*4*
Abot tenga ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang nakaupo sa pinaka-dulo ng classroom na walang iba kundi ang matalik kong kaibigan na si Lucian. Siya lang nag-iisa kong kaibigan simula ng bata pa lang ako. Nakilala ko siya dahil malapit ang mga magulang namin at sa pagakakaalam ko ay business partner ni Papa si Tito Fenrir na ama ni Lucian.
Excited na kumaway sa akin si Lucian ng makita ako nito.
"Ba't di mo sinabi sakin na dito ka rin pala papasok?" tanong ko, buong pag-aakala ko kasi ay hindi ito papasok sa paaralan dahil mag-ho-homeschool ito. Siya kasi ang tagapag-mana ng kompanya ng kanyang pamilya at base sa sinabi ni Tito Fenrir gusto niyang maaga pa lang ay ma-expose na si Lucian kung paano magpalakad ng isang malaking negosyo.
Ngumisi si Lucian ng nakakaloko, "Pinaki-usapan ko kasi Mama na kausapin si Papa at bigyan ako ng chance na ma-enjoy ang highschool life ko, alam mo naman si Papa mahina 'yon pagdating kay Mama,"
"Buti naman, akala ko magiging loner na ako for the next long years of my highschool career!" pabirong pinalo ni Lucian ang kaliwang braso ko,
"Ulol. Di ko magagawa 'yon sa bespren ko nuh!" natawa na lang kaming pareho
Naputol naman ang katuwaan naming magkaibigan ng marinig naming ang isang komento ng bago naming mga kasamahan sa klase,
"Sabi ng ate ko siya daw yung halfblood na kapatid ni Marcus,"
"Omg, for real?! How could Marcus have a filthy halfblood brother like him?"
"Agree. He doesn't look near the level of a pureblood, I'm quite surprised that the Albescu family let a bastard like him live."
"Ssssh. Hinaan niyo nga yung mga boses niyo baka marinig tayo."
"These fucking bitches." Akmang tatayo na sana si Lucian ngunit agad ko siyang pinigilan,
"Luci stop. Hayaan mo na sila," pagsusumamo ko. Ayaw kong lumikha ng gulo sa unang araw ko sa klase at isa pa inalala ko parin ang bilin ni Kuya kanina,
"Fine. Hayy ikaw talaga Sage ang bait mo." Napailing na lamang si Lucian,
Natapos ang unang klase namin na walang problema, besides sa nangyari kanina ay di na gumawa ng ano mang komento ang mga kaklase naming. Marami sa mga kaklase namin ay umiiwas na tumingin sa aming direksyon, marahil ay takot silang mapukulan ng nakakamatay na tingin ni Lucian.
Mag-isa lang akong naka-upo sa isang table sa pinaka-dulo ng cafeteria habang kumakalikot sa phone ko. I was scrolling down my social newsfeeds ng may marinig akong tumikhim.
"Ahem." Nagulat ako kaya agad akong napa-angat ng aking ulo at nakita ko ang blankong mukha ng aking kapatid.
"Kanina pa kita hinahanap." Sabi nya na may halong pagka-irita sa kanyang tono,
"I'm sorry kuya." I don't even know why I said sorry, wala naman akong kasalanan. Siya ang hindi nagsabi sakin na pupuntahan ko siya pagkatapos ng first period.
"Let's go." Agad itong lumakad ng mabilis kaya nagmadali rin akong bumuntot sa likod niya,
Tinignan ko kung saan kami papunta at nagulat ako ng papalapit na kami sa direksyon kung saan nagsitipon ang mga seniors, karamihan ay ang mga kasamahan ni kuya sa team. Habang naglalakad kami ni kuya naramdaman kong maraming matang nakasunod sa bawat galaw naming magkapatid.
