si Kenjie at Kupido

333 15 14
                                    

"sige na please kupido, ituro mo na sa akin kung asan yung soulmate ko! maawa ka na sa akin, bukas na ang Valentines Day wala pa rin akong date!"


"ay! gawin ba naman akong google map? kenjie, kung talagang gusto mo ng true love, dapat matuto kang maghintay!"


"lakas mo naman maka-papa jack, sige na kupido, sabihin mo na sa akin kung sino yung soulmate ko! pwedi bang si Erich yung babaeng crush na crush ko nung elementary ako!"


"di pwede! basta dadating din sayo yung soulmate mo sa tamang panahon at may panginig-nginig pa! promise!"


"sus! sige na kasi kupido, bigyan mo na ako ng lovelife please please please!"


"ooops, overtime na pala ako kenjie, sorry but I have to go!"


"ui kupido teka lang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"




KENJIE'S POV:
>>>


"kenjie! . . . kenjie!"


"ma naman o! wala namang pasok bat ang aga-aga niyo nanaman akong ginigising?"


"e kaaga-aga na nga lang kasi, binabangungot ka pa! buti nalang narinig ko itong si hiro na kumakahol dito sa kwarto mo!"


"sus! buti nalang andito si hiro!"


"buti nalang talaga! oh sige, matulog ka na ulit at magluluto pa ako ng umagahan!"


"ha? bat ang aga naman ma?"


"anak! valentines day ngayon, maaga kaming aalis ng papa mo para maglakwatsa at mag-date!"


Valentines Day na pala ngayon? putek! gaya nanaman ng dati, mag-isa ko nanamang papalipasin ang boring na araw na ito! badtrip!
magpe-facebook nalang ba ako maghapon? hindi! dapat baguhin ko naman ng kaunti ang pattern ng gawain ko tuwing valentines. Iti-treat ko ang sarili ko! oo tama! I need a date with myself! bubusugin ko nalang ang sarili ko.


siya nga pala, ako si Kenjie Monforte, 19 years old at nasa third year college, 5'8 ang height ko pero wag mo isiping basketball player ako kasi di ko sports yun! badminton ang sport ko. mapayat ako, maputi (oo promise), ayoko mang purihin ang sarili ko, pero marami ng nakakapagsabi sa akin na gwapo daw ako, madalas si mama ang nagsasabi niyan. wala akong lovelife! kasi torpe yata ako o choosy? haha ewan! basta ayoko na yatang maging single simula nung makilala ko si Erich, crush ko yun mula nung elementary, highschool at hanggang ngayon, pero aww dahil nagkaboyfriend na siya! kaya nga nainspired akong maghanap ng soulmate ko para maka'move-on na ako sa kanya.


"makapag-facebook na nga lang!"


pagkalog-in ko sa facebook, agad ko nanamang pinuntahan ang timeline ni Erich para ma-update ako sa daily status niya haha! alam ko di nakakatulong ang pagdalaw ko sa timeline niya para maka-move on ako pero di ko kayang labanan ang pagnanasa ko sa kanya.


"tsk! puro wattpad nanaman status update niya!, kaya inlove lagi e! wattpad ng wattpad ng wattpad kaya puro lovelife nalang inaatupad!"



"aw! aw! aw!" (kahol ni hiro)


"o di ba hiro! agree ka sa akin? hayaan mo pag nahanap ko na ang soulmate ko, siya ang magiging mama mo! ayus ba?"


"aw! aw!" (kahol ni hiro sabay lapit kay kenjie)


"sabi ko na nga ba hiro, naiintindihan mo ako e! hayaan mo isasama kita mamaya pag naglibot ako! tulungan mo akong hanapin yung soulmate ko slash yung mama mo!"


puro nalang wattpad ang post ni Erich! parang gusto ko tuloy gumawa ng kwento para kay erich! pano ba gumawa ng account dito? ..

when MR. WRITER meets MS. READERWhere stories live. Discover now