(5)
Mabilis lang natapos ang buong klase ko ngayong araw, masyado akong nag-focus sa klase, hindi ko man lang namalayan na uwian na pala. Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase ko at dahil nasa pinakapanghuling row kami ni Lucian naka-upo kami ang pinaka-huling lumabas ng classroom.
“Sure ka? Ayaw mo talagang sumabay sakin pauwi?” tanong ni Lucian. Umiling ako, nais ko sanang sumabay sa kanya pauwi dahil matagal na rin kasi kaming hindi nagkasama. Nag-bakasyon kasi yung pamilya ni Lucian buong summer sa America habang ako naman ay nagmukmok lang sa bahay. Gusto ko sanang makapag-bonding ulit kami ngunit mahigpit na sinabi ni kuya kaninang lunch na sabay kaming uuwi.“Sige. Bukas na lang ulit. Ingat Sage!” at umalis na si Lucian. Chineck ko ang oras sa phone ko at nakitang alas sinko na ng hapon, sigurado akong kakatapos lang ng football practice nina kuya. Nag-desisyon akong dumiretso na lang sa parking lot, doon ko na lang siya hihintayin.
Ng dumating ako sa puwesto kung saan naka-park ang pick-up truck ni kuya nakita kong wala pa siya kaya naisipan ko ng umupo na lang muna sa likod ng pick-up. I was about to open my phone to play some games ng biglang may tumawag sa panglan ko,
Pag-angat ko ng aking ulo nakita ko ang isang matangkad na lalaki na naka-suot ng basketball shirt na kumakaway mula sa kabilang parte ng parking lot. Ng mapagtanto ko ang pagkakakilanlan ng lalaki, labis na tuwa ang aking naramdaman dahil matagal na panahon na ang lumipas ng huli ko siyang makita.
“Kuya Nathan!” buong galak kong pagtawag. Tumakbo ito papalapit sa pwesto. Hindi naman mawaglit ang ngiti sa kanyang labi at ganoon din sa akin.Nakalimutan ko na kung ilang taon na lumipas ng huli ko siyang nakita, ngunit hindi ko malilimutan ang mukha ni kuya Nathan. Bukod kay Viktor si Nathan ay nakababatang kaibigan din kuya Marcus. Matalik silang magkaibigan at halos araw-araw din itong pumupunta sa bahay para makipag-laro kay kuya Marcus.
Malapit ang loob ko sa kanya dahil noong mga panahon na sinasaktan ako ni kuya Marcus siya ang unang tao na sumasaklolo sa akin. Ilang beses niya rin akong tinulungan para pigilan si kuya Marcus na pagbuhatan ako ng kamay. Pero syempre hindi naman lahat ng oras ay nandiyan si kuya Nathan para protektahan ako.
Nagulat na lang ako isang araw ng tumigil na sa pagbisita si kuya Nathan sa bahay. I asked kuya Marcus kung bakit hindi ko na nakikita si kuya Nathan ngunit isang malakas na palo sa braso ang natanggap ko at pinagbawalan na ako ni kuya na muling banggitin ang pangalan ni Nathan, pagkatapos nun ay di na ako naglakas loob na muling magtanongg sa takot na masaktan. Hindi ko na siya muling nakita after that.
”Kamusta kana Sage?” malumanay niyang tanong, hindi pa rin nagbabago ang mukha ni kuya Nathan.
There’s still that gentle look in his eyes and his voice still sounded the same kindness that I heard years ago. Pero di naman mapagkakailang mas gumwapo ito at naging matipuno na ang kanyang pangangatawan hindi na patpatin tulad dati.
“Ok lang kuya. Ikaw kamusta kana? Namiss kita kuya.”
“Na-miss din kita Sage.” nagulat ako ng bigla akong yakapin ni kuya Nathan. Ng maka-recover ako ay inakap ko rin siya pabalik.
“Hindi ka pa rin nagbago ang liit mo pa rin.” He teased, napabusangot naman ako,
“Che!” kunwaring nagtatampo kong sagot,
He just laughed at me at dahil hindi ko na rin mapigilan ay napatawa na rin ako. Ngunit na tigil ang tawanan ng may biglang magsalita.“What the fuck are you doing here?”
