Chapter 2

64.5K 4.3K 256
                                    

"Bakit? Anong nangyari? Bakit na nagsisisigaw?" natarantang tanong ni Nica na agad-agad lumapit sa akin. "Scarlet! Ano ba sagutin mo ako!"

"Nics!" tili ko ulit. "My God!"

"Ano nga? Ano ba yan! Akin na nga yang cellphone mo at nang mabasa ko kung ano ang dahilan at—oh my Lord, what in the world is this?" she sounded appalled. "Mhie? Dhie? What?!"

"I was about to delete it when you came in! Nagulat ako at napindot ko yata—!"

"Wait, are you saying that it's my fault?" my friend asked.

"Ikaw kasi, eh! Biglang kang pumasok!"

"Aba, malay ko na may ka-text ka pala!"

"Hindi ko s'ya ka-text! I was just bored at gusto ko sana s'yang pag-trip-an!"

"So, it's your fault!"

"May kasalanan ka rin! Kasi kung hindi ako nagulat sa'yo ay sana—"

"Ano ba naman kasing naisip mo at nag-type ka pa ng reply?! Ano ka ba naman! Hindi ba naka-linya ka?!"

"Stop shouting!" I yelled.

"Ikaw nauna!"

"Nag-pa-panic na ako, eh!"

"Ikaw kasi padalos-dalos ka! Ayan tuloy! Anong gagawin mo d'yan?!"

"Hindi ko alam!" I screamed before I sat on my bed sighing. "Sorry..." I mumbled.

"Sorry rin..." Nics replied sitting beside me and then putting her arms around my shoulders. "Tama ka, kasalanan ko..."

"No, it's my fault. Tama ka na dapat hindi na ako nag-type pa ng reply. Sino ba naman kasi ako para mag-trip-an 'yung isang tao, 'di ba?"

"Eh, 'di, dedmahin mo na lang."

"Nakalinya nga ako—"

"Just block his number. Naka-reserved ka na para kay Rhett, ano. Paano na lang 'yung pangarap nating mag-double date sa Sunken Garden at manuod ng reruns sa Film Center kung 'yung jejemon na 'yan ang mapapangasawa mo?"

I glared at Nica. "Anong mapapangasawa naman ang pinagsasabi mo?"

My friend laughed. "Malay mo, marunong palang manggayuma 'yan? 'Kita mo naman, binalak mo pa lang na pag-trip-an s'ya at nakarma ka na kaagad. Malakas s'ya kay Lord."

"Nica!" I exclaimed.

Nicalyn laughed hard. "Ano ka ba naman kasi! Kung bored ka ay mag-jogging ka around the campus, hindi 'yung kung sinu-sino 'yung kinakausap mo sa text."

"I don't even know how he got my number."

"Hindi kaya, isa 'yan sa mga taga-xerox? Kasi, 'di ba, iniiwan lang natin 'yung pinapa-xerox natin kasi nakapila sa sobrang dami? And there was one time, if I remember correctly, you left your phone number para i-text ka kapag tapos na."

"Grabe ka naman..."

"'Di ba? Hindi naman natin pwedeng sabihing n'ung nagpa-load ka kasi nga nakalinya ka. At sino lang ba ang nakakaalam ng number mo?"

"Ikaw lang. 'Tsaka 'yung blocmates ko."

"Impossible namang may jejemon sa blocmates mo, ano. Ganito ang gawin mo, magpapalit ka ng number pagdating mo sa inyo. Mga ilang araw lang naman meron ka na kaagad."

"Oo. Pero malamang magtatanong sina Mommy kung bakit."

"Eh, 'di sabihin mo na you have a stalker. I am sure they'll understand. Kahit sinong magulang ay mas gugustuhin pang gumastos ng extra para palitan ang number ng anak nila kaysa merong bubuntot-buntot sa kanya—speaking of bubuntot-buntot, naalala ko na naman na inis na inis nga pala ako kat Eldric!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon