MASAYANG sinalubong ng isang batang babae ang kanyang ama na isang buwan niyang hindi nakita.
"Papa!"
Tumatawa naman ang kanyang ama na yumakap sa kanya saka siya binuhat.
"I miss you, my princess." Hinalikan siya nito sa pisngi.
"I miss you rin po."
"Kumusta ang prinsesa ko?" Her father pinched her nose.
"Okay lang po, Papa. Nag-aaral po ng mabuti." Sagot niya at humilig sa balikat ng ama.
"That's good, my princess. Where's your Mama? I miss her."
"She's preparing for dinner, Papa."
Pumasok sila sa loob ng bahay. Nagpababa ang batang babae nang nasa sala na sila.
"Put me down, Papa. I want to finish the book that I'm reading."
"O-okay ..." Her father put her down.
"Sa kusina lang ako, anak." Paalam ng kanyang ama.
"Okay po. Mama misses you so much." Ani ng batang babae.
Ngumiti ang kanyang ama at pumasok sa kusina. Siya naman ay kinuha ang libro na nasa sofa at ipinagpatuloy ang pagbabasa niya ng libro. Nang may biglang kumatok sa pinto. Inilapag niya ang librong binabasa at tinungo ang pinto. She opened the door but...
"Papa!" She scream in fear.
Napaatras siya dahil sa takot. Ang nasa pintuan kasi ay pugot na ulo ng isang patay na hayop. Halatang kapapatay lang nito dahil sariwa pa ang dugo na umaagos sa pugot nitong ulo.
"Papa!"
"Mama!"
"Princess, 'nak ... anong nangyari?!" Humahangos na paglapit sa kanya ng ama.
"Max, ano ba 'yun?" Sunod na lumabas sa kusina ang kanyang ina.
She cried. "Papa!"
Nanlaki ang mata ng magulang niya nang makita ang ulo ng hayop. Natutop ng kanyang ina ang bibig niyo. "Oh my god!"
Binuhat naman siya ng kanyang ama ay hinagod ang kanyang likod. Humikbi siya.
"Don't cry, princess ... shhh ... tahan na."
"B-but—"
"It's just a toy—"
"—no, Papa. It's not..."
Hindi umimik ang kanyang ama at patuloy lang sa paghagod sa kanyang likod at pinapakalma siya. Her heart is pounding. Kinakabahan siya. Ngayon lang siya nakakita ng ganun. And she can't take it. Hindi siya sanay na makakita ng ganun.
"Michelle, kunin mo si Max at titignan ko lang sa labas." Ani ng kanyang ama.
Agad naman siyang kinuha ng ina at binuhat. Yumakap siya sa leeg nito. Her mother sat on the sofa while she's in her lap.
"Tahan na, Max..."
Patuloy pa rin siya sa paghikbi. Her mother kissed on her forehead. Kalahating minuto ang lumipas bago bumalik ang kanyang ama.
"What is it?" Tanong ng kanyang ina.
"It's a threat." Sabi ng kanyang ama. Hindi niya naintindihan 'yun dahil bata pa siya.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina.
"Nasa paligid sila at nagbabantay, Michelle, pero hindi ko sila hahayaan na makalapit sa inyo. Poprotektahan ko kayo."
BINABASA MO ANG
Prince Zeus's Mate (Incomplete)
WerewolfSecond Generation. AZARIAH ZEUS DONOVAN story. "Werewolves are dangerous." 'Yun ang paniniwala ni Maxine tungkol sa mga lobo. At hindi na 'yun magbabago. Mababangis silang mga nilalang. She believe it because she was caged in a someone's territory...