Shanaia's POV
"Wow! Ang ganda naman dito sa Maynila, Tita!", namamangha kong sabi kay Tita habang palinga-linga sa paligid.
"Mabuti naman at nagustuhan mo dito. Pero mas maganda pa din sa atin kumpara dito. Maingay at matraffic.", aniya
"Salamat po pala Tita sa pagkupkop sa akin dito ha. "
"Naku, wala yun. Ibinilin ka samin ng Mama mo kaya wag kang mag alala dun."
Bigla akong nalungkot nung naalala ko si Mama. Namimiss ko na siya. Namatay siya sa cancer kamakailan lang.
"O siya. Pagdating natin sa bahay ay mag ayos ka ng mga gamit mo ha? May nakareserbang kwarto for you.Ayusin mo na din ang enrollment mo sa St. Anthony."
"Sige po, Tita."
Napanganga ako sa laki ng bahay nina Tita Mila. Masasabi ko namang may kaya kaming pamilya dahil sa mga lupain na pagmamay ari ng lolo ko noong una pa man. Ipinaghati hati yun sa magkakapatid nina Tita Mila. Sa ngayon, sa akin na nakapangalan ang bahagi ng ipinamana sa aking ina. Hindi ko na nakilala ang aking ama.
Matapos kong matapos mag ayos ng gamit ko ay agad akong naligo at nagbihis para makapunta sa St. Anthony. Nagsuot lang ako ng plain na black v-neck na blouse then skinny jeans at sneakers.
Pagbaba ko ay nakita ko sa sala sina Tito at Tita.
"Tito, Tita, una na po ako pa school."
"O ingat. Eto pamasahe at pangkain.", ani Tita
"Naku wag na po, Tita. May kaunti pa po akong ipon dito. Salamat po."
"O siya mag iingat ka hija. Uwi nang maaga",sabi naman ni Tito Abel
Dali-dali na akong lumabas ng bahay.
Malapit lang ang village namin sa SAU. Pwede kang magtricycle. Pero kapag lakad, mga 20-30 minutes away lang. Napagdesisyunan ko na mag tricycle na lang dahil may hinahabol akong oras. Ala una na ng hapon at bukas ang last day ng enrollment.
Habang binabagtas ko ang corridors ng school ay hindi ko mapigilang muling mamangha sa paaralang ito. Matagal nang nakatayo ang paaralan na ito pero dahil nga isa siya sa mga pinakasikat na private schools dito sa Manila ay hindi naman siya napaghuhulihan kung modernong teknolohiya ang pag uusapan.
Agad akong nagpunta sa Administration Bldg. para kumuha ng enrollment form. Umupo ako sa isang sulok para matapos ang form na iyon.
Culinary Arts...
Noon pa man ay pangarap ko nang maging chef. Naaalala ko nung bata ako, tumutulong ako kina mama sa karinderya namin sa bayan. Maraming dumadayo sa kainan na yon. Bukod kasi sa malinis ang paligid ay masarap talagang magluto si Mama. Sana lang ay nandito pa siya at nabubuhay...
Kailangan mong magconcentrate, Shanaia! Tinapik tapik ko ang aking sarili.
Habang finifill outan ko yung form ay may naramdaman akong presensya na umupo sa tabi ko. Hinayaan ko lang ito dahil malamang sa malamang mageenroll din ito kagaya ko.
Di nagtagal ay naramdaman ko na kinulbit niya ako. Tumunghay ako para tingnan kung sino ito. Tumambad sa akin ang mukha ng isang nakakunot na gwapong nilalang. Shems!!! Mukhang naiinis ito. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako dahil ang peefect ng features ni Kuya. Matangos ang ilong, mapula ang labi, kulay brown na mata at makinis na mukha. Hindi ba nauusukan itong nilalang na to? Bakit parang walang pores?
"Miss, excuse me. Do you have an extra pen?", sabi ni kuyang pogi
Nakatulala pa din ako sa kanyan.
He snapped his fingers para makuha ang atensyon ko.
"Hey, miss?", dagdag pa nya.
Agad akong natauhan. Ano ba, Shanaia!!!Nakakahiya!!!
"Uhm,yes. Wait."
Nagpapanic akong naghalungkat ng bag.
"Here.", sabi ko sabay abot ng pen sa kanya.
"Thanks", nakangiti nyang sabi.
Shemmmssss!!!! Ampogiiii!
Natapos din ako sa form na sinusulatan ko. Habang ichinecheck ko kung may namiss out ba akong item, may biglang nag announce sa speaker.
"The time now is 3:30pm, you only have 30 mins to process your enrollment."
At dahil sa narinig na yun nagpanic ako at napatakbo sa kabilang building. Dun kasi ang bayaran ng registration fee at pa ID.
"Hey, Miss! Your pen.",narining kong pahabol ni Kuyang gwapo .
"Sa'yo na yan!", pahabol kong sigaw.
After a few minutes...
Hayyyy!!! Sa wakas! Enrolled na din!!!! Medyo nagugutom na ako. So napagdesisyunan ko na magpunta sa cafeteria.
Ayon sa binigay saking school handbook, ang start ng classes ay after 2 weeks. Okay! I'm ready for this!!!
Habang naglalakad papasok sa cafeterie ay binubuklat ko yung handbook. Sa sobrang engrossed ko sa pagbabasa ay may nakabangga ako. Shunga shunga ka talaga, Shanaia!!!
"Sorry.", sabay namin sabi.
Napatunghay ako sa pamilyar na boses.
Si Raf...
BINABASA MO ANG
Into the Unknown
Teen FictionShanaia Mendoza - isang Probinsyana na hopelessly in love with Raf Angelo Dy. Until she meets Grey Anthony Montemayor. A person who will turn her experience in Manila a whirlwind adventure.