"Shia, come here let's eat. Malapit nang maluto 'tong ulam." Pababa ako ng hagdan ng makita ko si kuya sa left wing ng bahay namin. Papunta 'yon sa garden/ swimming pool.
Napahaba ata ang tulog ko. It's already 7PM sabi ng orasan sa sala. Sinundan ko si kuya, nakita ko s'yang naghahanda ng plato at mga baso sa lamesa. Napansin kong mausok, anong meron?
"Rius' on the grill. Pork barbecue ang niluluto." Kaya pala mausok. I looked at that guy's direction at nakita kong 'tong nagpapaypay ng barbecue.
"Naiisip ko kasing i-welcome s'ya dito sa bahay, kaya ito nagluto ako ng maihahandang ulam. Ako dapat ang magluluto ng barbecue, pero s'ya na lang daw." Napabaling ang tingin ko kay kuya. Ang bait ah!
"Bodyguard lang may pag welcome party ka pang ginawa. Hindi yan guest." Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Bisita pa rin 'yon kasi first time nating magkaroon ng isa pang kasama dito sa bahay." Malumanay n'yang sabi.
"Hindi bisita, nakikitira!" Padabog kong inusog ang upuan at d'on umupo. Natatawang umili-iling si kuya sa akin at umupo na rin.
"Bakla ka ba? May gusto ka dyan sa lalaking yan?" tanong ko habang mariin ko s'yang tinititigan. "Magsabi ka ng totoo."
He glare at me.
"Ikaw, yang utak mo ang dumi pati yang bibig mo. Pumasok ka nga d'on linisan mo yang utak mo, magtoothbrush ka na rin! Naghanda lang bakla na agad. Tirisin kita d'yan eh!" Nang gigigil na sabi n'ya. I didn't listen to him and just stuck my tongue out. Pikon.
Natigil lang ang pag-aasaran namin nang naglakad na papunta sa lamesa 'yong lalaki, halata ang pawis sa noo n'ya dahil siguro sa init ng grill. Nilapag na n'ong lalaki 'yong plato na puno ng barbecue. Naglaway agad ang lalamunan ko shit. Ang sarap n'yan!
Naupo s'ya sa left side ko. I glared at his direction without him knowing. Ang baho n'ya amoy usok. Swear mabaho talaga s'ya!
"Let's eat." Ani kuya
Kumuha ako ng kanin pati na rin ng cordon bleu at lumpiang si kuya ang nagluto. Nakatingin si kuya sa plato ko habang kumakain.
"Ayaw mo ng barbecue? Favorite mo yan 'di ba?" Napatingin sa akin 'yong lalaki habang ngumunguya ng lumpia.
"Lumpia favorite ko." Sagot ko sa kanya at kinagatan ang lumpia ko.
"Pero mas favorite mo ang pork barbecue." Nilagyan ni kuya ang plato ko at hindi na ako makaangal. Naman kasi bakit s'ya ang nagluto ng barbecue. I glare at kuya but he just smile at me like nothing happened. Instead of arguing with him, I just ate everything on my plate while kuya and the guy are talking.
"Bodyguard ka na talaga dati pa?" tanong ni kuya sa lalaki.
"Ngayon lang." Tipid n'yang sagot
"So first time mo? Ano bang trabaho mo dati?"
"Army."
Natigil ako sa pag-nguya at na patingin sa gawi n'ya. Army? Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom.
"Sundalo ka? Tapos magiging bodyguard ka lang ng kapatid ko?"gulat na sabi kuya. "Swerte mo ah!" Nang aasar na sinabihan ako ni kuya.
"Privilege ko? Buhusan kita ng tubig eh." akma ko s'ya tatapunan ng tubig kaso tinawanan n'ya lang ako. Nag-usap ulit sila about sa kung ano-ano habang ako naman ay nagfocus sa mga pagkaing nasa harap ko. Sarap ng barbecue!
BINABASA MO ANG
Not So Damsel In Distress
Aksi"How can I stop holding a gun if they are all pointing arrows?"