Araw (J.B.)

15 2 0
                                    

Madilim na kalangitan ang aking nagigisnan 

Malamig na hangin ang aking nararamdaman 

Walang ibang naririnig kundi ang ingay ng katahimikan 

At ang puso ay tumitibok ng marahan 


Lumipas ang oras umikot ang kalawakan 

At dahan-dahang nag-iba ang pakiramdam 

Mistulang may isang bagay na hindi ko mapigilan 

Isang bagay na kahit kailan ma'y hindi ko mapaghandaan 


Bigla na lang ang init ay kumagat 

Init na nagmumula sa sinag ng araw 

Ang araw ay unti-unting sumisipat 

At ang dilim, sa akin ay inaagaw 


Ang dating madilim ay biglang nagliwanag 

At sa lamig ako'y pumalag 

Ang katahimikan ay nagkaron ng musika 

At ang pusong marahang tumitibok ay naging maligalig at masaya 


Patuloy siyang nagbigay ng kulay 

Patuloy siyang nagbigay ng init sa aking buhay 

Patuloy niyang pinasaya ang dating matamlay 

Patuloy niya akong pinaglalakbay 


Dahil sa saya di ko alam na ako'y umiiyak 

Dahil sa saya di ko namalayan na ako'y lumagapak 

Dahil sa saya di ko na maintidihan 

Dahil sa saya ang sakit ay di ko na nararamdaman 


Nabulag na ako sa liwanag na kanyang binigay 

Namanhid sa sakit na ipinadama 

Nabingi sa perpektong ingay 

Napipe at ang mga salita ay nawala na 


Di kalaunan nagising ako sa katotohanan 

Nagising ako sa sakit na aking nararamdaman 

Nasasaktan sa bagay na nagbigay sa akin ng pakiramdam 

At ang luha ay tumulo ng hindi ko namamalayan 


Hinihiling ko na lang na sana ay bumaba na 

 Ang araw na patuloy na nagbibigay sa akin ng sakit at saya 

Hinihiling ko na sana ay tumigil na 

 Ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata 


Ngunit bakit hindi siya mawala-wala 

Bakit ayaw ko siyang mawala 

Pinipigalan ang mata sa pagsulyap 

Pinipigilan ang sarili na muling humarap 


Di ko na alam kung kailan matatapos 

Ang sakit na sa aking puso ay tumatagos 

Di ko na alam kung kailan titigil ang paghaplos 

Ng init ng pagmamahal na sa aking puso ay gumagapos

Compilation of Poems (English & Tagalog)Where stories live. Discover now