Tripped (Alegria Girls Series #3)

848 9 1
                                    

DISCLAIMER: This is NOT the original story "Tripped" that is written by jonaxx. If you want to read the rest of the original one, please visit her profile! Thank you!

WARNING: This Tripped alternate one shot story contains some controversial issues that are experienced by the youth, and these sensitive topics may or may not affect your views as a reader. Please read at your own risk!


--

Kahel na langit. Mga huni ng ibon sa himpapawid. Hampas ng alon sa dagat. At mga alaalang nalihis at nabaon sa buhangin at rumaragasang tubig.

Alas singko ng hapon ay naghahanda ako sa aking kwarto. Tanging ang durungawan kong malaki ang nagbibigay ng liwanag sa maliit kong silid. Kitang-kita ang dagat mula rito. Nasa ibabaw lamang nito ang kalahati ng araw na tila'y nagpapaalam na sa kalangitan, katulad ng pagpapaalam ng aking kapatid na lalaki.

Sumandal ako sa upuang kahoy at bumuntong hininga habang pinaglalaruan ang lapis sa aking kamay. Hinihipan ng hangin galing sa labas ang nakalugay kong buhok. Nakaharap ako sa dalampasigan at masuring inoobserbahan ang napakagandang paysahe sa aking harapan. Nakita ko ang anino ni Yeshua. Nakangiti siya sa akin at kumakaway.

"Lilienne! Halika! Ipakikilala kita kay Piper!" Masayang anyaya nito sa akin. 

Tumakbo siya papalapit kasama ang isang balingkinitang babae na hawak niya sa bawyang. 

Piper? Iyong ka-batch namin?

Tumaas ang kilay ko sa dalawa at ipinikit muli ang mga mata habang pinagagalaw ko ang duyan sa puno. Sa posisyon palang nila ay alam ko na ang gustong ipahiwatig ng kapatid ko.

Tumikhim ang babae at naramdaman kong lumapit pa sila ng kaunti sa hinihigaan ko. 

"Uh.. Hi Lili!" Nahihiyang sambit nito sa akin.

Dumilat ako at pinagmasdan ang dalawa na sobrang lapit sa isa't isa. Tinitigan ko si Piper mula ulo hanggang paa. Konserbatibo ata ang babaeng ito? Masyadong balot ang katawan at nakikita ko ring medyo mahiyain siya, salungat sa katangian ko.

Lumipat ang tingin ko sa aking kambal. Anim na oras rin ang tanda sa akin ni Yeshua. At ngayon ay 17 taong gulang kami parehas.

"Girlfriend ko, Lienne. Si Piper." Ngumiti siya sa akin. 

Iyong ngiti na hindi ko rin mapipigilang ngitian pabalik..

Pumatak ang luha sa aking mata. Pumikit ako ng mariin upang lumandas ang natitirang mga luha, tsaka ko ito pinalis. Dumilat ako at hindi ko na nakita pang muli si Yeshua. Kumirot ang puso ko at naalala ang nangyari sa kanya dalawang taon ang nakalipas.

"Mommy? Asan si Yesh?" Nagmamadali akong magsapatos dahil may lakad kami ng mga kaibigan ko. 

Sa katunayan ay tatambay lang talaga kami sa likod ng paaralan namin, ang Alegria Community College.

"Kasama niya si Piper at lumuwas sila ng Maynila kasama ang pamilya nung babae. Tatlong araw daw siya mawawala."

Kumunot ang noo ko. Maynila? Hindi man lang nagpaalam sa akin iyon. Halos lahat ng bagay ay pinaghahatian naming dalawa at walang sikreto ang namamagitan samin. Siguradong suportado ang aming ama pero hindi ko lubusang maisip na kayang iwala ni Mommy si Yeshua sa paningin niya ng kahit isang araw.

Nagkibit ako ng balikat at hinawi ang buhok ko. Dumiretso ako palabas ng bahay. Sinulyapan ako ni Mommy galing sa sala ngunit 'di na siya nagtanong pa kung saan ako patungo. Sanay na ang mga magulang ko sa palagi kong lakad kasama ang mga kaibigan ko. Walong taon palang ako ay halos nasa labas na ng bahay ang pamumuhay ko. Hindi ko alam kung hinahayaan lang talaga nila akong malaya o wala lang talaga silang pakialam sa mga ginagawa ko. Ramdam ko naman ang suporta nila sa akin kahit papaano.

Tripped by jonaxx (Alternate ONE SHOT story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon