BIRTHDAY DREAM AGAIN!?
*******
KINGINA, di pa rin ako makamove on dun hanggang sa makarating na kami sa Soul building di pa maalis sa isip ko yung mata ni ate Kaye na biglang pumula tas yung sinabi niya na inaantay na daw ako sa KAHARI-
"HOYYY!"sigaw sakin ng kung sino.
"AY GWAPO!"nasabi ko na lang dahil sa gulat
Tiningnan ko naman ng masama yung nanggulat sakin na walang iba kundi si GARUTAY!
"Kingina mo! Alam mo yon!?"inis na bulyaw ko sa kaniya.
"Malamang hindi, bat kaba kasi tulaley dyan?"tanong niya sakin.
"Kasi kanina si ate kaye big-."alanganin kung sabi.
"Oh ano naman meron kay ate kaye, binigyan ka na nga ng regalo kung ano-ano pa sinasabi mo sa kanya."pinutol niya yung sinasabi ko tas biglang nagdrama ang hinayupak.
"Pwede ba patapusin mo muna ako singit ka ng singit kaya mukha kang singit!"inis na sabi ko.
"Sorry naman, bat ba kasi ano ba meron kay ate kaye?"tanong niya
"Kasi kanina nung tiningnan ko siya ulit pagkakuha ko nung walis, biglang pumula yung mata niya."kwento ko sa kaniya.
"Baka naman may sore eyes lang, kaya ganun kung ano-ano iniisip mo."sabi niya.
"Bobo!, hindi sore eyes yon kasi kanina nung nanghiram ka ng gamit diba normal lang yung mata niya."paliwanag ko ulit.
Nagisip naman siya dahil dun."Oo nga noh, pero baka nung tumingin ka saka lang siya nag ka sore eyes, hala! Baka ikaw yung may sore eyes! Hinawaan mo lang siya!".bintang niya sakin sabay takip ng mata niya.
Hinampas ko siya ng hawak kong walis na kina-aray niya."Siraulo! Wala akong sore eyes noh! kahit mag titigan pa tayo magdamag eh!"sabi ko.
"Ayoko nga makipagtitigan sayo maaalibadbaran lang ako sa panget mong mukha!"panlalait niya sakin.
"Mas panget ka kamukha mo pwet ko pero mas maganda pwet ko sayo!, tsaka may sinabi pa siya sakin nakakatakot nga eh".sabi ko.
"Ano na naman yon? sabihin muna para maumpisahan na natin malinis bawat room dito."sabi niya habang nakatingin sa mga room.
"Tinawag niya kong mahal na prinsesa, tas inaantay na daw ako sa kaharian nila."kwento ko.
Nagulat naman ako ng nanahimik siya tas bumulalas siya ng tawa, kala mo may nakakatawa akong sinabi.
"HAHAHAHAAHAHAHA ano daw!? Prinsesa? HAHAHAAHAH eh mukha ka ngang paa HAHA-"naputol naman ang pagtawa niya ng sinalpak ko yung basahan sa bibig niya.
Tinangal niya naman agad yung basahan sa bibig niya."PWE! PWE! Kadiri ka madumi yan eh!"sabi niya habang hawak ang basahan at nakatingin sakin ng masama.
Tinawanan ko lang siya siraulo eh yung prinsesa lang yung pinansin sa dami ng sinabi ko, nauna na kong pumasok sa unang room para maglinis, sana matapos namin agad toh bago mag breaktime para makakain ako, hanggang third floor kasi toh tas may tig li-limang room sabi sa inyo nakakatakot dito, hindi dahil sa multo lang kundi pati narin sa dami ng room na lilinisin.
********
LINTEK! kapagod letse nasa third floor na kami ngayon, nasa pangatlong room katatapos lang namin linisin, dalawa nalang okie na, buset talaga nagugutom nako sakto namang tunog ng sikmura ko ang pagtunog ng bell na ibig sabihin breaktime na! YAWA KA TALAGA TIMOTHY!
"Ayoko ko na pagod nako at gutom usto ko na lumamon!" Angil ko.
"Kala mo ikaw lang!, ako rin noh pahinga muna tayo."sabi niya at umupo nasa nilinis naming upuan.