Witch Craft

29 2 0
                                    

Papalapit ng papalapit ang lalake sa dingding na siyang sinusundan naman ni Sariah. Damang dama niya ang takot na nananalaytay sa kaniyang kaharap. Ang bawat paghinga nito ay bumibigat sa paglapit niya dito.

Tinitigang mabuti ng lalake ang itsura ng babae. Mayroon itong taglay na kagandahan na kung sino man ang kaharap nito'y mahahalina. Naaakit siya sa ganda nito kaya naman ang kaniyang takot ay nawala ngunit tumawa ito ng malakas, na tila ba isang mangkukulam kaya ang kaniyang nadama ay nawaglit at ito'y napalitan ng takot muli.

"S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!" Bakas sa boses nito ang takot. Ngumiti lamang ito na nagpadagdag sa kaniyang nararamdaman.

"Huwag kang magalala. Hindi kita kakainin." Ang kaninang maganda nitong mukha ay napalitan at naging kulubot. Ang ngipin ay kulay itim na mayroong matatalas na talim. Ang mata'y naging kulay puti na para bang nasapian. Ang kaniyang ilong ay mas lalong tumangos ngunit mas lumaki. Ang kaniyang takot ay rumagasa nang pati damit nito'y nagiba.

"Mangkukulam!" Na isigaw niya na lamang matapos siya nitong gawing...

"Palaka! Isa ka nang palaka." Ngumiti ito ng malawak bago bumalik sa kaniyang dating anyo. Kinuha niya ang kaniyang selpon na nasa kaniya bulsa lamang at tinawagan ang kaniyang alalay. "Come here now!" Sasagot pa sana ito ngunit binabaan na niya ng linya.

Binalingan niya ng tingin ang palaka. "You are one of my collections from now on."

Picture of Sariah on next page>>>

Wicked Witch (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon