CHAPTER 1

1 1 0
                                    


BIRTHDAY DREAM?~~~

********

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa napanaginipan ko, at dahil na rin sa ingay ni mama,
napasandal nalang ako.

*Grabe parang totoo yung panaginip ko, binabangongot yata ako dami ng kinain ko kagabi share ko lang, muntikan na yon ah buti nalang nakatakas ako sa panaginip ko.*

napakamot nalang ako sa ulo ko ang kati kasi pfft.

"Tinnnnn gumising kana dyan baba na juskong bata ka malalate ka na naman bertdey na bertdey mo blah blah blah blah blah."Bibig ni mama na armalite.

Napatakip nalang ako ng tenga dahil sa ingay ni mama.

Ayt nga pala bertdey ko ngayon at eyten nako yez im in legal age now yohooo, egzoyted nako para mamaya noh kaya mga regalo nila sakin ehehhehe kinikilig nako kahit wala pa man din HAHAHAHAHAHA at march 31 pala bertdey ko share ko lang.

Nga pala di niyo pako kilala kaya magpapakilala nako,ehem ehem *smile* My name is Kristine Acosta, and i'm 18 years old now and i love you HAHAHAHAHA charot i live in Mysterious City  Philippines tatlo kaming magkakapatid una ang panget kong ate na kamukha ni kokey na si Kristell Acosta,pangalawa ang unggoy kung kuya na si kuya Kristian Acosta at ang mama
naman namin ay si Mia
Acosta, sabi ni mama wala na daw si papa, tas ayaw niya rin sabihin yung pangalan kaya di ko maipapakilala sa inyo*bow*.

Oo Mysterious City talaga pangalan nitong lugar nato,ewan ko ba baka nga may mysterious dito, kalilipat lang kasi namin nung nakaraang buwan kaya di ko pa masyado alam yung misteryo dito HAHAAHA.
Nawala na tuloy sa isip ko yung napaniginipan ko dahil sa egzoyted nako.

Agad akong pumunta sa banyo para gawin ang ritwal ko dahil baka malate na talaga ako pag di pa ko kikilos.

Bumaba nako pagkatapos kung maligo at kunin yung gamit ko sa school at syempre nakabihis na rin ako ng uniform noh pati medyas tas sapatos suot ko na girls scout yata toh.

"Oh kain na,anong oras ka na naman ba natulog at ngayon ka lang gumising,kung di pa kita ginising malalate ka naman blah blah blah blah." Sabi sa inyo mala-armalite bibig ni mama.

Di ko nalang pinansin si mama at kinain ko nalang yung binigay niyang saking foods dahil food is layp."ma san si kuya tas si ate?"tanong ko habang ngumunguya.

"Si ate mo maagang umalis na para maagang makauwi sa trabaho niya para sa birthday mo,tas si kuya mo kanina pa pumasok di kana inantay,may praktis daw sila ng banda nila kaya maaga pumasok sinabi niya rin na sabay nalang kayo umuwi ni candice at huwag na kung san san pupunta uwi agad."sabi ni mama.

Napataas nalang ako ng kilay, grabe talaga toh si kuya alam na alam niya talaga na gagawin ko yon, kagigil siya pero pag siya okie lang,eh nasa tamang edad na naman nako parang bata pa rin turing sakin kainis!.

Minadali ko na lang ang pagnguya malalate na kasi ako"Ma tapos nako kumain,alis nako."sabi ko habang tinutunga yung juice sa baso panes juice di tubig,ngayon lang yan kaya inubos ko na HAHAAHAHAH.

Di ko na inantay si mama na magsalita umalis nako malapit na kasi ako malate 7:30 na kasi tas 8:00 yung simula kaya pinuntahan kona si inday garutay na si candice mas matanda siya sakin ng isang taon pero wapakels ako, tumakbo nako palabas ng gate taray diba may gate kami.

"Candiceeeee lumabas ka dyan" eskandalo kung sigaw sa may gate nila parang nanghahamon lang ng away ang peg pffft.

Maya-maya may lumabas sa pinto kala ko si garutay candice o  kaya si tita hindi pala, si kuya Clyde siya yung panganay na kuya ni garutay candice,
masasabi kung gwapo toh si kuya crush toh ng bayan eh,tas kulay black yung buhok niya di siya nagpapakulay ng buhok gusto niya black lang,matangkad tas mala korean yung dating tas makinis at maputi ang balat oh diba malapurselana. basta gwapo si kuya pedeng ipanlaban sa mga oppa ng korea.

MYSTERIOUS CITYWhere stories live. Discover now