Gusto niyo makita yung characters nila Kelly at Marcus?
Tignan niyo sa gilid or sa taas.
Yan si Marcus at si Kelly. :)
Happy reading guys! :*******************************
"Papasukin niyo na siya.."
Sabay kami napalingon ni manong guard sa nagsalita sa likod namin. At nashock nalang ako nung nakita ko siya.
Anong ginagawa niya dito?!
"Manong. Papasukin niyo na siya" sabi netong lalaki na palapit ng palapit sa direksyon namin.
"Sorry pero hindi pwede pumasok ang walang I.D" sagot ni manong guard.
Bigla nalang di nagsalita etong lalaking to at may kinuha na kung ano sa wallet niya. Sabay inabot eto kay Manong Guard.
Tinitigan ni manong yung binigay sakanya at binalik ulit to sakanya.
"Sige, pasok na" sabi ni guard na ikinagulat ko.
"Huh? Bakit?"
Di ako sinagot ni manong guard kaya nag pasya nalang ako na itanong dito sa lalaking to na tila aalis na.
"Hoy! Ano yung pinakita mo kay guard?"
Di siya sumagot at patuloy parin sa pag lalakad. Kaya tumakbo ako at pinantayan siya ng lakad.
"Kupal! Ano ba kasi yung pinakita mo kay guard?!" Pasigaw kong sabi.
"Pwede ba, wag kang sumigaw!" Sagot niya.
"Ano ba yung pinakita mo kasi?!"
"Ano ba yung kelangan mo para makapasok diyan?" Sabi niya
Huh? Ano nga ba? Pera? Di ko siya magets.
"Kung sanang alam ko lang na madadaan si manong sa pera edi sana pala binigay ko nalang sakanya yung baon ko! Nalate pa tuloy ako!" mumol ko nung paalis nako at papasok na.
"Ano ba pinag sasabi mo?!" Tumigil ako sa pag lalakad
"Eh diba inabutan mo si manong ng pera kaya ako makakapasok. Kaya thankyou nadin pala" sabi ko at nag ok sign.
"Siraulo ka ba? Kala mo ba lahat eh nadadaan sa pera? Hindi pera inabot ko. Kundi pinakita ko I.D mo! At ano ka? Sinswerte? May utang kapa sakin diba at bakit ko bibigyan ng pera si manong para lang sayo?"
"I.D ko at utang?! Eh pano naman mapupunta sayo I.D ko at pano ako mag kakautang sayo eh..."
Napatigil nalang ako bigla nang naalala ko yung nangyare nung nakaraan..
Kung iniisip niyo kung sino kausap ko. Sino pa ba ang tinatawag kong KUPAL?!
Yep! Tama kayo. Walang iba kundi si mayabang na kupal na pinapabayad sakin yung kotse niya!
Pero bakit siya naka uniform ng Montreal? Dito rin kaya siya nag aaral?! Seryoso?! Eh bat hindi ko siya nakikita? Kung minamalas ka nga naman oh diba!! Pero okay lang, mukang sa kabilang building naman siya eh.
Sa sobrang pag iisip ko dito sa kinakatayuan ko, di ko napansin na papasok na pala siya ng second building ng Montreal University.
Kaya hinabol ko siya para kunin yung I.D ko..
"HOY KUPAL! Ibalik mo na I.D ko!" Di niya ko pinansin at patuloy parin siya maglakad ng hindi ako nililingon.
Papasok nakong second building ng school nang may humarang sakin..
BINABASA MO ANG
Ms. Smarty Meets Mr. MVP
Teen FictionSi Kelly Anne Madrigal ay isang simpleng babae lamang. Matalino siya, at siya ay laging 1st honor sakanilang klase. Wala pa siyang nagiging boyfriend since birth, dahil alam niya sa sarili niya, hindi siya yung type na babaeng "LOVY DOVY". Pero naiw...