CHAPTER 3

1 1 0
                                    


BIRTHDAY KO NA!~

*******

ANG SAKIT!, sakto kasing pagbukas ko, biglang pumutok yung lobo na may lamang yatang harina!, siraulo ka talaga TIMOTHY!!!.

Mukha tuloy akong ispasol dahil dito! nagpa-ubo ubo pako,BUWESIT!.

"Oh anyare sayo? HAHAAHAHAHA amputi mo na ah,kaninang iniwanan kita di ka naman ganyan."nakatawa niyang sabi sakin ni candice na nakabalik na.

Tiningnan ko naman siya ng masama,"BUWESIT!!!"sigaw ko.

Kinuha kona yung gamit ko, at nagmamartsang umalis sa may locker,HUMANDA KA SAKING IMPAKTO KA! PAG NAKITA PA KITA DITONG PAKALAT KALAT!

Habang naglalakad naririnig ko pa yung boses ni garutay na tinatawag ako pero di ko siya pinansin, pinunasan ko yung mukha kong may harina hanggang umabot sa gate, buti nalang wala pang masyadong tao.

"Oy sandali naman!, madaling madali eh noh?"inis na sabi niya sakin ng maabutan niya ko.

"Tara bilisan mo gusto ko ng umuwi, badtrip ako."nakabusangot na sabi ko.

*******

PAGKARATING sa bahay nadatnan kung nakahanda na yung mga upuan lamesa sa labas ng gate namin tas nakadesign na rin yung mga daan tas yung mga kapitbahay namin may design din yung bahay nila katulad ng nasa labas at ang lakas ng speaker.

"WOW ANG GANDA NAMAN!"sigaw ni garutay dahil sa lakas ng speaker.

Pumunta naman si garutay dun kila mama, sumunod naman ako sa kanya.

"ANG GANDA NAMAN TITA!"sigaw niya kay mama.

Natawa naman si mama at sinenyasan yung nasa may speaker na patayin muna."Talaga? maganda ba nak? Kami nila mama mo nagtulong tulong dyan."sabi ni mama kay garutay.

"Oo tita ang bongga, effort na effort."sabi ni garutay habang nakatingin sa mga design.

"Happy birthday anak!"nakangiting sabi sakin ni mama sabay yakap ng mahigpit.

Niyakap ko rin si mama."Ang OA ni mama kung makayakap kala naman mawawala ako pwede kana bumitaw ma."sabi ko ayaw kasi akong pakawalan.

Tinawanan lang naman ako ni mama pagkatapos pakawalan sa yakap niya, hinalikan ako sa pisngi.

"Ma naman! kadiri ang laki laki ko na eh!"angal ko.

Kinurot niya naman yung singit ko."Ang arte mo na ah dati naman nagpapahalik ka pa sakin minsan nga umiiyak kapa pag umaalis ako tapos ganyan kana."pagdradrama ni mama sakin.

Tinawanan ko lang si mama tas nagpaalam nako na papasok sa loob, pagkapasok ko umakyat a
nako sa kwarto ko para maligo naglalagkit nako pinagpawisan kasi ako ng husto sa pagtakbo kanina nung akala ko mahuhuli nako ni ate kaye. tas sa paglinis ng mga room na napakadami lintek! tas isali mo pa yung ginawa ng hiyupak na timothy na yun!.

Pinatutuyo ko na yung buhok ko kakatapos ko lang maligo, grabe guminhawa yung pakiramdam ko ng nakaligo ako.

Nang may naalala ako, pumunta naman ako sa kama kinuha ko yung bag ko baka kasi may nilagay yung hinayupak dito mamaya may bomba na pala dito sumabog nalang ako bigla.

Pagbukas ko ng zipper ng bag."Lah bat may ganto dito?"takang tanong ko pano ba naman ang daming chocolate tas may rosas na chocolate din iba-iba yung brand halatang mamahalin pero nakakuha ng atensiyon ko yung wafer na peborit ko!, kinuha ko naman toh isa-isa ang dami ah!, binilang ko yung chocolate mga eyten!. Ang taray yung rosas naman yung binilang ko eyten din, binilang ko rin yung wafer eyten din! Ang saya! Mga peborit ko to ah.

MYSTERIOUS CITYWhere stories live. Discover now