Prologue

191 5 0
                                    

Kelly Anne Madrigal's POV

"Nakita mo ba yung ginawa mo?!" sigaw sakin ng lalaking nasa harap ko ngayon na galit na galit. "Ngayon sabihin mo sakin kung pano mo babayaran yan! Eh sa itsura mo palang parang wala kanang pang bayad!"

Aba, tigas din pala ng mukha netong lalaki nato. Kung makapang lait, kala mo ang yaman yaman at ang pogi pogi. Kahit mukha naman talaga siyang mayaman sa suot niya ngayon, at di ako mag sisinungaling. Pogi siya ha, infairness. Maliit at pinkish ang lips, mataas ang ilong... Brown eyes... Matangkad...

"Alam mo flat chested! Alam kong gwapo ako, pero walang magagawa yang pag titig at pag nanasa mo sakin sa kotse ko!" Nako nako! Sumosobra nato, tinawag pakong flat chested.

"For your information lang KUPAL! Cup B ako! At yung sa kotse mo, hello! Nababaliw kana ba! Ikaw tong umaatras nang hindi tumitingin kung may dumadaan pa, so hindi ko kasalanan!" Sagot ko sa kupal nato. Nako, naiinis na talaga ako.

"Ano? CUP B? Ano yun, CUP BABY BRA? Wag kang mag ilusyon! At ano tinawag mo sakin? Kupal? Ako pa kupal ha, eh ikaw tong tatanga tanga eh! So bayaran mo nako ngayon na! At sinasayang mo ang oras ko flat chested!" Di ko na to makeri! Bahala na siya diyan, at kelangan ko na umalis.

"Alam mo ang hirap mo kausap KUPAL! Bahala ka sa buhay mo, bayaran mo sarili mong kotse. GOODBYE!" Nag mamadali na kasi talaga ako at hinihintay na ako ni mama. At oo, aaminin ko. Dala nadin nang wala ako pambayad sa kupal na to. Pero noh, hindi ko kasalanan yung nangyari sa kotse niya!

Tatakbuhan ko na sana tong kupal na baliw na to kasi bukod sa nag mamadali ako na ilang beses ko na inulit, naiinis narin ako sakanya. Pero bago pa ako maka-alis, nahawakan ako ng kupal nato sa braso....

"HEP! HEP! HEP! Ano tingin mo makakatakas ka nalang nang ganun?!" Shocks naman, kala ko makakaalis nako..

Nagulat nalang ako na bigla niyang hablutin yung sling bag ko at binuksan yun sabay tinapon sa sahig yung gamit ko....

"HOY KUPAL! Ano ginagawa mo sa gamit ko?!"

Hindi siya sumagot pero bigla nalang niya kinuha yung wallet ko. Well, nahiya ako ng kaunti kasi 60 pesos lang talaga laman ng wallet ko. Eh ganun talaga pag maraming gastusin! Kala ko kukunin niya nalang yung tanging 60 pesos ko pero nagulat nalang ako na kinuha niya yung school I.D ko...

Tatanong niyo kung bakit nasa wallet I.D ko? Wala na kayo dun!

"HOY ANO BA! Ipapakulam mo bako? Ipapasabotage mo bako?! Pag nanasaan moko?! Ano? Bat kinuha mo I.D ko?! Nakita mo naman may laman pan'g 60 pesos ang wallet ko, bat di yun nalang kunin mo! Ay teka! Bat mo nga naman pala kukunin eh wala naman akong kasalanan!" Derederetso lang siya sa pag lalakad papuntang kotse niya, habang hawak padin I.D ko nang hindi ako pinapansin.

"HOY KUPAL ANO BA?! Di mo pwede kunin yang I.D ko!"

"Pwede ba BABY BRA! Ang ingay mo! Tutal wala din naman ako mapapakinabangan diyan sa 60 pesos mo! Kukunin ko nalang I.D mo!" Sabay may kinuha siya sa wallet niya at tinapon niya sa mukha ko... "Oh ayan! Calling card ko. Kung gusto mo makuha I.D mo, tawagan moko. At hindi pa tayo tapos!" Nung una umasa talaga akong pera yun, kala ko kasi tinanggap niya nang mali siya at babayaran niya ko sa mga pang lalait niya. Hehehe. Pero mali ako. :D

Sasagot pa sana ako nang bigla nalang siyang sumakay sa kotse niya at binarurot iyon palayo....

"HOY KUPAL! Bumalik ka dito! Walang hiya ka!!!! Ibalik mo I.D KO!!!!!"

Wala nakong nagawa kundi pulitin yung calling card nang kupal nayun na binato sa mukha ko. Walang modo yung kupal na yun! Pero kelangan ko kasi talaga kunin yung I.D ko, hindi ako makakapasok sa school nang walang I.D!! Waaaaaaah!!! Hindi pwede to. Ang dami daming pwede kunin sa gamit ko, bakit I.D ko pa!!

Hello! Importante sakin ang I.D ko, baka mawala ako sa honor nito eh! Hays, panira talaga nang araw yung kupal na yun!!!!!

********************************

Marcus Ramirez's POV

Panira ng araw yung babaeng yun, biruin mo. Ang ingay na, baliw pa.

Tinignan ko yung I.D niya na kinuha ko sakanya... I must say, may itsura din pala tong babaeng to. Well, di ko lang gusto yung ugali. Kala mo palengkera. DEFINITELY NOT MY TYPE....

Di ko naman talaga kelangan ng pera niya, hell I'm rich.. ayoko lang na may mga taong umaabuso sakin at minamaliit ako. Di pera ang sisingilin ko sakanya... Dahil inapakan nya pride ko, iba kapalit neto..

"Kelly Anne Madrigal.... From Montreal University" napa-smirk nalang ako sa nabasa ko. "Well, hindi pala magiging mahirap ang pag hanap ko sa babaeng to..."

#######################

(Short Note)

Hi! Una't sa lahat thankyou talaga sa pag babasa ng story ko! I higly appreciate it, sobra sobra kong na-appreciate. Lalo na first story ko to..

Well, first story ko to.. So please bare with me sa mga typo and errors. NOT A PRO WRITER. Hahahaha! Pero I'll try my best para mapaganda tong story nato. Promise! Kaya sana patuloy kayong susuporta dito sa story ko. :))

Yun lang, thankyou. MWAH MWAH! :*

Lovelots,

MimayAnne. ❤︎

Ms. Smarty Meets Mr. MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon