakilala. Marupok alert! Chos!

Sabi ng instructor namin, magkakaroon kami ng demonstration ngayong araw.

“Okay everyone, equal naman ang bilang natin dito sa class na to, so by pair ang activity natin ngayon.”

Pinagtagpo Pero Di Tinadhana (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon