"o kupido akala ko ba makikilala ko na yumg soulmate ko kahapon? bakit wala naman?! puro kamalasan pa ang nangyari!"
"so kasalanan ko pa na choosy ka ganon?"
sagot ni kupido.
"sabi mo kasi makikilala ko din yung soulmate ko, may panginig-nginig pa nga sabi mo!"
"oh, tama naman nakilala mo na siya kahapon na may panginig-nginig pa! hay nako kenjie slow mo ha!"
"ha? pano? sino? tsk! di ko gets?!"
"haha! bahala ka sa buhay mo kenjie, may lakad pa ako, at ikaw din may lakad ka pa ngayon! kaya baboooooosh!"
"ui kupido, teka............"(kringggggg ...... kringggggggg!)
nakamputspa naman! ang aga ko palang nag-alarm. nakakaloko pa yung panaginip ko.
"idlip muna ako ng 5minutes, para 5:35, gagayak na ako!"
AUTHOR:
>>>
at dahil nakatulog si kenjie, ako muna ang magkukwento at sa kabilang eksena naman, maaga ng nakagayak si Lj para magsimba.LJ's POV:
>>>"sorry ming-ming pero di kita pweding isama ngayon dahil matamlay ka, baka magkasakit ka pa lalo, allergic ka pa man din sa alikabok"
haha, oo! maarte talaga si ming-ming kahit na pusang kalye ang breed niya. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si mama na nagwawalis sa sulok ng sala.
"ma, punta na po ako"
"o san ka nanaman gagala?! akala ko ba nawawala yung pitaka mo?, san ka nakakuha ng panggala mo?
makasermon naman si mama! ang aga.
"magsisimba po ako ma, at saka kaya nga ako nagpapaalam sa inyo kasi hihingi ako ng pamasahe ko, haha, kahit papunta lang ng Cathedral please"
haha pa-cute.
"oh! (sabay abot ng 20pesos), pang-tricycle mo, 15pesos lang yun, kaya ibalik mo din ang sukli!"
"hala! si mama napakakuripot! bente na nga lang kailangan may sukli pa?"
"aber, oo! ng malaman mo ang kapalit ng pagiging burara mo!"
"hmm, ok sige na ma! alis na po ako"
"oh bat hindi ka na kakain ng umagahan?"
"opo ma, ipangmimiryenda ko nalang yung 5pesos kong sukli, kasya na siguro yun, maglalakad nalang ako pauwi, kahit mainit, kahit masunog na yung balat ko, kakayanin ko ma!"
paawa effect ko. haha!
"hay nako kang bata ka! o eto (abot ng 100pesos), akin na yung bente! ibalik mo yung sukli niyan pag may natira."
"thank you thank you ma! sige ma! alis na ako!"
"sige mag-ingat ka"
"opo ma!"AUTHOR:
>>>lumipas ang ilang oras, at natapos na ang simba, nagtungo na si Lj sa Park kung saan sila magkikita ni kenjie. Teka! nasan na pala si kenjie? tsk! tsk! tsk!
LJ's POV:
>>>"oh-em! naglalagkit na ako ah! wala pa din yung baliw na yun!"
hay, almost half-hour na akong mukhang malaking picture dito sa park pero wala pa din yung baliw na yun!. kaasar. Naku, baka sinundo niya lang yung mga kasama niya sa Gang, pagkatapos! oh-em, gagahasain nila ako then after nilang makuha ang buong pagkatao ko, itatapon nalang nila ako sa ilog o ililibing ng malalim na malalim sa lupa hanggang sa di na ako mahanapan pa! Lord, pinagdasal ko na po kanina sa mass ang kaligtasan ko, kaya Ikaw na po ang bahala, naway wag mo akong papabayaan sa demonyong yun.
"mag-iisang oras na ha!, matawagan na nga siya!"
pero teka, wait. sinabi ko nga pala sa kanya na hinding-hindi as in never ever forever akong tatawag sa kanya, at pag nangyari yun, hindi ako kakain! tsk!
"hay!!!!!! pag dating mong baliw ka! titirisin kita ng pinong-pino!"
DU LIEST GERADE
when MR. WRITER meets MS. READER
Jugendliteratur⇨naranasan mo na bang makilala ang writter ng isang kwento na binabasa mo sa Wattpad? o yung tipong may kakilala ka lang na gumagawa ng mga kwento? o mas malupet pa ay yung ma-inlove ka sa writter ng kwento? mahirap i-explain ang buod nitong kwento...