Halos madilim na nang malapit na siya sa apartment na tinutuluyan nilang mag-ina. Kinabahan siya ng marinig niya na boses ng kanyang ina. Sa lakas non na parang nakikipag away ay imposibleng hindi niya makilala. She run as fastest as she can just to reach their house. And there, her mother arguing with their land lady with a loud voice. Her head ached.
"Sinabi ko na sa'yong magbabayad naman kami ng renta. Bakit ba ang kulit mo maningil!" sigaw ng mama niya sa karera. Hiyang hiya tuloy siya.
"Ma, tama na po 'yan, ako na po kakausap kay Aling Mathilde." tulak tulak niya ito sa likod, pinapasok na niya ang mama niya sa loob. Nahihiya siya sa kapitbahay sa lakas ng boses ng mama niya.
"Aba't mabuti pa nga. Mabuti't nandyan ka na. Ikaw na kumausap d'yan. Nakakainis ang kulit!" dumeretso na ito sa loob na lukot ang mukha.
"Aling Matilde, pasensya na kayo kay mama may pinagdadaanan lang po siya."alanganing ngiti na paliwanag niya sa kasera.
" Naku 'yang mama mo abusado na ha. Kayo na nga ang may utang na renta, kayo pa ang matapang singilin. Aba, kung hirap na kayo sa pagbabayad mabuti pang umalis na kayo sa bahay ko. Para naman mapakinabangan ng ibang gustong umupa." mahabang litaniya ng kasera na nakapameywang pa.
"Ah, sige po idadaan ko po sa inyo bukas ang bayad sa renta pag uwi ko po sa hapon."
"Three months ang ibbayad mo sa akin ha. Tatlong buwan na kayong
hindi nakakabayad.patong patong na ang upa nyo mama mo pa ang may ganang magsisigaw." nagulat siya sa sinabi ng kasera."Ho? Three months? Eh kababayad lang namin nung katapusan ah." takang tanong niya. Pero parang alam na niya kung bakit.
"Oy, Ineng. Walang inaabot sa akin ang mama mo nung katapusan ha. Kaya nga ako nandito ngayon para maningil. Dahil pangatlong buwan na ang renta n'yo." nanlumo siya sa nalaman. Ano pa nga ba ang gagawin niya kundi magbigay ng tatlong buwang bayad sa renta.
Pagpasok niya sa loob ng bahay. Kalat ang sasalubong sa kaniya. Habang ang mama niya ay prenteng nakaupo sa sofa na nanonood ng tv.
She sigh deeply and close her eyes. She's really tired from work, even until she gets home same as she feels.
Ah, bakit ba ito nangyayari?
"Ma, bakit hindi nyo ibinayad sa renta 'yung buwan buwan na inaabot ko sa inyo? Kaya naman pala nagagalit si Aling Mathilde, tatlong buwan na tayong hindi nagbabayad sa renta. Akala ko nasa 'yung ngayong buwan lang ang sinisingil niya." inis na tanong niya sa ina, inilapag ang bag sa upuan.
"O, e, tatlong buwan pa lang naman ah, kung maningil siya akala mo sampung buwan taong walang bayad sa renta dito."parang balewalang sagot nito. Na mas ikinainis niya. Nagtimpi na lang siya.
"Ma, naman. San n'yo ba dinala ang pambayad sa upa? Binibigyan ko naman kayo ng allowance dito sa bahay ah."
"Hoy Khady, huwag mo akong kwestyunin sa bagay na 'yan ha. Kung nagpapadala ba ang magaling mong ama, eh di sana hindi ko nagagastos 'yung para sa upa." sigaw ng mama niya na para naninisi pa. Ganito palagi, ang kasalanan ng ama niya sa kaniya ibubunton, siya na 'tong kumakayod maghapon. Parang nababalewala na ang pinaghihirapan niya. Kaya minsan mas gusto na lang niyang nasa trabaho kesa nasa bahay.
"Sana naman ibinabayad nyo yung para sa upa. Patong patong na tuloy. Ang bigat nun sa bulsa, ma. San n'yo ba kasi dinadala ang pera?" pagod na siya sa trabaho tapos ganito pa.
"Eh, niyaya ako nila mareng Lumen mag tong-its. Palakihan ng taya. Noong una nanalo na ako. Pero pinilit kong binawi kaso wala, natalo 'yung pambayad sana sa renta dito." parang balewala lang sa mama niya kung magsalita ito. Hindi na bago sa kaniya ang bisyo ng mama niya sa pag susugal. Kung dati nga noong nakaaangat sila sa buhay ay halos abutin ng magdamag ito sa Casino. Ngayon dito sa nalipatan nila, kahit small time basta involve ang pera papatusin ng mama niya makapagsugal lang.
YOU ARE READING
Mr. Keight's Desires (short story Slow Update)
Historia CortaWith her black thick rimmed eye glasses, button-up white blouse tucked into a plaid black slacks with black doll shoes and her below shoulder-length wavy brown hair tied up in a ponytail made her looks like a nerdy one. For her, what she wear ins'...