Siguro ay marami sa mga nakatingin sa amin ngayon ay nagtataka kung paano ang isang hamak na freshman na katulad ko ay sasama sa mga seniors para mag-lunch,
"Oh baby girl is here!" buong galak na turan ni Viktor ng makita niya ako na papalapit sa table nila dahil sa sinabi niya ay napatingin ang buong kasamahan nila sa mesa sa direksyon ko, hindi ko alam kung anong iniisip ko pero bigla akong napahawak sa pinak-dulo ng varsity jacket ni kuya at nagtago sa likod niya, seeking comfort to the most familiar person near me,
"Aww nahihiya siya."
"Hala ang cute!"
Lalo akong nahiya sa mga reaksyon ng kasamahan ni kuya. Mas lalo kong isiniksik ang aking sarili sa malaking katawan ni Kuya na mukhang ikinatuwa niya, I could feel his laugh vibrating through my face that was pressed on his broad back.
Hinila ako ni kuya at iniharap sa kanyang mga kaibigan,
"Ok guys this is my little brother Sage, simula ngayon ay sasama na siya sa atin mag-lunch," pagpapakilala ni Marcus. Parang gusto kong lamunin ng sahig habang sinasabi iyon ni Kuya.
Buong pagsang-ayon naman ang mga kaibigan ni Kuya. Pinaupo ako ni Kuya sa kanyang tabi. Isa-isang nagpakilala ang lahat ng nakapalibot sa mesa. Karamihan pala sa kasamahan ni kuya sa team ay kaklase niya rin, may mga kaibigan din siyang cheerleaders na palagi nilang kasama during lunch. Ayon kay Viktor ay naka-ugalian na nilang maglunch ng sabay, nakakatulong daw sa pag improve ng kanilang unity as a team. Umoo na lang ako kahit hindi ko naman maintindihan.
Napuno naman ng kwentuhan at asaran ang mesa ng matapos ang kanilang pagpapakilala.
"Here drink this." At inabot sa akin ni kuya ang isang pouch na kulay silver. I sniffed it and the sweet irony smell of blood filled my senses. I said a small thanks to my brother and started sipping on the synthetic blood.
"Hindi ko talaga ma-gets kung paano niyo nakakayang uminom niyan," komento ni Beth habang naka-tingin sa pouch na iniinom ko, she's one of the cheerleaders na kaibigan ni kuya. Ayon sa pagkakaalam ko isa itong human. Kaya hindi na ako na offend sa naging reaksyon niya.
Humans wouldn't understand that blood tastes different for us vampyres.
"Haha gusto mong ma-try?" mapaglarong ini-abot ni Viktor ang buong thermos na hawak niya. At nalukot naman ang mukha ni Beth sa pagka-disgusto sa sinabi ni Viktor.
Nagsitawanan naman ang lahat sa naging reaksyon ni Beth.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa kanila. I wasn't as guarded as before. Marahil ay nawala na yung pangamba ko na baka hindi nila magustuhan ang presensya ko sa kanilang grupo ng dahil sa mga nakakatuwa nilang kwento at sa mabuting pagtrato nila sa akin. From what I learned from their introduction earlier, ang kanilang grupo ay consists of a diversity of the three main races: werewulves, vampyres, and a few bunch of humans—besides from Viktor who is a half-vampyre and half-werewulf, ako lang ang hindi pureblooded.
They are not a purist as the rumors say.
Naramdaman kong busog na ako sa ininom kong dugo kahit kalahati pa lang ang naubos ko. Inilagay ko ang pouch na naglalaman pa ng natirang synthetic blood sa mesa na agad ding kinuha ni Kuya. Tinignan ko lang ito habang diretso niya itong sinipsip sa parehong straw na aking ginamit.
I don't really mind that he's using the same straw pero parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko habang pinagmamasdan ko si Kuya na umiinom sa ginamit kong straw. Naramdaman ni Kuya na tinitignan ko siya kaya agad akong umiwas at nagkunwaring nakikinig sa kwentuhan ng mga kaibigan niya.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Art Deco √bxb
Cerita Pendek[Warning: This is tagged 'violence' for a reason] [Title and Cover inspired by Lana Del Rey's song Art Deco] Started: March 2020