Kabanata 3

281 14 0
                                    

X

----

"How are you feeling?" His cold and firm voice echoed.

Suddenly, the wind is colder than a minute before. Mapupuno rito ngunit pumapasok pa rin ang hangin. Tahimik at tangin mga huni ng ibon o anuman hayop ang naririnig ko. I cleared my throat.

"Maayos naman. Ilang araw na rin akong nakapahinga." 

Ravus' brought a bag-like made of bamboo. Doon ko nilalagay kaagad ang mga kahoy na sinibak niya. Kaya nagagawa kong wag mautal sa pagsagot sa tanong niya dahil abala siya sa ginagawa. I was just staring at the back of his head while he chops woods. Ako naman ang taga lagay no'n sa suot niyang lalagyanan na gawa rin sa kawayan. 

There's still tension between us. Kaya kabado ako na magsimula sa mga katanungan ko. Kinukurot ko ang aking mga malalamig na kamay, nagbabaka sakaling mawala ang aking kaba. 

"Salamat nga pala," panimula ko. 

Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at tumitigil lang kapag may puputulin na kahoy habang ako ay naka-abang lamang sa likod niya, taga-lagay ng kahoy sa suot niyang lalagyanan sa likod. 

"What really happened to me?" walang paligoy ligoy na tanong ko. 

Do'n na siya natigilan at nilingon ako. My heart raced for some reason but the desperation in me to have my answers made me braver. Nanatili lang ang titig niya at hindi nagsalita pero mukhang naghihintay pa sa sasabihin ko.

"Salamat dahil niligtas mo ako pero gusto ko lang sana malaman kung anong nangyari bago ako mahulog sa balon." 

"Did Ahyem Gilya tell you about the Fyari's well?" he finally talked. 

I nodded nervously.

Pinigilan kong mapa-upo sa takot nang humakbang siya papalapit sa akin. Napa-atras ako ng isang beses at laking pasasalamat na tumigil na siya sa paglapit nang isang hakbang na lang ang layo namin. My heart is racing rapidly because of our distance.

"Kung gayon ay wala talagang natira sa ala-ala mo, tama?" 

Tumango ako. The silence stretched. Naabutan ko ang pag-igting ng kanyang panga. His lips pursed and his face darkened.

"I doubt there's something you still don't know if Ahyem already told you what happened. Lahat ng nalalaman ko ay sinabi ko sa kanya."

Bumagsak ang aking tingin, hindi napigilan ang pagkabigo.

"When I found you, I felt the presence of other bloodineans nearby. By the looks of you at that time, I think you were being chased. The reason why you're wounded. Hindi ko masasabi na iyon talaga ang nangyari sayo. It's just what I think happened." he explained.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I'm being chased?

You saw what I'm wearing before the accident, right?"

Hind siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Jiro said you already encountered other bloodineans because you're one of the magenos who are allowed to go out in Quadcintus. There are these Anatoli, Dytika, and Notos. Were my clothes somewhat belonging to one of those bloodineans?"

His intense eyes are hypnotizing. His stares at me feel like his full attention is on me right now. 

"Hindi posibleng matukoy kung saan ka nanggaling base sa'yong kasuotan. Wala ka rin suot na kahit anong makakapagsimbolo ng pinanggalingan mo." sagot niya.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil sa sunod sunod na pagkabigo sa mga nakukuhang sagot. Kahit isa ay wala pa akong nakuhang impormasyon na makatutulong sa akin.

The Fusion Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon