III- Chinito

20 0 0
                                    

Hello guys.. May intention about writing this kind of stories is to make you feel sad and cry as well. Pero hindi ko alam na dadamdamin ko tong third entry na to. Anyways, enjoy reading. :)

Chinito

Bata palang ako, sanay na akong magbakasyon sa bahay ng lola ko tuwing summer break. Minsan dalawang linggo o di kaya’y isang buwan. Madalas doon ako nai-spoil kasi hindi ako nababantayan ni mama. Lola’s girl ako eh. Minsan susunduin niya ako sa bahay tapos isasama niya na ako pauwi sa bahay nila. Palaging masaya ang nagiging bakasyon ko kina lola kasi ramdam kong mahal na mahal niya ako. Tsaka binibigay niya yung gusto ko lalong lalo na yung mga tito at tita ko.

Pero iba ngayon.

I was eight when I first met him. Too young to fall in love, too innocent to commit.

Christmas break noon. Kakauwi palang ng tita ko galing sa Singapore, gusto niya akong pumunta kasi madami siyang pasalubong para sakin.

Bawat bakasyon ko kina lola, iba-iba ang nagiging kalaro ko. Palipat-lipat din kasi sila ng tinitirhan.

Ngayon ay nasa ibang lugar na naman sila nakatira. Sabi ni lola sa isang apartment daw sila nakatira na pag mamay-ari ng isang pamilyang tsinoy.

Bali two-story house siya, pinapaupahan lang kina lola yung sa baba at sa itaas naman nakatira yung pamilya.

Kumatok si lola sa gate ng may nakita akong batang lalaki na pababa ng hagdan.

Siya ang nag bukas ng gate para sa amin.

Nung mabuksan niya na yung gate nagtago ako sa likod ni lola, siya naman ay nakangiting tumingin sa akin.

“Good morning Lola Tessa siya po ba yung apo niyo.” Diretsong tanong niya kay lola. Ang puti niya tapos singkit na singkit ang mga mata.

“Oo, iho. Sabi ko sayo diba ipapakilala kita sa apo ko. Oh siya papasok na muna kami para makapag pahinga itong apo ko.” sabi ni lola sa kaniya.

Sumunod naman ako kay lola, kasi nahihiya ako sa presensya niya.

Nung lingunin ko siya nakangiti parin siya sa akin.

Inirapan ko nga. Di namin kami close. Pag dating namin sa loob, walang tao.

“Lola, asan po sina tita?” tanong ko kay lola.

“Nag punta siguro sa mall apo, para makabili ng mga kailangan dito sa bahay. Dito ka muna sa kwarto ni tita mo at magpahinga ka. Magluluto lang ang lola.” Sabi niya sa akin bago ako hinagkan sa noo.

“Sige po lola.”

Feeling ko nga nanghina ako sa sobrang haba ng byahe.

Humiga ako sa kama at sinubukang matulog. Papapikit na ako ng may marinig akong parang sumisitsit.

“Psst.”

Nung una hindi ko muna pinapansin kasi baka guni-guni ko lang. Pero biglang naulit na naman.

“Psst.”

Medyo natatakot na ako, kasi ang sabi ng tita ko may multo daw dito sa bahay na inuupahan nila. Syempre hindi ako naniwala kasi baka binibiro niya naman ako, kagaya dati sa mga nauna nilang bahay. Pero wala naman akong nakita.

Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama para hanapin kung saan nag sisimula ang ingay.

Meron ba talaga? O guni guni ko lang?

Lumapit ako sa mga bintanang naka bukas ng biglang…..













“BULAGA!!”

Pinagtagpo Pero Di Tinadhana (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon