Chapter 1

32 2 0
                                    

Chapter 1

"Alam mo, Sean. Madami pang ibang babae dyan o lalaki." Pang-aasar ni Chester sa kanya.

"Tangina mo talaga, Chester. Kinekwestyon mo ata yung kasarian ko eh." Pasinghot pang sinabi ni Sean.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga Pub na pagmamay-ari nila Jessy. Heartbroken kasi itong si Sean. Paano ba naman kasi, nakipagbreak sa kanya si Gleizy at ito namang kuya mo nagset up sa may quadrangle para daw magpropose ulit kay Gleizy na wag syang hiwalayan. Kaya ganto inabot ng kuya mo. May shot glass na hawak at tulala.

"You know what, Sean? Gleizy doesn't deserve you." Sabi naman ni Jessy na kakainom lang.

"Eh sya lang talaga ang para--" Agad pinutol ni Jessy ang sasabihin ni Sean.

"Kasi hindi mo rin deserve si Gleizy. Prim and proper si Gleizy tapos ikaw kengkoy. No wonder, nakipaghiwalay sya sayo." Agad kaming nagtawanan sa sinabi ni Gleizy.

Totoo naman ang sinabi ni Jessy. Prim and proper si Gleizy at sobrang  ganda pa kaya ang daming nagkakagusto don, isa na don si Sean na simula pa lang ng JHS naming talagang crush na crush na nya ito. Hindi nga namin alam kung bakit sinagot ni Gleizy itong si Sean nung una eh. May itsura naman kasi itong si Sean tapos medyo funny kaya andami ding nagkakandarapa dito eh.

"Nakakabwisit kayo! Kayo na nga nilibre ng tatlong tower. Akala ko ico-comfort nyo ko tapos hindi pala, aasarin nyo pa ako." Tampong sinabi ni Sean samin.

"Order ka ng isang tower ng Nadarang, hindi ka na namin aasarin." Pang-uuto naman ni Cesca dito.

"Sure ka dyan ha?" Paninigurado ni Sean. Amp! Pag si Cesca nagsasabi, utong uto na naman 'tong gagong 'to.

"Oo nga, dali na! Tumayo ka na at umorder na! Ang hina naman kasi nitong tower na 'to. Walang tama." Sabi ni Cesca. Agad namang tumayo si Sean. Napailing na lang ako.

"Uto-uto talaga yan si Sean." Sabi ko.

"Ganyan talaga pag-heartbroken." Sabi naman ni Chester.

Bumalik na si Sean sa upuan namin at dumating na ang tower na inorder namin. Maya maya ay may dumating na mga lalaki sa Pub. Napabaling agad ako kay Jessy na tumili.

"OMG! Nandyan na yung mga taga-City High." Sagot naman ni Jessy.

"Huh? Sino naman yan?" Tanong ko kaagad sa kanila.

"Ah sila James pala. Sandali, pupuntahan ko lang." Tumayo agad si Chester at lumapit dito. Nagsasalita si Chester ng lahat ng nandon sa table na yon. Ngumiti kami sa kanila samantalang si Jessy ay may pagkaway pa.

"Ugh! Ang hot talaga nila! Lalo na si Chris. Crush na crush ko na talaga sya ever since na nakita ko syang naglalaro kasama yung mga pinsan ko. Gosh! He really looks like a God." Patay na patay na sinabi ni Jessy dito.

Tinignan ko isa isa ang mga lalaking nandon. Maaayos naman ang mga itsura nila at talagang mga mukha silang Basketball Players. Nakita kong pabalik na si Chester, kaya agad syang tinanong ni Jessy tungkol dito. Hindi na ako nakinig kasi wala naman akong pakialam.

Well, I really hate basketball players. My brothers to be exact. They are older than me and that basically made me unica hija. Dalawang kuya na may bunsong kapatid na babae. Many of my classmates say that I was too lucky to have them. Kasi daw it's really cute daw tignan na I don't need a jowa na daw kasi I have my Kuyas na daw. I'm not really lucky, though. They are basketball players. I have seen them playing on court and I've seen them, too, playing girls' heart that's why I am not really that lucky though. I just got a trauma because of them. Kaya lagi kong sinasabi, Never give your heart to a Basketball Player. Sometimes, they are playing with their balls but most of the time, they are playing your heart.

Bawat PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon