Quarantine
Isang linggo, isang buwan di na mabilang pa.
Pagtitiis naming lahat tatagal pa ba?
Paano naman ang aming pang araw-araw na pagkain diba!
Itong CE Quarantine, sana'y matapos na.Balita dito, balita doon nakakasama ng loob.
Sapagkat puro badnews laman ng balita't facebook.
Paanong kabuhayan ng mga taong lugmok.
Yung kagaya naming mahihina ang loob.Relief goods ba sana'y kompletuhing ibigay.
Sapagkat sapat na yun para sa araw ng amin buhay.
Kayhirap nga namang magstay lang sa bahay.
Kung wala kang aasahang mahanap para sa pamilyang binubuhay.Manalangin tayo aking mga kababayan.
Na sana'y pagkalat ng virus nato'y mapigilan.
Unahing isipin ating kaligtasan.
Sapagkat Diyos lamang lahat ang nakakaalam.Yung ibang mga tao'y puro reklamo.
Bagama't gustong makatulong ng ibang politiko.
Bigas nga'y di kompleto paano pa kaya cash assistant dito?
Kamusta naman kaming mahihirap na tao?Ngayon sana gumising lahat ng mga namumuno sa pamahalaan.
Kaligtasan nati'y naiisip rin lang, sana naman.
Lahat ng nakabubuti sa pamayanan.
Patnubayan tayong lagi ng pananalig at ng sarili nating bayan.#takecarealways
BINABASA MO ANG
Poems
PoëzieKung ano po naisip kong tula yun sinusulat ko. Malayang taludturan po gamit ko. Sana magistuhan niyo :-)