Dekada (Version 2.0)

31 3 0
                                    

Ito ang katapusan ng isang dekada 

ngunit pagsisimula ng isang edad. 

Ang nakalipas na panahon ay pag-asa 

sa darating na panibagong kalamidad. 


Ang dating kupas na litrato'y nagkaroon ng matingkad na kulay. 

Bawat yapak sa abo't tuyot na dahon ay nangangapa ngunit mahinahon. 

Ang gitna ay malabo at ang dulo'y wala sa isip 

dahil tanging ang simula ang natatanaw ng paningin. 


Sa pagpihit sa kinabukasan, 

parang kay bilis ang pagsikat ng araw. 

Nagbabaka sakaling sa pagtulog ng buwan 

ay ang paggising din ng pinipigilang kalayaan. 


Tila'y parang kalmanteng gislaw ng alapaap, 

nag-aabang, nagtitimpi at kumakawala 

sa siphayong unti-unting napapalitan ng ligaya, 

at sa dalamhating umaalpas sa kawalan. 


Sa kasukdulan ng daigdig at sa huling upos ng apoy, 

patuloy na mangangako hanggang sa dinggin ng Kalangitan 

ang pag-asang gumuguhit sa sangkatauhan,

at ang punyaging nakaukit sa sanduguan.

Compilation of Poems (English & Tagalog)Where stories live. Discover now