Si Kenjie At Wattpad

67 2 4
                                    

KENJIE's POV:
>>>


"sige na miss Learnny, pumayag ka na."
pagmamakaawa ko.

"ok then, hmm since na tinawag mo na ako sa totoong pangalan ko, OK sige payag na ako!"


"yes! yes! yow! salamat."


"but wait! remind ko lang na hindi tayo magde-date!, intiende?"


"opo, senyora!"


"ok bye!"


"bye din miss lepsy, see you bukas after mass ha!"


"oo!"


"bye"

whoo! sa wakas! tagumpay ang plano ko! haha! humanda ka sa akin miss lepsy! makikita mo kung paano maghiganti si mr. Kenjie Monforte slash gwapo, matapos mo akong laitin kanina! pangit lang ang walang ganti!


"o hiro! bukas may date ako!, isasama kita."
sabay haplos ko kay hiro.


teka nga! mai-search nga naman tong si miss lepsy!, LEARNNY JOY RAÑOLA ..


(results, click, loading ..)


"ayputspa! parang si Erich naman pala to e!"


oo! pareho sila ni Erich na puro wattpad ang post! tsk! pakiramdam ko tuloy I was living in a world apocalipted by wattpad addicts! haha.


"oo nga pala! yung gagawin ko pang kwento ko sa wattpad! hmm? ano kayang magandang pamagat? teka! wala pa pala akong plot ng kwento, tsk! nakamputs naman! hirap palang gumawa ng kwento!"


napatingin ako sa I.D. ni miss lepsy na laman ng pouch niya at parang (BOOOOM!!)


"alam ko na!!!"
(pahiyaw)


napatakbo pa si hiro sa ilalim ng kama ko! hahaha!, nagulat siguro.


"gagawan ko ng kwento yung nangyari sa amin ni miss lepsy!"


teka, anong magandang pamagat?


"e kung, Worst Valentines Day? hmm mukhang bitter ang tunog! baka di magustuhan ni Erich, e kung, Soulmate? hmm ang ikli naman, at saka ang baduy! di na uso ngayun yung soulmate-soulmate na yan!, hmm isip pa kenjie, isip pa! hmmmmmm, alam ko na!! Love For The First Time! nakamputs! haha!"


pero di ako nalove at first sight kay miss lepsy! trip ko lang talagang gawan ng kwento yung nangyayari sa amin, yung kumbaga, isusulat ko sa wattpad ang bawat nangyayari sa aming dalawa, para asteeg! true to life story parang MMK lang (naks!).


pero nakakaubos ng neurons mag-isip kung pano ko sisimulan tong kwento!


"once upon a time..... teka!, erase, erase, erase! anong isusulat ko? fairytale?!. mabuti pa mag-search nalang ako kung paano gumawa ng kwento sa wattpad!"


(typing)


how to make a story on wattpad?


(search....)

"How to Write a Wattpad Story
by speedingheart, ito na siguro?, (click!)"


ayun, sa wakas, nakahanap din ako ng tutorial sa paggawa ng kwento! hahaha.
ang dami naman palang arte sa pagsusulat ng kwento! ang dami pang dapat isaalang-alang daw, kailangan ko pa yatang mag-alay ng manok at magbudbod ng asin sa paligid ng bahay bago gumawa ng kwento sa wattpad! ang daming ritual.

"hmm, ano nga pala pangalan ni Erich sa wattpad?, pati si miss lepsy meron kaya yun account?! nakamputs kenjie! mababaliw ka lang sa wattpad na yan!!!"
kinakausap ko sarili ko, kasi people who talked to themselves were able to find items more quickly, and stay focused, according to a recent study ni Daniel Swingley. (naks!)


"hayyyy! mababaliw na yata ako! kelangan ko ng tulong! tsk! bukas ko na nga lang ituloy, mag-aalas dose na!' tinatamad na ako! alam ko na, papatulong nalang ako sa Lunes sa mga kaklase kong adik sa wattpad!, watta brilliant idea kenjie! dabest ka, genius ka talaga! wou, ang gwapo ko!"

bukas nalang ako gagawa ng kwento o kaya sa lunes! may date pa kami bukas ni miss lepsy, baka pumangit pa ako ng isang porsyento! makapag-alarm nga at baka ma-late pa ako sa mass bukas! 5:30am set.


"good night hiro! good night laptop! good night miss lepsy (sabay tingin sa ID niya), humanda ka bukas kay gwapong gwapong si kenjie!".

when MR. WRITER meets MS. READERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang