CHAPTER 2

15 2 0
                                    

"THE Red Sea gets its name from the slaughter that occurred there during biblical times. True or false?"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Prof. Snade. Oo, tama, si Prof. Snade ang nagtuturo ngayon at hindi ko alam kung bakit puro may koneksyon sa bibliya ang itinuturo niya. Ano bang pinagsasabi nito? Nagsimba siguro 'to kanina kaya nagkakaganito. Patnubayan nawa siya ng panginoong maykapal.

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Wala akong ganang makinig sa sinasabi niya lalo na't siya ang nagtuturo, pakiramdam ko kasi imbes na maging santo santita ako dito ay maging demonyo ako dahil sa kanya.

Hindi ko mapigilang mapahikab. Kanina pa ako nagtitiis dito sa antok at kanina ko pa gustong ibato ang bangko na inuupuan ko sa taong nasa harapan na balak atang magpari. Tss, hindi katanggap-tanggap.

"Ms. Santos, may I know why my subject seems so boring for you?"

Agad akong napatingin sa harapan. Nakataas ang kilay niya sa akin habang ang isang kamay ay nakasandal sa lamesa niya at ang isa naman ay nasa bewang niya. Nakatingin din sa akin ang mga kaklase ko. Napabuntong hininga ako ng malalim, now, Ailee, you are the center of attention.

"No, Sir. Sorry, Sir." Mariin siyang napapikit ng marinig ang itinawag ko sa kanya.

Sige, mainis ka lang para hindi kana si Professor Snake, ikaw na si Professor Snape.

"So, what's your answer Ms. Santos?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong sagot? Nanliligaw ba siya sakin? No no no no no, it's a big NO. Like, kadirness overloadness! Yakness!

"S-Sir?"

"The Red Sea gets its name from the slaughter that occurred there during biblical times. Is it true or false?" Pag-uulit niya. "Makinig kasi hindi puro kalandian ang iniisip." Pagtataray niya pa. Nagtawanan ang classmate ko sa sinabi niya.

Nandilim ang paningin ko dahil sa sinabi niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ang ilagay sa matino ang pag-iisip ko. How rude he is?! Kahit inis na inis na ako sa kanya ay hindi ko siya binabastos pero siya! Pinapahiya ako!

"It's a false." Napangisi siya sa sinabi ko. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Calm yourself Ailee.

Umugong naman ang bulungan sa loob ng classroom. Ang iba ay sang-ayon sa akin, ang halos lahat sa kanila naman ay hindi at masama pa ang tingin sa akin. Kapag ako talaga napuno pagbubuhol-buhulin ko kayo taniyo.

Mas tinaasan pa ni Prof. Snade ang kilay niya saakin. "And why?" Tanong niya. Binuksan niya ang mini fan niya at itinutok sa mukha. So tingin mo fresh ka na niyan?

"Normally it's an intense blue-green, the water will occasionally turn Reddish brown due to dying algae." Wala pa siyang sinasabi ay agad na akong umupo.

"Stand up." What?! "May sinabi na ba akong umupo ka na?" Napayukom ang mga kamay ko at pilit ikinakalma sa sarili.

Mabuti nga umupo nalang ako kaysa sa nilayasan ka kahit gustong gusto na kitang tirisin.

Napamura ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Dahan dahan ulit akong tumayo. Pag ako talaga nabuysit dito—

"Now, sit."

Nagsitawanan ang mga kaklase ko.

Laglag panga akong napatingin sa kanya habang siya ay ngising asong nakatingin sa akin. "Tang.. i.. na.."

Patawarin nawa sana ako ng Panginoon sa mga sakaling magawa ko sa taong ito.

NATAPOS ang klase niya at naglalakad na ako papunta sa parking lot. Hanggang ngayon ay naalala ko pa kung paano niya ako pinahiya sa loob ng classroom. Ang sarap niyang tirisin na parang kuto! Kung makita ko lang talaga iyon ngayon ipapakain ko sa kanya lahat ng notebook ko.

Rule No.1: Don't Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon