Halos hindi ako makapagconcentrate sa pagmamaneho habang katabi si Daryl na nasa passenger seat. Gusto ko mang itapon siya palabas ng kotse o kaya naman ay iwan in the middle of nowhere ay hindi ko din magawa.Hahahahaha akong napatingin sa gawi niya at napansing kanina pa ito nakatingin sa labas ng bintana na para bang wala sa sarili. Napatikhim na lamang ako. Ewan ko nga kung ilang beses ko na yung ginawa.
"Can we drop by a hospital or something?? Mukhang malala na yang ubo mo." Bigla sabi niya.
Napairap na lang ako.
"Masakit lang yung lalamunan ko." Depensa ko naman sakanya.
"Tss "
"Tell ano bang gagawin mo sa NYC at pati ako eh talagang naistorbo mo ha??" Inis kong tanong sakanya.
"It's none of you business. Kung nagrereklamo ka edi sana hindi mo na lang ako sina ay. I can rent or even buy a car on my own." Malamig niyang tugon kaya napasimangot ako.
"Edi sana yun nga ang ginawa mo pero nandito na tayo eh alangan naman itulak kita palabas diba???" Na sana kanina ko pa ginawa. Naku! Kung di lang kay Tito Rafael talaga nakatikim na sakin tong hayup na to!!!
Natahimik na lamang siya.
"Teka saan kita ibaba? Hindi naman kita pwedeng isama sa lakad ko dahil marami akong gagawin at pupuntahan. Panira ka lang ng lakad." Tanong ko habang papalapit na kami sa downtown city.
"I'm meeting a business partner. I'm still waiting for his reply."
"Oh! Eh iMessage mo ulit. Baka abutin pa tayo ng new year dito sa bagal niyang kausap mo." I sarcastically said that made him glare at me. Ngumiti na lamang ako bilang pang iinis sakanya.
"Psh! Eto na! Just drop me by in this cafe called Le Amore — WHAT THE FUCK HERA!?" Bigla nitong mura dahil sa bigla kong pagpreno.
Unti unti kong naramdaman ang pag nginig ng mga kamay ko. Of all places talagang sa cafe ko pa! Hindi pwede to! I'm sure Alice will bring Dale there dahil walang magbabantay sa bata. It's already too late for me to call her.
"So what?? Dito na lang tayo hanggang bukas??" He sarcastically asked. This time ako naman ang tumingin sakanya ng masama.
"Bakit doon pa kayo mag uusap niyang kilala mo!? Ang dami namang iba jan eh!" Maktol ko
"Eh ano naman sayo!?"
"Hmp!"
Wala na akong sinabi at nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho. I'm just hoping na nasa ibang branch ng Cafe ngayon sina Alice. Hindi ko yata kakayanin pagnakita ni Daryl si Dale.
Huminto kami sa Times Square branch ng La Amore. Pa simple akong sumilip sa loob at napansing wala pa doon sina Alice at Dale kaya naman napahinga ako ng maluwag. Mahirap na kaso lalo na ay talagang gustong gusto ni Dale na naghahatid ng pastries sa mga customers o kaya naman ay tumambay sa cashier kasama si Alice.
"Ahem..."
Bigla akong napatingin sa katabi ko na ngayon ay nakataas ang kilay sakin.
"Oh, edi bumaba ka na. Bilisan mo at sinasayang mo ang oras ko!"
"Yeah right. Thanks, wag mo na kong balikan dito. I'll have my car later."
"Dont worry wala akong balak balikan ka." Sabi ko kaya napatingin siya ulit sakin.
Mukhang iba yata ang naging meaning nung sinabi ko.
BINABASA MO ANG
EPITHYMÌA (Book 2): Love and Desires
RomanceIts been years pero alam kong siya pa rin ang nasa puso ko. But faith was never fair. And now he is happy. Without me. Can still love bring us back together?