Chapter 4It's the third week of August. At next week ay magsisimula na ang Hell week! And I'm not even ready dahil sa daming inaasikaso sa Student Council. Last week ay pumunta kami sa Sta. Cruz kasama ang News Club para sa isang Conference para sa Newspaper ng aming school. Kasama rin ng week na iyon ay ang Buwan ng Wika. Ang hirap!
Buti na lang at wala kaming gagawin ngayong week. Pwede na akong mag-review para sa exam namin. Sa Monday at Tuesday ay ang exam day namin at ang sumunod na mga araw ayang Buwan ng Wika na namin.
It's Saturday, kaya ngayon ay kasama ko si Kyle para mag-review for our exams. Hindi kami same ng strand ni Kyle dahil STEM sya at ako ay ABM. Magkaiba kami ng table dahil ayokong may gumugulo sa akin tuwing nag-rereview ako.
"You hungry?" Kyle mouthed at me.
"No." I answered.
"Just tell me if you're hungry, I'll order for us."
Buti na lang at same phase kami ni Kyle. Kasama ko sya sa Student Council, so probably he knew what cramming is. Ang iba kong mga kaklase ay tapos na mag-review at ngayon ay binabasa na lang nila samantalang ako ay kokonti lang oras na meron ako tuwing may mga gantong event. That's why I adore Kyle. Paano nya nagagawang maging Rank One sa kanilang Strand habang nasa Student Council eh parehas lang din kaming nandon at nag-aaral ng sabay habang nasa meeting minsan? How unfair!
I saw someone on my phone texted me at nakita ko kaagad ang message sa akin ni Kuya Cielo.
From: Kuya Cielo
Where are you? Paalis na ako bukas tapos wala ka dito sa bahay. Birthday ko ngayon, in case you forgot.
"Fucking Shit!" Napasabi ko ng malakas kaya napatingin sa akin ang mga tao kasama na si Kyle. It's already 3 pm, that's why I quickly put all my things on my bag. Lumapit naman sa akin si Kyle.
"What happened?" nag-aalalang tanong nya.
"Nothing. It's my Kuya's birthday kaya I need to go home na." I said as guilt crept in inside of me, "I'm sorry hindi ko kaagad nasabi sayo. Nawala sa isipan ko."
"It's okay, Clarize. You can go home, magpapaiwan na lang ako ditto." He smiled.
Tumingin ako sa table nya at nakitang tapos na sya sa mga notes nya, nirereview nya na lang yon.
"Tapos ka na ba, uhm, mag-review?" I asked him.
Hindi ko alam kung tapos na ba talaga sya or what pero ang bastos naman siguro na hindi ko sya yayayain sa birthday ni Kuya Cielo.
"Tapos na pero I still need to double checked it." Ngiti nya ulit sakin.
Please! Huwag ka ng ngumiti sa akin ng ganyan! Mas lalo akong nag-guilty.
"If you feel guilty dahil sa pag-alis mo ng maaga, please don't be. It's your brother's birthday, and it's okay with me."
I just sighed. Ang galing nya talaga mang-huli ng tao.
"You sure?" Paninigurado ko.
"Ang kulit mo talaga, Clarize." He chuckled and that made me feel better.
"I'm really sorry. Babawi ako sayo kung ganoon." Sinabi ko sa kanya.
"Okay. If that will make you feel better. Mag-ingat ka sa pagd-drive. Text me kapag nakauwi ka na." Sabi nya at kumaway. I waved back.
Lumabas na ako coffee shop at pumunta na sa parking lot para umuwi na. Nakita ko ang isang mall at naalala kong wala pa nga pala akong regalo para kay Kuya Cielo.

BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa
RomanceMUNIMUNI #1 Buong buhay nya, akala nya kaya nya lahat. Well, totoo namang kaya nya ang lahat. She's a leader and always have a solution to every problem she faced! All her life, she was really used to being independent and believe that she can do ev...