<7>

20 0 0
                                    

(7)

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Parang may kung anong nakadagan sa itaas na parte ng aking katawan. Iminulat ko ang aking mata at halos maputol ang aking hininga sa nakita ko. Si kuya Marcus ay nakahiga sa tabi ko at ang kanyang maskuladong braso ay nakadagan sa aking dibdib na siyang dahilan ng pagkabigat ng aking pakiramdam. Naramdaman siguro ni kuya ang mahina kong paggalaw kaya nagising din ito matapos ang ilang minuto.

He looked at me for a second and my breath hitched when he smiled at me. My brother had never once smiled at me in the morning. Kadalasan ay mukha itong blanko at walang emosyon. Either that or sometimes he'd look like he'd kill someone early in the morning. I guess his not really a morning person well most vampyres are, they hate sunlight.

Papa once said that it's because of the sensitivity of their eyesight and the brightness hurts their eyes at isa pa they can't stand direct exposure from the sun either dahil sa heightened senses that they posses. Vampyres get sunburnt easily as well because of that.

Bumangon na si kuya sa pagkakahiga at umupo sandali habang ako naman ay nanatiling nakahiga sa kama na parang estatwa. Hindi ko alam ang gagawin ko, should I leave or what?

Kinuha ni Kuya ang phone niya mula sa bulsa ng kanyang denim pants.

"Alas syete na. We still have an hour to get ready." Sabi ni Kuya bago ito tumayo at dumiretso sa banyo niya. I was left on the bed staring at his back. Naka topless lang si kuya at sa suot niyang pangibaba mukhang hindi na siya nagbihis bago matulog.

Ng narinig ko ang pagbukas ng shower nag disesyon na akong tumayo at pumunta sa kwarto ko para magbihis. Pinili kong suotin ngayong araw ang paborito kong plain black shirt at pinaresan ito ng blue skinny jeans tsaka ang lumang vans na regalo ni kuya sa akin. I fixed my long hair into a ponytail at habang sinusuklay ko ang buhok ko napa-isip ako sa nangyari kanina.

When I remembered how I woke up beside my brother at kung paano niya ako nginitian ng napakatamis something inside me felt giddy out of a sudden at ang emosyong matagal ko nang ibinaon sa limot ay tila unti-unting bumabalik. 

I was so lost in my thoughts na di ko man lang napansin na nagbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Sage?" napalingon ako ng mabilis at ang malaking katawan ni kuya ang bumulaga sa akin. Hindi ko napansin na napakalapit pala ng puwesto ni kuya na kamuntikan ko siyang mabangga. Agad akong napa-atras upang magkaroon ng distansiya sa pagitan naming dalawa.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo yata ako narinig anyway anong gusto mo for breakfast?"

"Uhhhh. Omelette?" sinagot ko ang pinaka-unang bagay na pumasok sa isip ko,

Tinignan niya ako na puno nang pagtataka.

I stiffened when he suddenly placed his right palm on my forehead. I could feel myself shivered slightly when he moved his hand to my neck.

"May lagnat ka ba? Ba't pulang pula yang mukha mo?" tanong niya matapos niyang i-check ang aking temperatura.

Mabilis kong tinabunan ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay at bahagyang lumayo kay Kuya.

"A-ano nag hilamos kasi ako ng mainit na tubig... yon! tama! Baka dahil sa mainit na tubig!"

Shuta ano bang excuse 'yon? Kahit ako di makapaniwala sa pinagsasabi ko.

Marcus gave me one scrutinizing look before finally deciding to turn his back at me. Agad naman akong nakahinga ng maluwag ng tuluyan na siyang umalis.

Tinampal ko ng mahina ang aking pisngi baka sakaling magising ako mula sa kahibangan ko. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin at totoo ngang namumula na parang kamatis ang aking mga pesnge.

Napa-iling na lamang ako at nag desisyon na pumunta na ng kusina para mag-breakfast.

Natagpuan ko si Kuya na nagsasalin ng synthetic blood sa dalawang wine glass at pagtingin ko sa kitchen isle ay meron ng nakahandang omelette sa pinggan.

Kuya gestured for me to sit kaya umupo na ako sa upuan na kaharap ng pwesto niya.

I took a bite of the omelette at tulad ng dati masarap ito. Despite the fact na hind kumakain si Kuya ng human food, strangely enough ang sarap ng panlasa ng mga nilluluto niyang pagkain.

 Naramdaman kong tumingin sa direksyon ko si Kuya at pinagmasdan akong kumain. For some reason I felt embarassed hindi kasi ako sanay na nakatuon ang atensyon niya sa akin. Years of being ignored like I was nothing certainly made me feel uncomfortable to any sort of attention. 

Nahihiya man I decided to strike a conversation,

"K-kuya p-pwede bang hindi ako pumunta sa practice niyo mamaya?" I stiffened ng tumigil ito sa kalagitnaan ng kanyang paginom ng synthetic blood. Matiim itong tumingin sa akin na parang hinihintay niya akong mag-explain,

"I want to hang-out with Lucian after school. May munting pagsasalo-salo kasi mamaya sa kanila for his older brother's mating," I explained

"Sa teritoryo ng mga Ciobanu?" he looked like he was contemplating for a while,

My brother never liked the Ciobanu pack after what happened a few years ago between him and Lucian's parents but he tolerates the presence of Lucian. I guess the only thing keeping him from completely stopping my close relationship sa mga Ciobanu ay ang dating pagkaka-ibigan ng mga magulang namin. 

"No. We have an important dinner with some clans later." pinal na sabi ni Kuya. I've never attended a clan meeting before. Palaging sinasabi ni Kuya sa akin na hindi safe para sa akin na sumama sa mga pagtitipon lalo na't I'm a half-blood at kahit na medyo medyo progressive na ang pagtrato sa mga kagaya ko there are still vampyres that wouldn't hesitate to attack those they consider dirty blood.

Alam kong he is just using that excuse para hindi ako makapunta sa dinner ng mga Ciobanu. I sighed and nodded my head, going along with his decision. Hindi naman ako makaka-hindi sa kanya. The fear instilled in me made sure of that. 


200915 Just a short update for now. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Art Deco √bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon