Grey's POV
*doorbell rings*
"Nak! Can you check who's outside?"
"K, Ma!", agad akong nagmadaling pumunta sa gate ng bahay namin.
"May sulat po kayo,Sir. Pareceive na lang po.", anang tao sa labas
Agad ko namang binuksan ang gate. Para ireceive ito. Dali dali din akong nagpunta sa kwarto ko para basahin ang sulat.
To: Raf Angelo Dy
From: Shanaia Mendoza
Alam kong hindi sa akin nakaadress ito. But I can't help but read the letters. It's the 24th letter, by the way. I don't know who the hell is Raf. Maybe the girl got the wrong address kasi I've been living here since I was a kid.
Dearest Raf,
Kumusta ka na? Ito na ata yung pang dalawampu't apat na sulat ko na ata ito sa iyo. Simula noong umalis ka sa school natin hindi ka pa din mawala sa isip ko. Sana okay ka lang. Sana masaya ka sa school na nilipatan mo.
Naalala mo pa ba noong nagovernight tayo sa bahay nina Armie sa may San Bartolome? Para na din matapos yung project na pinapagawa satin ni Ma'am Edna. Yung napag desisyunan natin na umakyat sa grotto para magpahangin?
Medyo natatawa ako nung kasi pagod na pagod ka. Para ka nang senior citizen non. Sinabayan kita habang umaakyat. At nung makarating tayo sa taas, nakita ko yung pagkamangha mo sa paligid, sa tanawin sa ibaba. Gabi na kasi noon at ang natatanaw natin ay ang mga ilaw na bumabalot sa mga syudad sa baba. Hindi ko maiwasang mamangha din sa'yong makapigil hiningang ngiti. Sinabi ko noon sa sarili ko, ang swerte nang mamahalin mo. Nakakalingkot mang sabihin, paniguradong hindi ako yun.
Sobrang kapal na ba ng mukha ko? Na sulatan ka palagi? Pasensya ka na ha? Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Kung ayaw mo naman itong basahin, sunugin mo na lang. Promise di ako magagalit. Pero sana hayaan mo lang akong mahalin ka. Kahit malayo... Kahit dito man lang, maipahayag ko ang nararamdaman ko.
Nga pala, di ko alam kung mabuting balita ito para sa'yo. Pero kinukuha ako ng tiyahin ko upang mag aral ng college dyan sa Maynila. Balita ko ay sa Saint Anthony University ka mag aaral? Kumuha ako ng exam dun at nakakuha ako ng scholarship. So baka ito na din yung huling pagsusulat ko sa'yo. Kasi baka magkakita naman tayo pag nagkataon.
Ambilis ng panahon, huli kitang nakita noong kalagitnaan ng 3rd year high school at ngayon, magsisipag aral na tayo ng kolehiyo. Sana magtagpo ang landas natin.
Miss na kita!
Ang No. 1 fan mo,
Shanaia ♥️
After reading the letter, a grin escaped my face. Unang una, dahil sa St. Anthony's din ako mag aaral. Ikalawa, makikilala ko na din ang babaeng nagpapadala ng sulat na ito.
Nung una akong matanggap ang sulat, nacurious ako. I still find it amousing na uso pa pala ang letters na ganito. Lalo na't puro social media na ngayon. I tried searching her sa FB pero I can't find her. I guess di pa uso sa kanila ang Facebook. Hehe.
Inilagay ko ang sulat nya sa drawer ko na may lock. Agad din akong bumaba dahil kailangan ko pang tulungan si Mom. Pinaday off kasi nya lahat ng maids namin ngayon.
Napapangiti ako habang tinutulungan si Mom magset ng table. It's a Saturday kaya both of my parents are here. Nagtataka naman na nakakunot ang noo ni Mom sa akin.
I can't wait to meet that girl.
I can't wait to meet you, Shanaia.
BINABASA MO ANG
Into the Unknown
Teen FictionShanaia Mendoza - isang Probinsyana na hopelessly in love with Raf Angelo Dy. Until she meets Grey Anthony Montemayor. A person who will turn her experience in Manila a whirlwind adventure.