Ito po ay kathang isip lamang. Sana mag enjoy kayo. Thank you sa mga nagbabasa. :)
Errors Ahead!!!
Groom
Sa lahat ng tao sa lugar na ito, ako dapat ang pinaka masaya sa araw na ito. This is the most awaited day of my life, of our lives.
Let me tell you my story.
I’m Natasha Valderama, 24 years old. Magna cum Laude of BS in Accountancy sa batch namin . Sabi nila maganda, matalino and a girl with substance daw ako. Sino nga daw ang aayaw sa isang babaeng katulad ko?
Well, heto ako NBSB parin.
Hindi ko alam kung pihikan ako, or dahil strict lang ang family ko when it comes to me having a serious relationship. Ilang lalaki na rin ang sumubok na ligawan ako. But, they failed.
First of all, I have three brothers. Two older brothers and my twin brother.
Second, my father is a retired military officer.
Third, my mom always said. “If you will say yes to a guy, please choose the right one who deserves your yes.”
And that’s it. Sa edad kong to, wala paring nakakapasa sa standards ng family ko. I have no standards at all. I’m just a typical girl who wants to fall in love.
But, when I met him.
Everything changed.
It was my 24th birthday. My birthday was a blast. Everyone’s having fun except me.
Why?
Hindi lang naman ako sinipot ng supposed to be date ko.
Na ghosting ako mga bes.
Sinira niya yung araw ko.
We celebrated my birthday in a bar. I invited my family and friends.
“Darling, why are you so down?” tanong sa akin ng pinsan kong si Peachy.
“Hindi ako sinipot ng lalaking yun.”
“Sino? Yung workmate mo,na crush mo?” natatawang tanong niya sakin.
Of course, she knows. Mas close pa nga kami kaysa sa twin brother ko. I tell her everything.
“Sino pa nga ba?” masungit na sabi ko.
“Alam mo, ienjoy mo nalang tong araw na to. Okay? Let’s have fun, it’s your day darling. Maghanap tayo ng lalaki na magpapasaya sayo ngayon. Come on, get up.” Sabi niya sa akin habang pinipilit akong tumayo sa kinauupuan ko.
This kind of parties is not forbidden to my parents. I can party all I want. But, in only in one condition. “Know my limitations.”
“Fine, fine.” I surrendered.
Hinatak niya ako papunta sa gitna ng dance floor. She even put the flower crown I removed, kasi na badtrip na ako.
Iniwan niya ako sa gitna ng dance floor at pumunta sa itaas ng mini stage kung nasaan ang DJ.
Tumigil ang tugtog at bigla siyang nag salita sa mic.
Parang gusto kong tumakbo pabalik sa table namin.
“Ehem, ehem… mic test. Hello everyone, I’m sorry to interrupt your happiness. I just want to let you know that the girl over there is my cousin.” Sabi niya habang tinuturo ako.
Oh my god. We’re getting some attentions na. lasing na ba siya?
“As you can see she’s wearing a crown. That means it’s her special day. But, she’s so down right now, kasi hindi siya sinipot ng date niya. So, to those guys who are single as in walang sabit. We are looking for someone who can make her happy tonight. Thank you.” sabi niya habng tumatawa pababa ng stage.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Di Tinadhana (Short Stories)
General FictionSabi nila, wala namang masama kung iisipin natin na yung taong nasa tabi natin na siya na hanggang sa huli. Wala naman talagang masama. Ang problema lang kung kailan sobrang attached na tayo sa kanila, saka nila ma rerealize na hindi pala tayo yung...