Chapter 33

114 18 0
                                    

Chapter 33: Dark Knights

Gumuhit ang pagkangiwi sa labi at pagkakunot ng noo sa mukha ni Kael matapos niyang malaman ang intel na binigay sa kanila ni Joris. Labis na pagtataka ang makikita sa ekspresyon nila Jharel at ng iba pa habang hinihintay ang magiging tugon ni Kael sa kanila.

"Kael..." mahinang sambit ni Jharel sa kaniya na may taimtim sa tono niya dahilan para titigan niya ito ng makahulugan. Napansin niyang disidido siyang alamin ang naging dahilan ng kanilang pagkabigla at pagkatakot, kaya pinawi niya na ang kunot sa kaniyang noo at huminahon.

Huminga muna ng malalim si Kael bago magsalita, at saka niya binigay ang papel kay Jharel at nagsabi, "Ang Blood Moon... Di ko akalain na mapapabilang ang kasuklam-suklam na halimaw na 'yon sa Black Lotus."

"Bakit? Sino ba sila?" takang tanong ni Lyan. Hindi naman kaagad nakatugon si Kael bagkus ay tinitipon pa niya sa kaniyang isipan ang mga salita na itutugon niya sa kanila habang naalala ang masalimuot na nakaraan na hinding-hindi niya malilimutan.

"Sila ang mga natirang bampira ng mga panahon ng una at lihim na nagpaparami para sa pagsakop nila sa kaharian ng Algaren. Kaya nilang gawing kauri ang mga taong nagpapasakop at nabibiktima nila sa pamamagitan ng kanilang ritwal tuwing kabilugan ng buwan. Sila rin ang pumatay sa maraming bilang ng mga Lightkeeper na naging kasamahan namin sa pagsalakay sa kanila at isa na roon ang mga kamiyembro namin na sina Ferja at Xylon at Emier," nababahala niyang wika sa kanila na may galit sa tono niya dahilan kung bakit labis na nalungkot ang ilan sa kanila na nakakaalam sa nakaraan niya. Gaya din sa naging reaksyon nina Lyan at Gregnar at ng vice commander ng Rolmor na si Erkur at mas nabigla sa nalaman nilang kasaysayan sa kaniya.

Nalaman na ngayon ni Jharel ang totoong nangyari sa naging kasaysayan ng magkambal. Nabuo na ang mga piyesang nagtipon-tipon sa kaniyang isipan simula nung ikwento sa kaniya ni El ang nangyari hanggang sa nalaman niya ngayon kay Kael. Napansin niya rin dati ang lubos na pagsisikap at pagsasanay ni Kael nung sila'y nasa loob ng Memory Chamber at ngayon alam niya na ang dahilan sa likod nito.

"Matagal ko na silang hinanap at sinundan sa iba't ibang bayan na kanilang pinupuntirya pagkatapos ng pangyayaring 'yon, subalit di ko na sila matagpuan... Kahit na hindi na ako kabilang sa ELA ay patuloy lamang ako sa pangongolekta ng impormasyon at nagsanay para paghandaan ang pakikipaglaban ko sa kanila... Hindi ko sila pagbibigyan na gawin ulit ang kasamaan nila sa mundo. Gagawin ko ang lahat para ipaghigati sila!" nanggagalit niyang saad sa kanila na may pagkuyom ng kamao at pagbabaga nito sa apoy. Nalinawan na sila ng mabuti sa personal niyang misyon sa buhay at wala sinuman ang tumanggi sa pagkanais niya sa paghihiganti.

Gustong sanang abutin ni Jharel ang mga balikat niya para suportahan siya kaniyang magiging laban subalit iniisip pa niya kung ano ang mainam na maaari niyang sabihin sa kaniya. Alam niya kung gaano kasakit sa damdamin ang mawalan ng mahal sa buhay, at ang kabigatan ng pagtiis sa pagkangungulila. Siya mismo ay nakaramdam ng ganito kaya iniisip niya na makakatulong siya kay Kael na pagaanin ang nararamdaman nitong sakit at galit sa kalooban.

"H'wag kang mag-alala Kael dahil tutulong din kaming sugpuin ang mga Blood Moon na 'yon! Hinding-hindi na tayo matatalo sa kanila sapagkat narito ngayon si idol para talunin silang lahat! Di ba idol?" ngiting sambit at tanong niya kay Jharel na medyo nagpabigla naman sa kaniya at magbigay atensyon kay Kael. Hindi inaasahan ni Jharel na siya ang unang magsasalita para kay Kael pero agad naman siyang nakabawi at ngumti para sa kanila.

"Oo tama ka Lyan... Gagawin ko ang lahat para tulungan ka na talunin silang lahat Kael. Ako bahala sa kanila," masaya at panatag na pagkakasabi ni Jharel dahilan para mapangiti na lang si Kael sa kaniya.

"Hmhm... Medyo nakakatuwang isipin ng marinig ko ang lahat ng ito sa mga nakababata kong mag-aaral sa Hairol... Pasensya na kung naipakita namin sa inyo ang nakakaawa naming lagay Lyan, Jharel," sambit niya sa kanila na ikinatuwa naman nila.

Chronicles of Sarim Vol.2: The Lord of Nedaros [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon