CHAPTER 3

3 2 0
                                    


DAHAN DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at unang tumama sa mukha ko ay isang nakakasilaw na liwanag.

Nasaan ako? Patay na ba ako? Kinukuha na ba ako ng liwanag?

"She's awake!" Rinig kong sigaw ng kung sino.

Narinig ko ang pagsara at pagbukas ng pinto. Pinto? Nasa kwarto ako? Pero kanino?

Ipinikit-sara ko ang mga mata ko at nang maaninag ko ng mabuti ang paligid ko ay mas lalo akong nagtaka sa nakita at naamoy ko. Nasa Ospital ba ako?

"God! Ailee!"

Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya doon natuon ang pansin ko.

"N-Nasaan ako?" Anong ginagawa ko dito?

Napatingala siya sa'kin at may halong pagtatanong at pagtataka ang mga mata niyang nakatuon sa akin.

Lumayo siya at tumayo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Nakakunot na ang noo niya at parang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"N-Naaalala mo ba 'ko?" May pag-aalangang tanong niya na ikinatawa ko.

"Syempre n-naman. Para kang t-timang, Aira."

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?

Itinungkod ko ang mga siko ko sa malambot na kama at dahan-dahang umupo. Muli ko siyang nilingon.

"P-pahinging tubig." Nanunuyo talaga ang lalamunan ko.

Naaligaga naman siya at mabilis na inagaw ang mineral water na inaabot sakin ni Jayson. Mabilis ko naman itong ininom at halos makalahati ko na ang laman. Hindi naman ako ganito katimawa sa tubig ha?

Ibinalik ko kay Aira ang mineral water na inabot niya kay Criselle na inabot naman ni Criselle kay Jayson.

"Anong gagawin ko dito?" Takang tanong niya.

"Lunukin mo 'sama mo na bote." Sarkastikong sagot ni Criselle. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Jayson.

Nagpatuloy sa pagbabangayan ang dalawa habang ako ay nilibot ng tingin ang kwartong inuukupahan ko. Nasisiguro kong private room 'to dahil isang kama lang nandito which is ang kinauupuan ko ngayon. May sariling CR at may flat screen T.V pa. May balcony pa na hinaharangan ng glass door. Magkano kaya ang bayad dito?

Speaking of bayad.

Agad nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Aira na nagbabalat ng mansanas.

"A-Aira, private room 'to, tama?" Kinakabahang tanong ko.

Napasulyap siya sa akin at muling tumingin sa binabalatang mansanas. "Oo, bakit?" Kalmado niyang tanong.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Bakit ganyan siya?! Hindi niya ba alam yung gastos dito?! Pwede namang sa public room nalang ako! Malaking gastos 'to-!

"Don't worry, bayad na ang expenses mo dito kaya wala ka ng aalalahanin pa." Paliwanag niya ng makita niya siguro ang pagkatarantang bumalatay sa mukha ko.

"Bayad na? Sino ang nagbayad?"

Si Jayson ang sumagot, "Yung nagdala sayo dito."

"Nagdala?"

Sabay sabay silang napatingin sa akin. May halong pagtataka at... Pangamba?

Nagsalubong ang mga kilay ko sa naging reaksyon nila at doon ko naramdaman ang pagkirot ng noo ko.

"What the..." Napahawak ako sa noo ko dahil sa biglaang pagkirot. Kinapa kapa ko ito at naramdaman ko agad ang bendang nakapulupot doon.

The hell, saan ko nakuha 'to?

Rule No.1: Don't Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon