Chapter 5His lips were soft. Ayon lang ang nasa isip ko habang kasama ko ang mga kaibigan kong lasing sa pool. Pagkatapos kasi nang nangyari ay agad kong narinig ang pagtawag sakin ng lasing na si Jessy.
"Clarize? Are you there?" Agad kong tinulak si Alec.
"Umalis ka na muna," I whispered at him. Tumango lang sya at inintay pa akong pumunta kay Jessy, bago sya pumasok gamit ang front door ng bahay namin.
"Nasan ka ba, huh? Kanina ka pa namin hinahanap nila Chester?" Jessy said. Napatawa ako dahil lasing na talaga sya dahil halata sa boses nito.
"Nandito lang ako sa gilid ng bahay namin." Sabi ko at pumunta na sa kanya para alalayan sya.
"Nasa pool na kami, ikaw na lang ang wala. You know I can't bear to watch us na nawawala ang iba, because that is making me sad." She pouted. I chuckled. Nakakatawa talaga pag nalalasing itong si Jessy. Lagi syang naiiyak sa mga naiisip nya.
Madami pang sinasabi si Jessy pero tinatawanan ko na lang 'yon. Nakita ko sila Chester na nasa gilid na lang ng pool at nagk-kwentuhan na lamang. Umupo sa ako sa tabi ni Chester at nakinig ako sa kwentuhan.
But to be honest, I really can't focus to the stories they were telling. Because something – I mean someone is terrorizing my mind.
Sumulyap ako sa gilid ko at nakita ko syang nakikipag-kwentuhan kasama ang mga Kuya ko. He looked normal, hindi ko naman sinasabi na dapat maging bothered din sya katulad ko. But I can't help it.
Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina? Maybe he was used to it? Is he type of a boy who kiss and tell? There's a big chance that he is. Halata naman sa kanya. Halata rin sa reputasyon na mayroon sya na ganoon sya.
If he doesn't care about what happened earlier then, I shouldn't care about it, too, right? Ayaw kong malaman nya na big deal sa akin ang bagay na wala naman syang pakialam. Because I know for sure, that when I do, it would make me look pathetic. And I hate that. I don't want that to happened.
Binalik ko ang tingin ko sa mga kabigan ko. Thank God! Hindi nila ako napapansin na ganto ako.
After a few minutes of talking, we decided to go upstairs and sleep. Alas dos na pala ang oras ngayon. Maybe that explain why I'm sleepy. Ngayon na lang ulit ako nakapagpuyat nang ganto.
We washed up and decided to go to my bedroom. Agad na bagsak si Chesca at Jessy sa higaan ko. Ang dalwang lalaki ay nasa baba ng higaan ko. Pinalagay ko na 'yon kanina kela Kuya, dahil hindi kami magkakasya dito kung hindi ko 'yon ipapadala. Pati puno na ang guestroom namin dito. Ang dami ba namang bisita ni Kuya Cielo.
The next morning, sabay-sabay kaming bumaba at kumain ng umagahan. After that, nagpaalam na rin sila dahil kagaya ko, magr-review din sila for the upcoming exams.
Nasa room kami ngayon, getting ready for the exams.
"I have an announcement to say. Our project that we have for this semester will be moved." Sabi ni Mrs. Mercado.
Nawindang kami sa sinabi nya kaya naman halos lahat ng kakalse ko ay sumigaw sa saya. Dapat ay next week na ito. Salamat naman at minove ito. My plates are already full because of the upcoming events.
"It will happen in the remaining three days of this week." Sabi nya. Nagulat na naman kami sa sinabi ng aming teacher.
What? It can't be! Paano yon? Mahirap na sakin dahil kasama ako sa isa sa mga organizer ng event na mangyayari. It will be really hell for sure!
"Ma'am, bakit po ganon?" Ayen asked.
Hindi man lang ako nainform na isasabay na pala ang mga Entrep project dito sa event.
![](https://img.wattpad.com/cover/217541105-288-k863017.jpg)
BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa
RomanceMUNIMUNI #1 Buong buhay nya, akala nya kaya nya lahat. Well, totoo namang kaya nya ang lahat. She's a leader and always have a solution to every problem she faced! All her life, she was really used to being independent and believe that she can do ev...