Chapter 2
Monday came, tumayo agad ako sa higaan ko at inayos ito bago maligo at maghanda para sa pagpasok. Pagkatapos ay agad akong bumaba para kumain.
I already see my my two Kuyas na naka-boxers lang, kaya napa-irap na naman ako sa kanila. Napansin ko rin na nandito pa si Kuya Cielo, eh dapat nakaluwas nayan sa Manila.
"Why are you still here, Kuya Cielo? Monday ngayon kaya bakit di ka pa naalis?" Mataray kong sinabi sa kanya. Sa isang sikat na University sa Manila kasi sya napasok at isang popular basketball player kuno daw sya.
"Tinatamad pa akong lumuwas kahapon kaya ngayon. 12 Noon pa naman ang pasok namin, Ate Clarize Maria Jane." Pangungutya nya sakin. Kumuha sya ng Hotdog at bacon, habang nagpipigil ng tawa dahil naguusok na ang tenga at ilong ko sa pagbanggit nya sa buong pangalan ko.
"Whatever, Cielo Marcus James. Siguraduhin mong papasok ka dahil isusumbong talaga kita kay Mama kapag nalaman kong hindi." Sabi ko sa kanya at agad kumain dahil male-late na ako.
"Ang bilis mo naman kumain, Jane. Damihan mo ang pagkain ngayon at umagahan yan." Si Manang Ester. Napa-ngiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up.
"Okay lang, Manang. Kakain pa naman ako sa school hehe." Sabi ko.
"Ikaw talagang bata ka! Sa susunod kasi gumising ka na ng maaga para mas dumami ang pagkain mo." Dagdag pa ni Manang.
"Noted, Manang. Aalis na po ako. Kuya Carlos, hatid mo na ako!" Sigaw ko sa kapatid ko. Agad namang nagsuot ng tshirt si Kuya at lumabas na kami parehas.
Sumakay na kami sa sasakyan nya at agad naman syang nagsalita.
"Alam mo, Jane. Dapat ikaw na ang nagd-drive sa sarili mo. Marunong ka na naman at may student license ka na rin. Bakit ayaw mo pang mag-drive?" Tanong nya habang nilalabas ang sasakyan namin.
"Natatakot kasi ako magdrive. Baka maka-bangga ako." Totoo kong sinabi sa kanya. Lahat naman siguro ng mga marunong mag-drive ayon din ang kinakatakot.
"You should overcome that fear, Jane. Hindi ka uusad nyan kung hindi mo susubukan yung mga bagay na kinakatakot mo." Pangangaral pa nya sakin. Napa-tango na lang ako sa kanya at tinuon sa harap ang paningin. Maya-maya ay nasa tapat na kami ng school ko kaya lumapit na ako kay Kuya Carlos para yumakap.
"Be a good girl, Jane. Study hard." Sabi ni Kuya.
"Ingat ka sa pag-uwi mo, Kuya." Sinabi ko at lumabas agad ng sasakyan.
Pumasok na ako sa gate and when I heard the bell rang, I quickly ran. I might be late on my first subject eh terror pa naman ang Teacher namin don. Buti na lang wala pa ang Teacher namin kaya napa-upo na lang ako sa upuan ko. Agad naman akong tinawag ng isang ka-schoolmate namin kaya lumabas na ako.
"Mrs. Mercado won't be attending for two days because she will run some errands. She informed me that it will be a free cut for us, but please behave and review again the past lessons." Ngiti sa akin ni Kyle.
"Okay, noted. Thank you, Kyle." Ngiti ko sa kanya at tumalikod na. Nagulat na lang ako ng hawakan nya ang siko ko kaya napaharap ako sa kanya.
"May gagawin ka ba mamaya?" He asked me. I opened my phone, and check my schedule for today.
"May meeting tayo mamaya para sa upcoming events ngayong August," sagot ko sa kanya.
"I know, but after that? May gagawin ka ba?" Dagdag nya.
BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa
RomanceMUNIMUNI #1 Buong buhay nya, akala nya kaya nya lahat. Well, totoo namang kaya nya ang lahat. She's a leader and always have a solution to every problem she faced! All her life, she was really used to being independent and believe that she can do ev...