Chapter 1

86.4K 4.4K 272
                                    

Martes. Ang araw na pinakaayaw ko noong may pasukan pero dahil magba-bakasyon, wala na akong pakialam kung maging Martes na ang buong linggo. First year college ako at hindi ako sigurado sa totoo lang kung magiging excited ba ako para sa ikalawang semestre. Pasado naman ako sa lahat ng subjects ko pero ewan ko ba kung bakit walang ganap 'yung buhay-kolehiyo ko. College, I started to realize, was nothing but a humongous bore.

Paano, ako lang sa barkada namin ang nag-aral sa malayo, silang lahat ay mas piniling sa local university lang mag-kolehiyo. But, I was ambitious – I wanted to graduate from a prestigious university; I wanted to prove to my family that even when I did not graduate a Valedictorian like my siblings, I still could make it. Yes, that's me – unapologetically motivated and now growing freaking tired.

"Hay, pucha. Bakit ko inipon lahat ng blue books ko, ha? Aanhin ko ang mga ito?" I asked myself as neatly arranged them per subject. "Mabuti sana kung bibilhin nina Mommy at Daddy 'to, eh, para may pera ako ngayong sem break."

Wala akong problema sa pamilya at close ako sa mga magulang at kapatid ko but being the middle child, it was tough not to buckle under pressure lalo na kung higit na mas accomplished 'yung mga kapatid mo kaysa sa'yo – 'yung dalawa kong pinakamatandang kapatid ay nagmemedesina kaya naman sila mahal na mahal ng Lolo at Lola ko na parehong doktor; 'yung dalawa kong nakababatang kapatid ay bibo sa acads nila at nagpapatalbugan sa paramihan ng medalaya kaya naman proud na proud sa kanila sina Mommy at Daddy.

Ako? 'Eto, salutatorian n'ung elementary at high school at ang kaisa-isang nagdesisyong mag-aral na malayo sa pamilya.

Ako ang bunsong babae sa aming magkakapatid at masasabi kong milya-milya ang layo namin ng Ate ko. My older sister, Serena, is smart, tall, gorgeous. 'Yung tipong kapag s'ya dadaan ay napapalingon ang lahat? Samantalang ako, hindi pansinin at forever wallflower. I would have hated my sister had she been mean to me but as it is, hindi lang maganda ang Ate ko kundi napakabait ba. Kaya minsan kahit na gusto kong mag-inarte at magtampo ay hindi ko magawa kasi ramdam ko kung gaano ako kamahal ng Ate ko.

I could say that I did well this semester. Hindi rin naman biro 'yung kurso kong BS Molecular Biology and Biotechnology and my semester would have been stellar if I did not get a 2.0 in Math 21.

"My God, Math 21, ha, pakisabihan 'yung kapatid mong si Math 22 na maging mabait s'ya sa akin next sem, please....please—"

" Scarlet !" narinig ko ang boses ng isa sa mga kaibigan ko sa dorm na si Nica.

Halos magkatapat lang ang kuwarto namin sa Kalayaan at pareho kaming taga College of Science.

"Bakit, Nics?" sagot na hindi na tumayo para buksan ang pinto dahil kilala ko ang kaibigan ko at hindi talaga s'ya mahiyain at dire-diretso lang s'yang pumapasok sa dorm room kadalasan. "O, ano na naman ba ang nangyari at mukhang aburido ko d'yan?" tanong mo habang padabog na umupo si Nica sa kama ko.

"Kasi..."

"Hm...hulaan ko. Si Eldric 'yan, ano?"

Wala pang dalawang linggo ang relasyon nina Nica at Eldric pero araw-araw yata silang nag-aaway. Ka-dorm din namin si Eldric at star player ng basketball team ng Second Floor Boys kaya maraming nagpapahaging at nagpapa-cute. At ewan ko ba kung bakit halos mamatay-matay sa selos 'yung kaibigan ko, eh, s'ya naman ang pinili.

"Ewan ko sa kanya! Nakita ko na naman silang nag-usap n'ung Cindy!"

"Hello, magka-blocmate sila, 'di ba? Malamang talaga mag-uusap 'yung dalawang 'yun."

"Pero, obvious na obvious na gusto ni Cindy 'yung boyfriend ko, Scarlet ! And she doesn't even hide it, ano! Kung makahampas sa braso ni Eldric ay parang meron s'yang karapatan!"

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon