<2> Sleep well, my love

65 4 0
                                    

•2•

    Pagkatapos kong maligo narinig kong kumatok si Marcus sa pinto ng kwarto ko.    

   “Tapos kana Sage? Ready na ‘ko.” Narinig ko ang tunog ng car keys niya marahil ay pinaglalaruan niya nanaman ito. He has this kind of habit of tossing his keys on the air tas sasaluhin ng paulit-ulit. 

    “Teka lang,” medyo nilakasan ko ang boses ko, my brother is a vampyre and he got sharp senses but my room is soundproofed so hindi ako sure kung maririnig niya ako. Agad akong kumuha ng gray sweatpants at plain white shirt at sinuot, I can’t be bothered choosing anything fancy to wear today. I grabbed my running shoes at iyon ang ipinares sa suot ko. 

    I already left my backpack sa pickup ni Marcus kahapon kaya dumiretso na ako sa garahe pagkakababa ko. Natagpuan kong naka-sandal sa passenger side ng kotse at busy sa pagtetext.       

  “Finally…” nababagot na kumento ni Kuya ng makalapit na ako sa kotse. Inirapan ko naman ito.

    Nabalot ng katahimikan ang buong byahe papunta sa school. Seryoso lang si Marcus sa pag-drive habang ako naman ay busy sa pagsuklay ng mahaba at kulay puti kong buhok. I looked at the clock at nakitang 5 o’clock pa lang ng umaga. Na-irita naman ako ng konti ng ma –realize na sobrang aga pa para pumunta sa school. 

    “Take this. Nakalimutan kong mag prepare ng breakfast last night so ito na lang muna kainin mo.” Nagulat ako ng makita ang maliit na tupperware na hawak nni Marcus. Inabot ko ito and inamoy,

    “Blood sausage ‘yan. I wasn’t able to get our blood supply for this month, nag-order na ako pero mamaya pa ‘yong dating nung package.” Pag-explain ni Marcus. I didn’t realise na wala na pala kaming stock. Hindi ko rin naman kasi kailangan na palaging uminom ng dugo, as a half-vampyre I could live with human diet so hindi ako masyadong bothered if I don’t get my daily fix of blood.   

I’m more worried for my brother though. As a pureblood vampyre he’s main food source is blood and if low on supply kami he might resort on drinking straight from the tap. It reminds me nung maliit pa kami, hindi niya pa kayang kontrolin ang sarili niya noon and dahil gutom siya he tried to suck the blood out of the nearest living being sa harap niya, which is ako unfortunately. I almost got my neck ripped out that day kung hindi lang dahil kay Papa malamang ay patay na ako. 

    I don’t want that to happen especially this time wala nang maaring makapigil kay kuya kung magtangka itong atakehin ako. 

    I got lost in my thoughts at hindi ko napansin na naubos ko na pala ang buong Tupperware ng blood sausage.     Napansin ko ang mahinang pagtawa ni kuya ng makita niyang naubos ko ang buong laman ng inihanda niya.

    “Nandito na tayo.” Anunsyo ni kuya. Nagulat ako ng makita si Viktor ang matalik na kaibigan ni Kuya, naka upo ito sa hood ng sarili niyang kotse at excited na kumaway sa aming magkapatid. Ipinirada ni Marcus and kotse na katabi lang ng kay Viktor. 

    “Good to see both of you. Especially si cute baby girl kong si Sage.” Panunukso ni Viktor sabay kurot sa pisngi ko ng bumaba na ako mula sa sasakyan.

    “Ugh fck off.” Tinampal ko ang kamay ni Viktor na nakahawak sa pisngi ko. I glanced at Marcus tinignan kung nagalit ba siya sa sinabi ko. But instead he looked amused.    Tinawanan lang din ni Viktor ang naka-busangot kong mukha. He always teases me, calling me baby girl kahit di naman ako babae at sanay na siya sa annoyed na reaksyon ko.

    “Ano bro, lets go? kanina pa tayo hinihintay ni coach sa field.” I forgot that my brother and Viktor are football players. Kaya siguro maaga niya pa akong ginising dahil meron silang meeting with the varsity.