Pareho kaming napalingon ni kuya Nathan kung saan ang nanggaling ang boses at nakita namin si kuya Marcus na nakatayo at seryosong nakatingin sa amin.Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo ng nakita nito ang kaliwang braso ni kuya Nathan na nakayapos sa aking bewang na ngayon ko lang din napansin dahil na distract ako sa panganagmusta ni kuya Nathan.
Lalong dumilim ang tingin ni kuya Marcus sa di malamang dahilan nakaramdam ako ng kaba sa paraan ng kanyang pagtigtig.
My instincts are telling me that I should put a distance between me and kuya Nathan, kaya dahan dahan kong tinanggal ang kanyang braso at lumayo ng kaunti sa kanya.
“Oh hi Marcus! Tagal na kitang hindi nakita ah. What’s up?” masiglang bati ni Nathan na tila di niya nadama ang nakakamatay na pandidilat ni kuya Marcus,
“Sage. Get inside the car.” Maikling utos ni kuya Marcus na agad ko namang sinunod. Gusto ko sanang magpa-alam kay kuya Nathan pero sa inaasal ni Kuya Marcus, siguradong mas magagalit lang siya.
Umupo ako sa backseat ng pickup at sa pamamagitan ng see through glass sa likod sinilip ko silang dalawa. I could see that they’re talking pero dahil mahina ang kanilang boses hindi ko marinig ang kanilang pinaguusapan. Ngunit sa ayos ni kuya Marcus nakikita kong seryoso ang kanilang pag-uusap.Kumabog ang dibdib ko ng makita kong biglang kwinelyohan ni kuya Marcus si Nathan at akmang susuntukin ito. Sa takot na baka saktan ni kuya si Nathan mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at tinawag ang pangalan ni kuya Marcus.
“KUYA!” sabay silang napatingin sa gawi ko, agad namang binitiwan ni kuya Marcus si Nathan. Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga na parang pinapakalma ang kanyang sarili bago tuluyang umalis sa kanyang kinatatayuan.He slammed the door and drove away as quickly as possible. Nararamdaman ko ang galit ni kuya, sa ilang taong kasama ko siya natutunan ko ng alamin ang templa niya, and as always it was stifling and suffocating parang nalulunod ako sa tubig.
Hindi man matalas ang senses ko tulad ng isang pureblood, pero sobrang sensitibo ako sa emosyon ng kapatid ko.
I counted from one to ten para pakalmahin ang sarili ko at huminga ng malalim. This is one of the rare things Marcus has thought me about, if I’m having panic attacks.
It was really ironic because he is the reason why I suffered from panic attacks eversince I was a kid but he’s also the one who thought me how to handle it.
Unti-unting nawala na ang suffocating atmosphere na nanggagaling kay kuya at nakakahinga na ako ng maayos. Ng sinilip ko siya nakita kong hindi na tense ang posture at maluwag na ang pagkakahawak niya sa manubela. He was staring at me through the mirror and I could see the guilt in his eyes.
Nakita siguro ni kuya na naapektohan ako sa emosyon niya and he must’ve forced himself to be calm. Hindi man siya nag-sorry verbally but the guilt that I could see in his eyes meant a lot for me. He’s actions are very different from the brother that used to hurt me before, kung i-ko-komapara ko ang dating siya sa ganitong sitwasyon, marahil ay kanina niya pa ako sinabunutan at kinaladkad papasok sa kotse at hinayaan niya lang akong mag-suffer sa panic attack.
But it’s clear that he really changed-- hindi na niya ako sasaktan tulad dati.
Kahit papaano ay tila gumaan ang pakiramdam ko at namuo ang pag-asa sa puso ko na baka nga may chance pang maayos ang relasyon namin bilang magkapatid.
BINABASA MO ANG
Art Deco √bxb
Short Story[Warning: This is tagged 'violence' for a reason] [Title and Cover inspired by Lana Del Rey's song Art Deco] Started: March 2020