Kelly's POV
"Ma! Andito na po ako" sigaw ko habang papasok ako ng bahay.
"Nasa kusina ako anak"
Pag pasok ko sa kusina nakita ko si mama na nag hahain ng pagkain.
"Diba anak sinabi ko umuwi ka ng maaga, ginabi ka nanaman" pag sermon sakin ni mama.
"Sorry na ma, may dinaanan lang po" sabi ko ng mahinhin, sabay beso kay mama.
"Osha, tulungan mo nako mag hain at may pag uusapan pa tayo"
Tinulungan kong mag hain si mama. Nung nakaupo na kami sa mesa, nabuo ang paligid namin ni mama ng katahimikan, ni isa samin walang nagsalita.
"Anak..."
"Ma...."
Sabay kaming nagsalita ni mama.
"Osige ma, mauna na po kayo" pag papaubaya ko.
"Hindi anak sige, ikaw na mauna"
"Ma.. Ikaw na po, hindi naman po ganun ka-importante yung sasabihin ko"
Sandaling natahimik si mama..
"Anak kasi.."
Natahimik nanaman si mama. Di ko alam kung bakit pero ramdam kong problema ang babanggitin ni mama sakin.
"Ma, kung ano man po yan, sabihin niyo na. Diba sabay natin haharapin ang problema? Tayong dalawa nalang ang mag tutulungan ma. At kung ano man po yan, andito po ako. Handa po akong tumulong sainyo"
"Anak, pasensya kana ha" mangiyak ngiyak na sabi ni mama. "Hindi na kasi kinakaya ni mama na mag dagdag pa ng isang trabaho para lang mabayaran ang utang natin sa bangko" at ngayon, umiiyak na si mama. "Ayoko naman na mag trabaho ka kasi gusto ko mag focus ka sa pag aaral mo, at diba alam mo naman na matagal nang gusto ni lola mo na dun tayo sakanila tumira kaya..."
Pinutol ko na si mama sa sasabihin niya, kasi alam ko kung san na to papunta...
"Ma, ano ka ba naman. Okay lang sakin. Kakayanin ko naman mag hanap ng trabaho at mag focus sa pag aaral ko at the same time. Chaka diba ma, alam mo naman pon'g ayokong nakadepende tayo kay Lola. Alam kong ayaw niyo rin po ma. Napipilitan lang naman po kayo kasi kala niyo di na natin kakayanin. Kaya naman natin ma eh, kung hahayaan niyo lang po akong tumulong. Kung hindi tayo mag tutulungan ma, eh sino? Tayong dalawa nalang po, kaya sana mag tiwala kayo sakin, magtiwala kayo na kakayanin natin to ma" sabi ko kay mama na hinahawakan ang kamay niya.
Yung malungkot na expression ni mama ay napalitan ng ngiti.
"Salamat anak ha, babawi ako sayo. Di bale, pag nakapag bayad na tayo sa bangko, di mo na kelangan mag trabaho. Pansamantala lang naman to anak"
"Okay lang po ma. Di niyo naman po kelangan bumawi, sobra sobra na po yung nagawa niyo sakin, kaya natin to ma. Nabuhay niyo nga akong mag isa eh, biruin niyo ma nakaya niyong yung dalawang trabaho niyo, bilib talaga ako sainyo ma" sabay nag ok sakin ako, yung naka thumbs up. "Kayo ang WONDERWOMAN ng buhay ko!" Sabay sigaw at taas ng kanan kamay ko na naka wonderwoman pose, alam niyo yun? Basta yun!
Tumawa lang si mama sa sinabe ko.
"Baliw ka talaga anak. Tara kain na tayo"
Matapos namin kumain ni mama, umakyat nako ng kwarto ko para maglinis at makapag pahinga na. Pagod din ako noh, makipag away ka ba naman sa isang kupal.
BINABASA MO ANG
Ms. Smarty Meets Mr. MVP
Teen FictionSi Kelly Anne Madrigal ay isang simpleng babae lamang. Matalino siya, at siya ay laging 1st honor sakanilang klase. Wala pa siyang nagiging boyfriend since birth, dahil alam niya sa sarili niya, hindi siya yung type na babaeng "LOVY DOVY". Pero naiw...