    “Can I stay here sa parking lot? Mamayang 7 pa naman yung orientation.” Medyo ninerbyos kong tanong kay Marcus. Tinignan niya muna ang paligid before sumagot sa request ko,

    “No. Sasama ka sa amin.” 

    “But—,” he glared at me, meaning that’s the end –of discussion. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa direksiyon ng football field. Napanguso nalang ako at padabog na sumunod sa likod ni Marcus.

    Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Viktor. He’s a tall guy at hanggang dibdib niya lang ang ulo ko kaya nagmukhang awkward ang pagka-akbay niya sa akin.

    “Intindihin mo na lang si Marcus. Ya’know bipolar talaga ‘yan.”                        ‘Hindi lang bipolar. He’s a sociopath.’ Syempre sa isip ko lang yun baka magsumbong pa ‘tong si Viktor kay kuya. 

    “—and it would help to lighten his mood kung makikita ka niya,” dagdag ni Viktor na hindi ko masyadong maintindihan,

   

    There were already a lot of guys sa bleachers ng makarating kami sa football field. Kilala ko ang karamihan sa kanila dahil minsan tumatambay sila sa bahay namin. Hindi ako masyadong close sa kanila dahil most of the time ay nagkukulong ako sa kwarto pag may bisita. Marcus don’t like it na nakikihalubilo ako sa mga bisita niya. Pero I know their names because I heard Viktor talking about them pag nag-o-overnight ito sa bahay.

    Out of all my brother’s friend si Viktor lang talaga yung pinayagan ni Kuya na kausapin ko. Probably because they’d been friends for like eternity. 

    Tipid akong ngumiti sa mga teammates ni Marcus na nakapansin sa akin. I would’ve waved at them kaso hindi ko pa alam kung hanggang saan ang limitasyon ko. Marcus did change the way he treated me but I’m not sure if I should still follow his rules, I don’t want to piss him off. Iginiya ako ni Viktor papunta sa tabi ni Marcus. Gusto ko sanang umupo sa kabilang bleacher kasi di naman ako part ng team nila kaso pinukulan ako ng tingin ni kuya na tila nagsasabing ‘sit here or else’.                
      
      Nag-umpisa na ang kanilang meeting ng nakompleto na ang buong team. Their coach was saying something about their plans for the next championship and kung anu-ano pa about sports. Hindi na ako masyadong nakinig kasi wala naman akong paki-alam. Nag-check na lang ako ng Instagram ko at nag-stalk ng ig stories ng mga hinahangaan kong personalidad.

    Dahil wala naman akong ginagawa dinapuan nanaman ako ng antok I checked the time at mag-si-six pa lang ng umaga. Napansin ni Marcus ang sunod-sunod na paghikab ko. Bumulong ito sa tenga ko, 

    “You want to sleep?” ang buga ng hangin na nanggaling sa bibig niya ay medyo nagpakiliti ko sa tenga ko, naramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa sensasyong dulot ng pag-bulong niya. Dahil na rin siguro sa antok ay di ko namalayan ang pagtango ko bilang sagot. 

    I don’t know what got over my brother but he suddenly pulled me to sit on his lap. Parang natural lang sa kanya ang paghila sa akin paharap sa kanya, he made me rest my head on his neck. I suddenly felt embarrass. Fck sa harap pa talaga ng ka team niya. My brother is a very tall guy, even taller than Viktor kaya for sure nagmukha akong baby na kinakandong ng kanyang magulang. 

    Hindi ko alam kung may nakapansin ba sa ginawa ni Kuya, kung meron man malamang ay pinili na lang nilang tumahimik.  

    “Sleep.” Utos ni kuya ng maramdaman niya na tila hindi ako mapakali sa puwesto ko. Nararamdaman kong pumalibot ang mahaba niyang mga braso sa bewang ko dahilan para mas sumiksik ang katawan ko papalapit sa kanya. He must’ve used his special abilities to make me fall into slumber dahil unti-unti kong nararamdaman na nilalamon na ako ng antok. At nakatulog ako ng tuluyan na puno ng katanungan ang isipan,

What the heck is my sadistic brother thinking?!’

Art Deco √bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon