IV-Almost

20 0 0
                                    

This is a another collab with my bessy. I hope masaktan kayo dito. Hahaha.

Errors Ahead!!!

Almost

Sabi ng iba, ang mga babae daw ay madaling mahulog. Ang mga lalaki naman daw any mahilig magpahulog ng loob or vice versa. Pero sa tingin ko pareho lang naman diba? Pareho lang silang nakakaramdam at nagpaparamdam.

I’m currently a grade 12 student in STI. The typical average and go with the flow kind of student, in short pa chill-chill lang. But when it comes to serious matters, I am dead serious too. Pa chill chill lang pero hindi ko parin naman pinapabayaan ang studies ko. Sa maniwala man kayo o hindi, bukod sa canteen ay library din ang favorite spot ko sa school.

Parati akong nandoon kapag gusto ko ng peace of mind and of course para may additional learnings na din.

Minsan pumupunta akong mag-isa, minsan naman with my friends at minsan kasama ang ibang org mates ko, especially Ate Kaye. She’s my favorite person though. Sabi kasi nila magkahawig daw kami, pwede na daw kaming magkapatid. We both agree to that kaya parang sisters na ang turingan namin kahit bago palang din kaming magkakilala. Kaka transfer niya lang din kasi dito sa school eh.

Gusto ko sanang pumunta ngayon, pero gusto ko ng may kasama. Kaya lang halos lahat sila hindi available. Kaya no choice ako kundi pumunta mag isa. Solo gaming na naman to. Pero okay lang, it’s more peaceful anyway.

Nandito na ako sa library para mag advance reading sa lesson namin, busy’ng busy pa naman akong magbasa ng may biglang mag salita.

“Excuse me, Miss.” Mahinang sabi ng isang lalaki.

Tiningala ko siya para malaman kung anong kailangan niya.

“Ahh, Yes?” tanong ko sa kaniya.

“Sorry to bother you. Gusto ko lang malaman kung ano yang binabasa mo? I’m looking for a certain book kasi. Pero sabi ng librarian nag-iisang copy nalang daw yun.”

“Ahh ito po? Language About Information Technology po kuya? Ito po bang hinahanap mo?” sagot ko sa kaniya.

“Ah ganun ba? Ah hindi yan yung hinahanap ko. IT ka rin pala? IT din kasi ang course ko.” sagot niya sa akin habang nakangiti.

“Ganun po ba?” nahihiyang sagot ko. Aaminin ko, gwapo si kuya. Hindi naman sa first time kong maka meet ng gwapo. Pero kasi iba si kuya ehh. Basta iba lang yung aura niya.

“Can I join you? Sana hindi kita naiisturbo sa pagbabsa mo.” Sagot niya ulit.

“Ahh, hindi naman po. Okay lang.” sagot niya naman ulit.

So, I tried to continue what I’m doing. Pero hindi na pumapasok sa utak ko yung binabasa ko. Napansin kong nakatingin siya sa akin. Nung napansin niyang nakatingin din ako sa kaniya umiwas siya ng tingin.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko sa kaniya.

“Wala naman.” Naka ngiting sagot niya.

“You know what, I hate it when people is staring at me. Nakakailang kasi.” Sagot ko sa kaniya. This is what my friends hates about me, masyado daw akong prangka.

“Oh sorry. You just remind me of someone.” Sagot niya na parang nahihiya.

“Okay lang kuya, basta huwag mo na lang uulitin.” Sagot ko sa kaniya.

“Okay di ko na uulitin.”

“By the way, bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita.” Tanong ko sa kaniya.

Pinagtagpo Pero Di Tinadhana (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon