Shanaia's POV
Nakakahiya ka talaga, Shanaia! Huhuhu. Nakakahiya kay Gray. Lupaaaaaaa. Lamunin mo na lang ako!!!!
Boogsh!!!
Medyo napaupo ako dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sa akin.
Tumingala ako."Naku, Miss. Sorry talaga.", sabi ko.
Ang ganda ni Ate. Medyo nerdy pero maganda.
"Naku. Sorry din. Hindi din ako nakatingin sa dinadaanan ko.", aniya.
"Cassandra nga pala. Anong name mo? ", dagdag pa nya sabay abot ng kamay nya para makatayo ako."Uhm... Shanaia. Hehehe. ",sabi ko na medyo nahihiya.
"Culinary Arts din ba ang kinuha mo?",sabi nya.
"Oo." at ngumiti ako
"Waaaaahhhh!!! Pareho tayoooo!!! Pwede bang tayo na lang magkasama lagi???? Wala pa kasi akong kakilala dito e. "
"Sure. Ako din wala pang kakilala, Cassandra"
"Cass na lang."
"Okay, Cass."
"Can I call you Shan?"
"Sige." at natuwa sya pagkasabi ko. "Tara na sa room. Baka malate pa tayo.", dagdag ko.
"Tara!", masigla niyang sabi.
Since first day ng klase, puro introductions pa lang ang pinagkakaabalahan namin. Habang kasama ko si Cass, napag alaman ko na may kakambal pala siya na nag aaral din dito. Chase ba ang name? Nakalimutan ko. Hehehehe.
Anyway, andito kami sa mini forest dito sa paaralan. May benches din dito. Malawak ang area kaya may nakakapaglaro din ng sports dito. Mas pinili naming dito na lang kumain at tumambay since madaming tao sa cafeteria. Hayyyy. Ang sarap ng hangiiiin. Nakapikit ako habang nakahiga sa mga benches dito.
Di ko namalayan na napaidlip na pala ako.
Naaalimpungatan ako nung may naramdaman akong paghinga malapit sa mukha ko.
Dahan dahan akong mumulat at...
"Ay Kalabaw!", gulat kong sabi. His face is a few inches away from mine.
Sa sobrang gulat ko ay nahulog ako sa bench na hinihigaan ko. Mabuti na lang mababa lang ito.
Nakita ko si Cass na natatawa.
"Clumsy, I must say. ", sabay smirk nitong damuho na to
"E bakit kasi nanggugulat ka??!", sabi ko.
"I just stared at you. I guess there's nithing wrong with that.", sabi niya with matching lopsided smile pa.
"Alam mo ba na nakakamatay yubg pagtitig sa iba? Ha???", sabi ko.
" Don't worry. Ikaw lang ang tititigan ko. Wala nang iba. ", sabay kindat. Grabe! He took my statement out of context!
"Gray. Wag mo ngang ganyanin si Shan. Baka matakot na yang sumama sa akin.", saway ni Cass.
"Oo nga, minsan lang magkaroon ng friend si sis.", sabi nung isang guy na natatawa. Hinampas naman siya ni Cass.
"Uhmmm.... Magkakakilala kayo?", nagtataka kong sambit.
"Yes. Ito nga pala ang chickboy kong kambal.", pakilala ni Cass sa katabi nya.
Wow. Ampogi din. Siguro kung nag aayos si Cass super ganda din nitong babaeng to. Halos parehas sila ng features e.
"Chase nga pala, milady. ", akmang aabutin ni Chase ang kamay ko para halikan pero hinampas ito ni Gray.
"Back off, dude. She's taken ", sabi naman ni Gray.
Ako??? Taken???
"Woah. Dude. Chill.", pabirong sabi ni Chase.
"So bakit nga kayo andito?", usisa ni Cass.
"May hihingiin sana akong pabor twin sis."
"Ano na naman yun?"
"May lakad kasi kami mamaya. Oag hinanap ako nina Mamsie sabihin mo na lang na nagpeprepare for the club tryouts. Please, please, please???", pagmamakaawa ni Chase.
"At ano namang mapapala ko dyan?", taas-kilay na sabi ni Cass
"Ilalakad kita kay Luke. Ayan o, papalapit na sya.",pang-aasar na sabi ni Chase.
Agad namang namula si Cass.
Napalingon ako sa direksyong tinitingnan nila. Makikita ang isabg lalaki na may ash brown na buhok na seryosong nagbabasa habang papalapit sa amin. Gwapo siya pero hindi kasing striking ng features ng ugok na katabi ko. Pero di mo din maikakaila na mataman siyang tinitingnan ng mga babae sa paligid.
Nag angat siya ng tingin at napansin ko na nung nakita niya si Cass ay medyo nag iwas siya ng tingin.
"O, bro! Kumusta first day?", masiglang sabi ni Chase
"Boring bro. Tuloy ba mamaya?", tanong nya.
"Oo naman. Ngapala, Si Shanaia. New friend ni twin sis.", pakilala ni Chase sa akin.
"Luke.", matipid niyang pagpapakilala.
So ayun nga dito na din sila tumambay since mahaba din ang vacant nila. Ito ang sitting arrangement namin.
Cass-Chase-Luke
-------------------------
Ako-GrayNakakaaliw pala iting si Chase. Napakadaldal. Parehong pareho sila ni Cass. Kasalukuyang nag aasaran yung kambal. Natatawa lang kaming nakamasid sa kanila nang may biglang lumapit kay Cass.
"Observe, Penny.", bigla namang bulong ni Gray sa akin
"Ahmmm... Ms. Cass. For you. Matagal na kitang hinahangaan sa Sanford pa lang.", sabi ng lalaki kay Cass.
"Oy. Stalker ka ba ng kambal ko?!", lumabas bigla ang pagka overprotective na kapatid ni Chase
"Ah...Eh... Hin-..di po!!! Crush ko lang po talaga siya noon. ", sabay abot ng lalaki ng isang kahong ng chocolate sa kanya.
"Ah.. Salamat.", sabi ni Cass habang nagbablush.
Napalingon ako sa gawing kanan ng bench at napansin ko ang gusot na mukha ni Luke.
"Tsk. ", sabi nya sabay walkout.
"Oy! Saan ka pupunta?!", habol na sigaw ni Chase
"I guess he isn't aware of this... But he's definitely smitten.", bulong sa akin ni Gray
I couldn't agree more.
BINABASA MO ANG
Into the Unknown
Teen FictionShanaia Mendoza - isang Probinsyana na hopelessly in love with Raf Angelo Dy. Until she meets Grey Anthony Montemayor. A person who will turn her experience in Manila a whirlwind adventure.